CHAPTER 9

53 17 1
                                    

( Ang istoryang ito ay tanging imahinasyon lamang ng may akda. Ang bawat pangyayari na naisusulat sa bawat kabanata ng istoryang ito ay galing lamang sa malawak na imahinasyon ng may akda. Kung mayroong pagkakahawig o pagkakapareha sa ibang istorya ay hindi sinasadya.Maraming Salamat ♥)

STEVEN'S POINT OF VIEW

Pagkauwi ko sa bahay ay agad kong dinatnan ang mga kasambahay na kaninang napag initan ko na kasalukuyang naghahapag na ng aking pananghalian. Umakyat muna ako saglit sa kwarto at nagpalit ng damit pangbahay. Iginala ko ang paningin ko sa loob ng aking kwarto, umaasang narito si Leah pero nagkamali ako. Wala si Leah. Nasaan kana ba Leah?

Malalim ang naging pagbuntong hininga ko bago napagdesisyonang bumaba para magtanghalian. "S-Sir" sabi nila atsaka yumuko ng bahagya. "K-Kumain n-napo kayo" uutal utal na sambit ni Manang Lora, yung mainit ang dugo sa akin. Bakit siya nagkakandautal-utal?

"Kayo po kumain na kayo?" Tanong ko saka umupo.

"H-Hindi pa po S-Sir. Mamaya nalang po pagkatapos n-niyo" wika naman ng isa. Napatango naman ako.

Sinimulan ko na ang pagkain ko nang mapansin kong hindi pa 'rin sila umaalis sa tabi ko. Ibinaba ko ang fork at dinner knife na hawak ko atsaka kunot noong tumingin sa kanila "Is there any problem?" Taka kong tanong sa kanila. "Where is Clarissa?" Tanong kong muli nang mapansin kong wala ito.

"Ang sabi niya po ay masama ang kanyang pakiramdam kaya pinagpahinga ko muna po siya sa kwarto" sabi ni Manang Lora habang palihim na humahawak sa kanyang likod at rinig ko ang pagdaing niya kapag nadadampian niya ito. "What the hell happened with your back??" Kunot noo kong tanong.

Nagkatinginan muna silang dalawa bago sumagot. "U-Uh. N-Nadulas l-lang po siya kaninang naglalampaso siya S-Sir"

"Am I talking to you?------and what the hell happened with your hands?" Ang sumagot kasi sa tanong ko ay hindi si Manang Lora kundi si Ate Angie na kasama niya. Napansin ko kasing may mga sugat ang kanyang mga kamay na pilit niyang itinatago.

"W-Wala Sir. N-Nahiwa lang po ng kutsilyo kaninang nagluluto ako. Kasalanan ko p-po" tanging tango na lamang ang isinukli ko sa sinabi niya at nagtuloy na sa pagkain.

Buong oras ng pagkain ko ay hindi sila umalis sa tabi ko kaya paminsan-paminsan ay nakakaramdam ako ng bahagyang pagkailang. Makailang beses ko 'rin silang inayang sabayan na lamang ako sa aking pagkain pero lagi lang nila akong tinatanggihan kaya naman hanggang matapos ako ay nakatayo lamang sila sa tabi ko. Baka naman gustong bumawi dahil sa nangyari kanina! Tama! 

"Sige. Kumain na kayo" wika ko pagkatapos kong kumain. "Aakyat na muna ako sa taas. Pakainin niyo na 'rin si Clarissa at painumin niyo ng gam-----"

"S-Sir" pagpuputol ni Manang Lora sa sinasabi ko.

"Yes?"

Sa halip na sagutin ay may kinuha silang dalawa sa kanilang sariling bulsa ng kanilang uniporme. Isang papel. Kunot-noo kong tinignan 'yon pero nagulat ako nang binigay nila 'yon sa akin! "Ano 'to?" Tanong ko sa kanila at ibinaling ko ang tingin sa papel na ngayo'y nasa palad kona. Bagaman puno ng pagtataka  ay dahan dahan ko 'rin itong binuksan at laking gulat ko kung ano ito!

Isang Resignation Letter! 

"W-Why?" Kunot noo kong ibinaling muli ang atensyon sa kanila matapos kong basahin ang kapirasong papel na ibinigay nila sa akin. Walang maintindihan at puno ng pagtataka. "W-Whats the m-matter?"

"S-Sorry Sir" sabay nilang paghingi ng paumanhin at saka yumuko pa ng bahagya sa harap ko. "Sana maintindihan niyo po"

"I-Is there any p-problem?" Hindi pa 'rin makapaniwalang tanong ko. "May nagawa po ba akong mali?" Pagkukumpirma ko! Baka kapag nalaman ni Leah na umalis sila ay baka akalain niya pa na pinaalis ko sila! Fvck! 

Connected HeartsWhere stories live. Discover now