(Ang istoryang ito ay naglalaman ng mga hindi kapani paniwalang pangyayari na maaring ma kwestyon sa bawat mambabasa ngunit ngayon pa lamang ay pinapaalahanan kona kayo na lahat ng pangyayari sa aking istorya ay kathang isip ko lamang. Salamat po ♥ )
Steven's POINT OF VIEW
Leah? Leah Ramos??
Si Leah ang matalik kong kaibigan na itinuring ko ng parang kapatid mula pagkabata ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, agad siyang binawian ng buhay. Daddy told me when Leah's Dad died, nasangkot naman si Leah sa isang car accident na siya 'ring kinamatay nito. Hindi man lang ako nakadalaw sa burol at libing nito dahil napasakto ang araw na iyon sa araw ng opera ko.
That was 10 years ago , kung hindi ko lang nakita ang disc na ito ay tuluyan ko ng makakalimutan ang tungkol kay Leah. Pakiramdam ko may biglang kumurot sa puso ko , pakiramdam ko parang kahapon lang iyon dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap ang kinahinatnan ng aking kaibigan .
Kinuha kona ang disc at inilagay ito sa Cd kit. Lalagay kona sana ito sa kahon na siya 'ring lalagyan nito nang may makita akong maliit na puting papel sa loob nito. Kinuha ko ito at saka dahan dahang binuksan...
Sulat ko'to!
June 07 , 2007
Dear Leah ,
Hello Leah! Happy birthday sa iyo! Thank you kasi nakilala kita! Thank you kasi nagkaroon ako ng kalaro ng dahil sa'yo! Thankyou kasi lagi ka nasa tabi ko! Ito nga pala yung gift ko! Sana magustuhan mo! Alam ko namang mahilig ka sa barbie eh kaya ito regalo ko sayo. Walang iwanan ha? Happy birthday Leah!
Mahilig sa barbie si Leah? Hindi kaya siya yung babae kagabi? Fvck! Tinignan ko ulit ang letter at nakita ang petsa ng pagkasulat nito! June 07 2007? June 06 2017 ngayon! Ibig bang sabihin 'non birthday niya bukas??! Posible kayang siya yung babae kagabi?! At dahil kaarawan niya bukas ay nagpaparamdam siya sa akin?! Damn! Nababaliw na talaga akooo!!!
Bakit pakiramdam ko nawala lahat ng nalalaman ko tungkol kay Leah!? Bakit pakiramdam ko e naging blanko ang isipan ko patungkol sa kanya?!! Tang ina!
Humiga ako sa aking higaan atsaka pinilit alalahanin ang mga pangyayari noon kasama si Leah pero nabigo ako! Wala akong naaalala bagkus nakatulog na lang ako.
Gabi na ng magising ako. Pumunta ako sa kusina at nakita ang mga kasambahay na naghahanda na ng hapunan. "Kumain napo kayo" wika ng isa.
"Where's dad?"
"Kakaakyat niya lamang po bago kayo bumaba. Nag iimpake po siya dahil may business trip siya bukas"
Good thing that Dad is here. Itatanong ko sa kanya kung nasaan inilibing si Leah. Ni minsan ay hindi kopa siya nadalaw kaya wala akong alam kung saan inilibing ang katawan niya.
Binilisan ko ang pagkain at agad na umakyat sa kwarto ni Dad. Nag aalangan pa akong kumatok sa pinto at baka pagtabuyan na naman niya ako tulad ng ginawa niya noong nakaraan at sabihing , 'Can't you see I'm busy? Tapos iniistorbo mo pa ako sa mga walang kwentang bagay na 'yan!' Tss.
I knocked the door twice before I heard him saying, "Come in"
I immediately opened the door atsaka pumasok sa loob. "Son! What brings you here?" Bungad nito.
"I came here dahil sabi ni Manang ay mayroon ka 'raw business trip." Diretso kong sabi sa kanya.
"Yes. I will go to Canada for some business matters" wika nito habang abalang nag iimpake ng mga damit niya.
YOU ARE READING
Connected Hearts
Mystery / ThrillerMeet Steven Kaizer Lopez, ang lalaking walang ginawa kung hindi ang sulitin ang oras na walang pakialam sa kanya ang lahat. Minsan mabait, madalas makulit. Meet Leah Ramos, ang multong kaibigan ni Steven na bigla na lang bumalik mula sa past. Paano...