CHAPTER 5

73 18 2
                                    

(Ang istoryang ito ay naglalaman ng mga hindi kapani paniwalang pangyayari na maaring ma kwestyon sa bawat mambabasa ngunit ngayon pa lamang ay pinapaalahanan kona kayo na lahat ng pangyayari sa aking istorya ay kathang isip ko lamang.  Salamat po ♥ )

Steven's POINT OF VIEW

"I'm here" wika ko pagpasok ko sa bahay. Natanaw ko naman ang ibang maid na naghahanda na ng hapunan.

"Sir" wika naman ng isa paglapit sa akin.

"Where's Dad?" Walang emosyon kong sambit marahil na 'rin siguro sa pagod. Hindi ko inakalang aabutin ako ng gabi sa sementeryo. Hindi ko man lang napansin ang oras.

"Umalis na'po siya kanina Sir. Pinapabigay niya po ito" sabi nito sabay abot sa isang card.

Kinuha ko naman agad ito. "Hindi na ako kakain. Kayo nalang kumain sa mga 'yon" turo ko sa mga pagkaing ngayo'y inihahain na.

Umakyat na ako papunta sa kwarto ko at inilagay ang card na ipinabigay 'raw' ni Dad sa aking study table at napagdesisyonang maligo muna. Pakiramdam ko napakahaba ng araw na ito. Pakiramdam ko napakarami kong ginawa kaya madali akong tinablan ng pagod.  Mabilis 'rin akong natapos at ibinalabal sa katawan ko ang bath robe. Pagbukas ko ng pinto ng banyo ay may nakita akong isang barbie na nasa paanan ko. Agad kong pinulot iyon at masuring pinagmasdan. Saan galing 'to? Napailing na lamang ako at tinapon 'to sa maliit na trash can dito sa loob ng aking kwarto.

Inalis ko ang bathrobe na nakabalabal sa aking katawan at nagbihis ng damit pantulog . Shorts at simpleng sando lang ang isinuot ko. Pagkatapos 'non ay kumuha ako ng chips at drinks dahil trip kong manood ng maraming movies ngayong gabi. Ano kaya ang magandang panoorin ngayon? Hmm Sabi ko sa isip ko sabay sipsip sa chuckie ko. Romance? Comedy? Action? Ah! Horr------- Napahinto ako nang may maapakan akong matigas na bagay. Tinignan ko kung ano 'yon at may nakita na naman akong barbie sa paanan ko! At hindi lang isa! Hindi lang dalawa! Marami ang mga ito! Parang gumawa ito ng path papunta kung saan kaya napagdesisyonan kong sundan ito.

"What the hell?!" Pabulong kong sambit atsaka nabitawan ang chuckie at chips na hawak ko ng marating at makita ko ang aking higaan na punong puno na ng maraming barbie! Tang ina saan galing ang mga 'to!?  Isa isa kong kinuha ang mga barbie at masuri itong pinagmasdan! Sino namang siraulo ang maglalagay ng barbie sa loob ng kwarto ko?! Pakiramdam ko nag init ang dugo ko sa mga nakikita ko! It's not funny anymore puta! Inipon ko ang mga ito at kumuha ng isang malaking lagayan. Lalagay kona sana ang mga ito sa loob ng lalagyan nang biglang mamatay ang ilaw ng kwarto ko!

"What the fvck!? What the hell is going on?!" Sigaw ko. Hindi ako makagalaw dahil wala akong makita dahil sa sobrang dilim ng kwarto ko! "Is that you Jake?! Tang ina mo 'dre! Hindi ako nakikipaglaro sa'yo!" Galit ko ng sigaw! Hindi na talaga nakakatuwa!!

Nagsitaasan ang mga balahibo ko nang biglang humangin ng malakas kahit sarado ang mga bintana sa kwarto ko! "W-Who are you?" Kabado ko ng usal. Pakiramdam ko nagyelo ang buong paligid! "Who are you!!!!" Sigaw kona pero nagulat nalang ako bigla ng may tumulak sa akin ng malakas dahilan para matumba ako sa sahig!

"Tara...... laro .......tayo" para akong napako sa pwesto ko nang may biglang bumulong sa may bandang tainga ko! Mabilis ko 'tong hinawi pero wala naman akong nahawakan!

"Magpakita ka!" Galit na sigaw ko pero hindi pa 'rin siya natinag. Gumapang ako papunta sa kinaroroonan ng switch ng ilaw para maging visible lahat sa akin ang nangyayari dito sa loob! 

Dahan dahan akong gumapang gamit ang dalawang kamay ko pero nahinto ako nang may mahawakan akong paa na ngayo'y nasa harapan kona! Nakatayo ito sa harap ko pero hindi ko siya makita dahil madilim ang buong paligid at nanatili akong nakayuko! Tulala lang ako na nakayuko at hinihintay ang susunod na pangyayari nang may biglang nahulog na barbie at natamaan ako sa ulo!

Connected HeartsWhere stories live. Discover now