CHAPTER 12

58 18 8
                                    

( Ang istoryang ito ay tanging imahinasyon lamang ng may akda. Ang bawat pangyayari na naisusulat sa bawat kabanata ng istoryang ito ay galing lamang sa malawak na imahinasyon ng may akda. Kung mayroong pagkakahawig o pagkakapareha sa ibang istorya ay hindi sinasadya.Maraming Salamat ♥)

STEVEN'S POINT OF VIEW

“Babae?” wala sa sariling wika ko. Ramdam ko naman ang mabilis na pagtingin sa akin ni Jake.

“Oo Steven! Isang magandang babae!” dagdag pa nito na parang namamangha.

Sinong babae?

“Pamilyar ba siya sa‘yo?” singit naman ni Jake. Sino naman kayang babae ‘yon? Hindi kaya pinagloloko lang ako ng batang ‘to? Madalas kasing mangyari sa akin ang ganitong pangyayari.

Pinasadahan ko ng tingin ang bata at nakitang siya ay animong nag iisip. “Hindi ‘eh! Hindi nga ‘rin siya naka-uniporme tulad ng ‘aten! Siguro , hindi taga-rito ‘yon!” Mas lalo akong nagtaka sa sinabi niya. “Feeling ko nga ‘eh kasing-edad mo lang siya pareng Steven! Tang ina! Ang ganda! Ang puti-----”

“Stop” pagpipigil ko sa sinasabi niya. “Don't talk as if we're fvcking close” diretsong sabi ko sa mga mata niya. Halata naman ang gulat sa kanya.

“Sige. Una kana. Thanks” sabi naman ni Jake. Agad namang tumalima ang bata kasama ang iba niyang mga asungot. Bahagya akong yumuko at sandaling nag isip kung sino ba yung babaeng tinutukoy ‘nong bata. Bakit parang iba ang pakiramdam ko?

“Hoy!” bumalik lamang ako sa wisyo nang sigawan ako ni Jake. Kunot noong binaling ko ang tingin sa kanya. “Tara na” pag aaya niya.

“Where?”

“Gago! Masamang tanggihan ang grasya! Tara na! Magandang babae ‘raw ‘eh!” biglaang sigaw niya at saka mabilis na tumakbo papuntang gate ng school. Hindi ko maiwasan ang mapa-iling bago ko naisipang sundan siya. Basta’t babae, ang bilis rumesponde. Damn!

Sa aking paglalakad, nag iisip ako ng posibilidad kung sino nga ba ang babaeng ‘yon. Posible kayang si Jenny? Napahinto ako nang mag-vibrate ang cellphone ko na nasa bulsa ng pants ko.

/1 message received/

From: 09177+
- Steven?

Jenny? Ano naman kayang kailangan niya?

Reply: Yeah?

Nang maisend na ay sinave ko na ang number niya sa phone ko para hindi kona makalimutan.

“Woah! Chikababes!!” mabilis ang naging paglingon ko sa gawi ni Jake dahil sa biglaang pagsigaw niya. Pinasingkit kopa ang aking mga mata dahil hindi ko masyadong maaninag ang babaeng ngayo'y bahagyang natatakpan niya. “Hi. My name is babe” rinig kong pakilala niya ‘ron sa babae. Pft. Hindi ko maiwasan ang matawa ng bahagya. Diskarte mo ulol! Napailing muna ako bago ko maisipang lumapit sa gawi nila.

“Babe?” rinig kong sabi naman ng babae
Ako lang ba? O talagang pamilyar ang boses niya?

“Yes, babe?” sabi naman ni Jake.

“Hindi ba Jake ang pangalan mo? ‘Yon ang sabi sa akin ng kaibigan mo” rinig kopang sabi ng babae. Pft! Basag! Haha!

“Ha? Sinong kaibigan? Babe talaga ang pangalan ko” pagpipilit naman ni Jake. Hindi ko maiwasang matawa sa tono ng pananalita niya ngayon. Hahahaha! “Sino ba ‘yung kaibigan ko? Uupakan ko! Sinunga-----”

Connected HeartsWhere stories live. Discover now