CHAPTER 6

55 19 3
                                    

(Ang istoryang ito ay naglalaman ng mga hindi kapani paniwalang pangyayari na maaring ma kwestyon sa bawat mambabasa ngunit ngayon pa lamang ay pinapaalahanan kona kayo na lahat ng pangyayari sa aking istorya ay kathang isip ko lamang.  Salamat po ♥ )

Steven's POINT OF VIEW

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na dumadampi ngayon sa aking balat....Wait!? Sinag ng araw?!  Agad na iminulat ko ang aking mata at talaga namang nasilaw ako sa sinag ng araw na pilit tumatagos sa kurtina ng aking kwarto! Nilingon ko ang maliit na orasan na nasa study table ko at nakitang 12 pm na! Damn! I am fvcking late!!

Tatakbo na sana ako papuntang banyo nang may marinig akong ungol sa tabi ko! Agad ko 'tong nilingon at nakita ko si Leah na ngayo'y mahimbing na natutulog. Pinagmasdan ko ang maamo niyang mukha na may ngiti sa labi at biglang pumasok ang mga pangyayari kanina

Flashback...

"Leah" umiiyak kong sambit habang yakap yakap siya ng mahigpit. Hindi pa 'rin ako makapaniwala na dadating kami sa puntong mayayakap ko siya ng ganito. Sa mga oras na 'to ay lamang pa 'rin sa akin ang pag aalinlangan pero may parte sa akin na naniniwalang si Leah talaga 'tong kayakap ko ngayon! I don't fvcking care if she's a fvcking ghost! Ang mahalaga ay nakasama ko ulit siya. Pinakiramdaman ko siya at hindi pa 'rin siya nagsasalita hanggang ngayon. Malakas talaga ang pakiramdam ko na siya si Leah at ang katotohanang hindi niya man lang itinanggi ang hinala 'kong iyon ay napakalaking bagay na sa akin at lalong nagpapatibay sa pag-asa ko. Narinig ko ang mahina niyang paghikbi kaya kumpirmado nga talagang siya si Leah! "P-Paanong..... P-Paano nangyari?" Hindi makapaniwalang tanong ko pero hindi pa 'rin siya nagsasalita. Nanatili lang kami sa ganoong posisyon hanggang sa siya na mismo ang bumitaw sa yakap.

"Ang gwapo mo" natatawa nitong sambit kahit pa patuloy pa 'rin sa pagtulo ang kanyang luha

Napangiti naman ako. Pinunasan ko ang luha na walang tigil pa 'ring pumapatak mula sa mata niya. "P-Paanong....... "  hindi kona naituloy pa ang sasabihin ko ng ilapat niya ang hintuturo niya sa labi ko senyales na tumigil ako.

"Matulog kana muna. Mamaya na tayo mag usap" wika nito saka ngumiti. Magsasalita pa sana ako pero bigla niya ulit akong niyakap. Wala naman akong nagawa kung hindi tugunan ang yakap niyang 'yon.

End of flashback.

Tinitigan ko lang siya. Hindi nga ako nagkamali. Napakaganda nga niya. Ang mahahaba niyang pilik mata, ang katamtamang tangos na ilong, pati na 'rin ang maliit at mapulang labi ay lalong nagpapadagdag sa kagandahang taglay niya. Napansin kong may ilang hibla ng buhok ang natatakpan ang mukha niya kaya dahan dahan kong inilapit ang daliri ko sa mukha niya at dahan dahan kong hinawi ang mga 'yon.

Pagkatapos 'non ay agad akong pumunta sa banyo. I closed my eyes nang maramdaman ko ang lamig ng tubig na dumadampi sa aking balat. I haven't imagine that I will see you again Leah. I should be scared the moment I confirmed that you are Leah pero mas pinili kong hindi.

Mabilis 'rin akong natapos at dinatnan si Leah na ngayo'y nakaupo na sa aking kama. Mapungay pa ang kanyang mga mata dahil na 'rin siguro kakagising niya palang. Agad na naagaw ko ang atensyon niya kaya agad akong ngumiti pagkaharap niya sa akin.

"Hindi ka pumasok?" Tanong nito habang diretsong nakatingin sa akin.

"Late na ako e" nakangiti kong sabi at umupo sa tabi niya

Kumunot naman bigla ang noo niya, "Kahit na, dapat pumasok ka pa 'rin"

Bahagya naman akong natawa. Para akong nagkananay ng hindi oras HAHA!! "Pft. Bukas nalang siguro"

Connected HeartsWhere stories live. Discover now