Umupo na ako sa upuan at nakangiting kinausap ang Doktora. Ayaw ko namang magmataray dahil may kailangan akong malaman. Isa pa... 'Di naman talaga ako mataray.
“Yong lalaki kanina...” panimula ko. “Kaanu-ano mo siya?”
“Si Marasigan?”
“Yup!”
“Ah, he's now actually my... fiance.” mahinang wika nito at lumungkot ang mukha. “Funny, right? Kung kani-kanino lang ako pinapartner ng parents ko.”
“Fiance?” na focus ako sa isang salitang sinabi niya.
Kung gano'n, nagaya si Dave kay Ken. “How?” tama ang kutob ko pero kahit gano'n ay nagulat pa rin ako. Who wouldn't?
“'Yong Mom ni Dave ay close friend ni Dad and they talked about their business and they opened up something to each other. Most likely, you know, talked about arrange marriage. No'ng una nga eh si Del Valle at ngayon naman si Marasigan. Ayaw ko sanang pumayag na ulit ngayon but Dad really want me to marry Dave. So, pumayag na ako pero bago 'yon, gusto kong makilala si Marasigan kaya lang...” she suddenly paused.
I remembered Mom's Dave bigla, 'di ko akalain na magagawa ni Tita Mirasol 'yon sa anak. Well, nagulat ako sa nalaman ko pero sana, 'yong desisyong nagawa nila sa mga anak nila'y maging tama.
“Kaya lang, eh, he's cold towards you?”
“Yup.”
“Hindi 'yan.” and I smiled widely at her. “Sabihin nating cold nga siya pero look, hinilot niya ang ankle mo, 'di ba? Nag-aalala 'yon sa'yo, trust me. Maybe one of these days, magbago ang pakikitungo niya sa'yo.”
“I hope so.” she smiled, “So, let me check you up. Baka mag-init na ang ulo ni Del Valle kapag natagalan pa tayo.” and we're both chuckled. Parang kanina lang ay inis na inis ako sa kanya, ngayon eh nakikipagtawanan na. “Nga pala, ba't 'di na pumasok dito si Del Valle?”
Hindi muna ako umimik agad at nag-isip ng magandang dahilan.
“Ah, nasa restroom siya.” sabay ngiti ko muli. “Tapos sabi ko kanina na hintayin na lang niya ako sa labas ng clinic mo.” patawad muli sa kasinugalingan. 'Di ko kayang sabihin sa kanya na iba ang nasa isip ko kapag sinama ko ulit si Ken, eh.
Tumango-tango siya at naniwala sa sinabi ko. Buti naman.
Binigyan na niya ako ng hospital clothe at pinagpapalit sa cr. Nang matapos ay pinahiga niya ako sa hospital bed na naroroon at nagsimula na siyang i-ultrasound ako.
“A baby boy..” masayang wika nito habang nakatutok ang mga mata sa screen no'ng flat na t.v. “Look, it's his male organ.” sabay turo sa ari ng aking anak. Natuwa ako nang malaman na baby boy ang gender ng anak namin ni Ken.
Paniguradong matutuwa si Hailey at ang lalaking 'yon kapag nalaman nila 'to.
I suddenly remember my parents, pag nalaman ba nilang may apo na sila, matutuwa rin kaya sila gaya ko? Lalo pa't lalaki ito? Sana...
Nang matapos na siyang i-ultrasound ako'y inalalayan niya akong tumayo na at pinagbihis muli ng damit.
“Malakas ang kapit ng bata sa'yo. Mukhang hindi ka pa na stress. Keep it up, okay? H'wag ka rin magpakapagod, ah? Since ilang buwan na lang at manganganak ka na, I suggest na maglakad-lakad ka tuwing umaga para pag naglabor ka eh 'di ka mahirapan.” anito nang makaupo muli ako sa upuan na nasa harap ng table niya.
Tumango-tango ako't nakinig lang ng mabuti sa kanya.
“You need to eat some foods na mataas sa iron and vitamin B complex, okay?”
BINABASA MO ANG
Pregnant by my Boss
RomanceSTATUS: COMPLETED SOON TO BE PUBLISHED UNDER GOOD SAMARITES BOOKSHOP WARNING: Old Version. This story contains wrong grammars and R18 scenes. Some chapters are not suitable for children. I WROTE THIS STORY WHEN I WAS YOUNG, TEEN AGER AND BAGUHAN. Re...