Chapter 29

262K 4.6K 131
                                    

'Di ko namalayan na nakatulog muli ako. Nagising ako dahil sa gutom na nararamdaman. Bumangon na ako, walang hila-hilamos na nagtungo sa kusina para kumain. Walang Ken akong nakita sa buong condo unit kaya pinagkibit-balilat ko na lamang 'yon.

Gusto ko siyang i-text para itanong kung nasaan siya pero pinigilan ko ang aking sarili.

Matamlay akong naupo sa upuan, pasandok na sana ako ng kanin ng may nakita akong maliit na papel na nakasipit sa lalagyan ng ulam na niluto ni Ken.

Kinuha ko 'yon at tahimik na binasa ang sulat.

Nasa park lang ako malapit sa condominium, kung sakaling hinahanap mo nga ako. Nagpapahangin lang ako rito. Eat the food I cooked earlier, okay? Para sa'yo lahat ng 'yan. I know you're mad at me but I make it up with you. Sa ngayon, palalamigin ko muna ang ulo mo. Always remember that I love you.

Nilapag ko muli ang papel na iyon sa mesa at nagsimula nang kumain.

Dati, sanay akong mag-isang kumakain pero ngayon ay hindi na. Nasanay na ako na may kasabay, I feel so lonely here at the kitchen. Parang gusto ko siyang itext ngayon at pauwiin dito, pasabayin sa akin na kumain.

Pero tama na muna sa pagiging marupok. Kahit ngayon lang.

Habang kumakain ay nag-isip-isip ako kung ano ang dapat kong gawin.

Sa totoo lang, 'di lamang din ako sa kanya may galit. May galit din ako kay Lucy at Deborah, ang dalawang 'yon na malalandi! Alam nilang taken na si Sir Ken, gusto pang galawin! Pwede silang makasuhan ng rape if they really framed up him.

After eating my food, nagtungo akong banyo para mag-ayos. Tinawagan ko si Hailey pagkatapos, I really need an advice from her.

Nakadalawang ring lang bago niya sagutin ang tawag. "
“Hello?”

“Are you busy today?”

“Hindi naman, bakit?”

“I need an advice.”

“For what?”

I cleared my throat before telling her my problem. Tahimik lamang siyang nakikinig sa kabilang linya habang nagkukwento ako ng mga nangyari kagabi at hanggang ngayon ay kinuwento ko na rin sa kanya.

She curses a little when she heard my story.

“Nagsama pala ang dalawang higad.” ramdam ko sa kanyang boses ang panunuya. “If they put a drug on Ken, pwedeng makasuhan ng rape ang dalawa but knowing him... 'di 'yon magsasampa ng kaso instead mas malala ang kanyang gagawin, baka kumikilos na siya kaya umalis. Do'n lang sa park tumambay habang kumikilos na. You know, he had a lot of connection. Isang tawag lang sa mga kakilala niya, tumba na agad ang kalaban.”

“What should I do? Should I believe him?”

“If he was telling the truth talaga, paniwalaan mo. Makikita mo naman sa kilos at sa mga mata, eh. If he was really pursuing you to believe him, sundin mo ang puso. If he was not, then... sundin na ang isip.”

Matagal bago ako makasagot.

I heaved a sigh while thinking what I really need to do, to save this relationship we had.

I don't want to end our relationship because I love him. I want to believe him because I love him pero ayaw kong magpakarupok agad.

Maybe Hailey is right.

If he kept pursuing me to believe him, paniniwalaan ko na. Makikita ko naman 'yon sa mga kilos at mga mata niya, eh. Tama, 'di ba?

“Ali,” she breathed on the other line. “magpalipas ka ng ilang araw. Subukan mo. Kapag 'di sumuko si Ken sa pagpapakita sa'yo na mahal ka niyang talaga at lagi kang kinukulit na paniwalaan siya, sundin mo ang puso pero gamitin din ang utak. Gamitin mo parehas, gano'n! Ang utak sa pagdedesisyon kung tama ang gagawin mo. Ang puso naman sa pag sang-ayon sa desisyon na gagawin mo. Kapag mabigat sa kalooban, h'wag. Kasi masasaktan mo siya, masasaktan mo rin ang sarili mo. Do'n tayo sa nagpapagaan ng kalooban natin.”

Pregnant by my BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon