CHAPTER 13

44 16 5
                                    

( Ang istoryang ito ay tanging imahinasyon lamang ng may akda. Ang bawat pangyayari na naisusulat sa bawat kabanata ng istoryang ito ay galing lamang sa malawak na imahinasyon ng may akda. Kung mayroong pagkakahawig o pagkakapareha sa ibang istorya ay hindi sinasadya.Maraming Salamat ♥)

STEVEN'S POINT OF VIEW

“Sino ba ‘yang isang ‘yan?! Hindi siya pamilyar sa akin! At napakasiga ng itsura! Akala mo kung sino!” rinig kong sabi ng pangit na nilalang na halata namang ako ang tinutukoy dahil habang sinasabi niya ‘yon ay panay nakaw niya ng tingin sa akin.

Nakasandal ako ngayon sa aking kotse while I'm waiting sa harap ng University na tinext ni Jenny sa akin. I am already here for about thirty minutes pero hindi pa ‘rin siya lumalabas. May karamihan na ‘ring mga estudyante ang kumausap sa akin marahil ay kilala na nila ako. Ang iilan naman ay nagtataka dahil bago lang sa paningin nila ang gwapo kong itsura. Hindi ko maiwasan ang mapangisi.

“Sa tingin ko ay hindi siya taga-rito boss! Hindi siya pamilyar sa akin ‘eh!” sabi naman ng isa. Hanggang dito ba naman pinag uusapan ako?! Tss.

“Ako ‘rin eh! Baka naman naghahanap ng away dito! HAHA!” Hindi ko maiwasan ang mapa-singhal! Ako hahanap ng away?! Mga siraulo ba ‘to!? Hindi ako pumapatol sa mga weak na unggoy! Tss. Ibalik ko sila sa Zoo eh!

“Naghahanap ng away tapos iisa lang siya?! ‘Eh gago pala ‘yan ‘eh! ‘Eh baka naman isang sigaw kolang, tumakbo ‘yang baklang hilaw na ‘yan eh! HAHAHA!” mabilis pa sa alas kwatrong lumingon ako sa gawi nila! Tang ina! Baklang hilaw!? Damn! Nakakasuka ang pagmumukha ng mga gago! 

“Ang naririnig ko ay siya ‘raw si Steven Kaizer Lopez ng Madison Feit University. Tss. Yung varsity ‘nung highschool?! Hindi niyo ba siya naaalala?! ‘Yung putang-inang tumambak sa atin ‘nong finals!” hindi ko maiwasan ang mapangisi nang marinig ko ang sabi ng isa sa kanilang mga kasama. Tumambak?! Weak lang talaga sila! Tss.

“Puta! Hanggang dito ba naman nagyayabang pa ‘rin ang sira-ulong ‘yan?! Baka naman nakakalimutan niya na teritoryo ko ang pinasok niya!” Hindi ko maiwasan ang mapailing habang pinakikinggan ang sinasabi nila. Kalalaking tao, andaming chismis. Tss .

“Oo nga boss! Tignan mo ang kotse niya! Shit ang porma!”

“Damn! Ang astig nga! Wala man lang ata sa kalingkingan ang kotse ko sa kotse ng tang ina!”

“Pinagyayabang lang ng gago ‘yan!”

“Aanhin mopa ang magarang kotse kung baklang hilaw naman ang nagmamay-are?!” singit naman ng tinatawag nilang ‘boss’ atsaka sila humalakhak na para bang demonyo! They're like demons. Well, not literally.

Damn those assholes! I release a deep and loud sigh bago naisipang humakbang sa kanila nang---- “Steven!” I stopped and shifted my gaze to someone who called me and then I saw Jenny beautifully smiling while walking towards me. I smiled.

“Hey” I greeted.

“Kanina kapa?” she asked.

“N-No” I lied. “Actually, kakadating ko lang” I smiled para hindi siya makahalata.

Kumunot ang noo niya pero agad ‘ding napawi ‘yon. “Alright. So let's go-----woah!” parang namamanghang sabi nito nang mapadako ang tingin niya sa kotse ko. “Pagani Zonda F Roadster. Cool!!” dagdag pa nito na ikinagulat ko! 

“How did you know?” I asked her pero ang kanyang paningin ay nasa aking kotse na masuri nitong pinagmamasdan. “You like cars, do you?”

Connected HeartsWhere stories live. Discover now