CHAPTER 3

77 17 3
                                    

( Ang istoryang ito ay tanging imahinasyon lamang ng may akda. Ang bawat pangyayari na naisusulat sa bawat kabanata ng istoryang ito ay galing lamang sa malawak na imahinasyon ng may akda. Kung mayroong pangyayari ang hindi kapani paniwala ay humihingi napo ako ng dispensa at kung mayroong pagkakahawig o pagkakapareha sa ibang istorya ay hindi sinasadya.Maraming Salamat ♥)

Steven's POINT OF VIEW

"Yon na nga dre. Hinatid kita tapos bumalik ako ulit sa bar syempre! Sayang ang mga chicks 'no! Kaso si Jane hindi kona nakita. Hindi ko nga alam kung saan na pumunta 'yon e"

Sino yung babae kagabi? Bakit parang pamilyar ang mukha niya?

"Hindi ka maniniwala dre! Tang ina ang ganda nung chicks na lumapit sa akin kagabi! Woah! Feeling ko tuloy naka jackpot ako! HAHA"

Totoo ba 'yon? O baka naman panaginip lang lahat ng iyon?

"Nakikinig kaba 'dre?" Huminto sa paglalakad si Jake kaya napahinto na 'rin ako.

"H-Ha? Ano nga ulit?" Lutang kong sambit.

"TSS! Hindi kana man pala nakikinig! Napano kaba ha? Mula kaninang makita kita doon sa parking lot ganyan na itsura mo! Tang ina dre para kang zombie! Haha ang lalim ng eye bugs mo! HAHA"

"ULOL! Totoo?!"

"Tsk tsk tsk" iiling iling nitong sambit. "Bawas kagwapuhan 'dre, walang panghatak ng chicks HAHA!"

"Ulol!" Tinulak ko siya. "Kahit naman magmukha akong zombie eh mas gwapo pa 'rin ako sa'yo!" Tinalikuran kona siya, hanggang dito ay dinig na dinig ko pa 'rin ang pagtawa niya mula malayo.

Napahawak ako sa ulo ko. Pilit inaalala ang mga kaganapan kagabi sa bahay. Sobrang weird talaga ng nangyari kagabi! Sino yung babae? Atsaka ano ang sinabi niya? Magbarbiebarbiehan daw kami? Sino ba siya?? Mababaliw na yata akoooo!!!!!

"Aray!" Natauhan ako nang may makabanggaan akong babae na ngayo'y nasa sahig na! Ako naman ay napaupo rin sa sahig marahil sa hina ng katawan ko ngayon!

Hindi agad ako nakapag react sa nangyari at nanatili lang ako sa ganoong posisyon. "Steven!" Dinig kong sigaw ni Jake mula sa aking likod. Agad rin siyang nakarating sa gawi ko at inalalayan akong tumayo. Nang makatayo ako ay nilapitan niya ang babaeng nabangga ko at inalalayan niya rin ito at humingi ng dispensa sa nagawa ko..

Nang makaalis ang babae ay lumapit siya sa akin "What's going on with you 'dre?! Kanina kapa ah! Is there any problem? Bakit parang wala ka sa sarili mo? Tell me! Pwede mo naman akong makausap"

"I want to go home" walang gana kong sambit atsaka yumuko.

"I'll join you. Madali lang namang gumawa ng excuse. Let's go"

Nang makarating kami sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto upang makapagpalit ng damit pambahay. Si Jake naman ay agad pinagsilbihan ng aming mga kasambahay. Pagkatapos kong magbihis ay nagtanghalian muna kami saglit ni Jake at agad na kaming pumunta sa veranda at doon napiling mag usap.

"Ano bang nangyayari sa'yo 'dre?" Panimula ni Jake.

Humigop muna ako ng kape bago magsalita. "Paano koba sisimulan? Napakagulo ng lahat!"

"Bakit?" Puno ng kuryosidad ang mukha niya at tutok na tutok sa sasabihin ko.

"Hinatid mo ako kagabi mag aalas-dose na ng umaga hindi ba?" Tanong ko sa kanya at tanging tango lamang ang iginawad niya bilang sagot. "Naalimpungatan ako 'non mga bandang alas tres ng umaga. Sobrang sakit ng ulo ko 'non dulot na rin siguro ng alak na nainom na'tin kaya napagdesisyonan kong magpunta sa kusina upang magtimpla ng kape"

Connected HeartsWhere stories live. Discover now