(Ang istoryang ito ay naglalaman ng mga pangyayaring nagmula lamang sa malawak na isipan ng may akda. Ang anumang pagkakahalintulad o pagkakahawig sa ibang istorya ay hindi sinasadya at talagang nagkataon lamang. Malawak na pag unawa ang kailangan. Maraming salamat po ♥)
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
Nakaupo lamang ang dalagang si Jenny sa isang upuan katabi ng hospital bed ni Steven umaasang magigising na ‘rin ito. Apat na araw na ang nakakaraan mula ang insidente ngunit hanggang ngayon ay hindi pa ‘rin nagigising ang binata. Samantala, nakatulog naman sa sofa na nasa kwarto ni Steven ang kanyang kaibigang si Jake dala na ‘rin ng puyat kakabantay sa kaibigan. Kakauwi lamang ‘rin ni Clarissa dahil marami ‘rin siyang kailangang asikasuhin sa bahay.
Blankong nakatitig lamang si Jenny kay Steven dahil lubos ang pag aalala niya para sa binata. Kung tutuusin ay hindi naman sila ganoong magkakilala ng binata pero ganoon na lamang ang pag aalala ng dalaga para sa kanya. Pakiramdam niya kasi ay siya ang dahilan kung bakit ganoon ang kinahantungan ni Steven. Kung sanang hindi na sana nagkita pa ang landas nila ay hindi hahantong ang lahat dito.
----
JENNY HAZEL LEMORI’S POINT OF VIEW
Hawak hawak ko ang kamay ni Steven habang direstong nakatingin sa kanya. Mag-aapat at kalahating araw ng walang siyang malay at bawat araw na lumilipas ay pabigat ng pabigat ang pakiramdam ko. Kasalanan ko ang lahat. Kasalanan ko kung bakit ganito ang kinahantungan niya. Hindi dapat siya magkakaganito kung hindi niya ako nakilala. Hindi niya dapat nararanasan ang lahat ng ito.
Mabuti ang loob niya at ng dahil sa akin ay napahamak pa siya. Kasalanan ko.Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya at bahagyang iniyuko ko ang ulo palapit rito. Hindi ko maiwasang mamasa ang mata. Natatakot ako. Natatakot ako dahil baka may mangyaring masama ulit sa kanya. “S-Steven” may halong garalgal ang aking boses. Kinakabahan at natatakot. “G-Gumising kana please” I begged. Sa tanang buhay ko ay hindi kopa naranasang masangkot sa mga ganitong bagay kaya ganoon na lamang kalaki ang kaba ko. “S-Steven please, gumising k-kana” Pakiusap ko kahit ang alam ko ay hindi niya ako maririnig. I just want him to wake up, masaya na ako.
“Umuwi kana muna kaya” Napahinto ako nang marinig na nagsalita si Jake mula sa aking likod. Napag alaman kong siya pala ay matagal ng kaibigan ni Steven kaya ganoon na lamang ang pag aalala niya ‘rito. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako or magtataka dahil sa wakas ,sa loob ng apat na araw na halos nandito ako ay ngayon niya lang ako kinausap.
Nag angat ako ng tingin at inilipat ito sa kanya dahil ang rude ko naman masyado if kinakausap niya ako tapos nakatalikod ako. “Ayos lang naman ako. Hihintayin ko muna siyang magising” I lied. Hindi naman talaga ako magiging maayos hangga‘t hindi ko nakikitang nagmumulat ng mata si Steven. Nakita ko ang bahagyang pangungunot ng noo niya. Napasinghap muna ako bago magsalita ulit. “Ayos nga lang ako” I lied again but now with a smile plastered on my face para naman maging kapani-paniwala kahit hindi naman talaga totoo.
Tinignan ko kung ano magiging reaksyon niya ngunit tumaas lamang ang kilay ko nang makitang nagkamot lamang ito at napasinghap ng hangin na para bang nagtataka. Is he even normal? Gusto kong matawa sa tanong na pumasok sa isipan ko but I decided not to. Hindi angkop sa sitwasyon namin ang maging masaya dahil hanggang ngayon ay hindi pa ‘rin nagigising si Steven pero laking pasasalamat ko na ‘rin dahil maayos na ang lagay niya at ang kailangan na lamang niya ay sapat na pahinga para maibalik niya ang dating lakas.
“What now?” I asked him. Pinaglalaro niya ang mga daliri niya na para bang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi. “Do you want to ask me something---”
“I'm a bit curious---” Pagpuputol niya sa sinasabi ko. “F-U-C-K-I-N-G-C-U-R-I-O-U-S” pagdidiin niya pa.
“About what?”
Hindi ko maintindihan pero pakiramdam ko ay isa siyang seryosong kaibigan ni Steven. Iba ‘rin kasi siya kung makatingin. Looks like he is suspecting me sa nangyari sa kaibigan niya.
“----on you” Napatigil ako nang marinig ang sinabi niya. “Who are you?” dagdag niya pa. I release a deep sigh. So I am right. He is suspecting me....
Hindi ko siya sinagot bagkus ay humarap nalang akong muli kay Steven na ngayo’y wala pa ‘ring malay. Narinig ko ‘rin ang pagbuntong hininga ni Jake na para bang nadismaya sa inasal ko. I can't blame him because I knew that he only care for his best friend kaya kahit ano o sinong kahina-hinala ay paghihinalaan niya. Isa na ako ‘ron. Sino nga ba naman ang hindi magtataka na bigla na lang akong sumulpot sa buhay ni Steven tapos nagkataon pang nangyari sa kanya ‘to. Sigurado iniisip na ni Jake na planado ang lahat at kasabwat ako ng mga lalaking bumugbog kay Steven which is not true. I'm not that kind of person!
“Who are you?” ulit niya sa tanong niya kanina pero katulad din kanina ay hindi ko ‘rin ito sinagot. I don't know how and where to start to explain everything dahil alam ko ngayon palang pinaghihinalaan na niya ako. “You're not even familiar to me so I'm a bit curious--isa kaba sa mga babae niya? Are you committed to each other?” muntik nang malaglag ang panga ko nang sabihin niya ‘yon! Babae? No way! At ano ‘raw? Committed to each other?! Dammit! Friends nga hindi, commitment pa kaya? Pweee! That's boring! I was about to defend myself when he continued., “Kung isa ka man sa mga babaeng nilandi niya. I am telling you, back off. Malandi lang talaga ‘yang lalaking ‘yan and besides he has a girlfriend” I raised my eyebrows when he utter that words
Humarap ako sakanya at matamang tinitigan siya. “Hindi ako kasama sa mga babaeng nilandi niya. And besides, ngayon ko nga lang nalamang malandi pala siya. And he has girlfriend? Well, good thing. Gwapo naman at gentleman pa---kaya hindi na nakakapagtaka kung may napaikot at naloko siya” I sarcastically said pero pilit lang hehe! Hindi naman kasi ako sanay sa mga ganoong galawan. Good girl kaya ako!
Nakita ko siyang napabuntong hininga atsaka siya tumayo. Nakaharap na ngayon siya sa pintuan ng kwarto ni Steven pero nanatili lamang itong nakatayo at hindi pa nililisan ang kwarto. “Mabuti naman at malinaw sayo ang lahat. Mabait si Steven kaya ayokong napapalapit siya sa kahit kani-kanino lang. Mabait din naman ako, I just care for my bestfriend kaya ganito ang naging pakikitungo ko sayo ngayon. Pero huwag kang mag alala, kapag gumaling na si Steven pwede na ‘rin tayong maging close. Basta huwag mo lang masyadong ilapit ang sarili mo kay Steven baka kasi magselos si Leah. Sakin kanalang makipagclose ng sobra! Okay?! At sana huwag ka na din mag alala, tandaan mo lahat ng masasamang damo, hindi agad namamatay” pagkasabi niya ‘non ay agad siyang lumabas ng kwarto. Eto ako ngayon, naiwang tulala at patuloy pa ‘rin sa pagproseso ang mga sinabi niya sa isip ko. He's weird pero lahat ng sinasabi niya may kabuluhan.
Pagkaalis ni Jake ay nakatanggap ako ng message mula kay Mommy, pinapauwi ako. Aalis na ‘raw kasi sila bukas so she just want to spend a day with me before flying back to London kaya kahit gaano ko kagustong magstay ay hindi pwede. I just sighed bago tumayo at kinuha ang mga gamit ko. Bago umalis ay sinulyapan kopa muli ng tingin si Steven ngunit agad na nangunot ang noo ko nang makita ang isang barbie sa upuang inuupuan kanina.
Saan n-nanggaling ‘yon?
----
W A R N I N G!! TYPOGRAPHICAL AMD GRAMMATICAL ERRORS EVERYWHERE!
Hello! Laro po tayo (❁´‿'❁)
-Leah (✿´‿')
YOU ARE READING
Connected Hearts
Mystery / ThrillerMeet Steven Kaizer Lopez, ang lalaking walang ginawa kung hindi ang sulitin ang oras na walang pakialam sa kanya ang lahat. Minsan mabait, madalas makulit. Meet Leah Ramos, ang multong kaibigan ni Steven na bigla na lang bumalik mula sa past. Paano...