CHAPTER 8

46 17 1
                                    

(Ang istoryang ito ay naglalaman ng mga hindi kapani paniwalang pangyayari na maaring ma kwestyon sa bawat mambabasa ngunit ngayon pa lamang ay pinapaalahanan kona kayo na lahat ng pangyayari sa aking istorya ay kathang isip ko lamang.  Salamat po ♥ )

STEVEN'S POINT OF VIEW

Buong oras ng klase ay okupado lamang ang isip ko ng ibang bagay at hindi na nag abala pang makinig sa walang tigil na pagsasalita ni Mr. Santiago sa harap. Kung tutuusin parang ilang taon lamang ang tanda niya sa amin pero sobrang sungit niya at sobrang higpit pa! Pero kahit anong gawin niyang paraan para maging kaaya aya ang discussion niya ay wala pa 'rin akong balak makinig sa hindi ko malamang dahilan. Idagdag mopa 'tong makulit na babae na'to na nasa tabi ko at kanina pa winawagayway sa harap ko ang barbieng hawak niya! Tss barbie addict.

"'Hoy! Nakikinig ka ba 'nyan?!" Malikot na tanong ni Leah.

"Shut up" mahinang bulong ko!

"What ever!"

Natapos ang klase pero pakiramdam ko ay wala 'mang isang detalye ang natutunan ko sa halos tatlong oras na pakikinig ko sa tatlong magkakaibang lecturers na pumasok sa aming classroom. Siguro marami lang akong iniisip kaya kahit anong pilit kong ipaintindi sa isip ko ang mga itinuturo nila ay hindi ko magawa. Idagdag mo pa 'tong makulit na babae na 'to kaya hindi ako nakapagfocus sa diskusyon.

Pagkalabas ng aming huling lecturer bago ang break time ay agad akong tumayo at hindi na nag abala 'pang hintayin ang mokong kong bestfriend, walang iba kundi si Jake. Mabilis ang paglakad ko at halos takbuhin kona ang daan papunta sa cafeteria dahil sobra na talaga ang gutom ko! Shit! Kaya siguro wala akong ganang makinig kanina! Tama! 

"'Hoy!? Bakit nagmamadali ka ba 'ha?!" Rinig kong wika ni Leah na nasa tabi kopa pala! "Bagalan mo naman! Sino bang gusto mong makita at nagmamadali ka?" Pagkasabi niya 'non ay napahinto ako! Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at isinaksak ang head phone ko at kunwaring may kausap sa kabilang linya pero ang totoo niyan ay kailangan ko lang gawin 'to para makausap ko si Leah nang hindi ako napagkakamalang baliw. Tss.

Pagkasuot ko ng headphone ay muli na akong naglakad. Kumpara kanina ay mas mabagal ang lakad ko ngayon. "Wala naman akong gustong makita"

"'Weh? Tss. Sinungaling! Sa pagmamadali mo kanina? Sino nga?" Hindi makapaniwalang pangungulit nito!

"Wala nga! Tss!" Inis na wika ko habang patuloy pa 'rin sa paglalakad. "Nagkataon lang talaga na kailangan kong pumunta sa Cafete------"

"Steven!" Mabilis ang naging paglingon ko sa likuran ko nang may pamilyar akong boses na narinig na tumawag sa pangalan ko! Hindi ko maiwasan ang pangungunot ng noo ko nang makita kung sino ito.



Tss. Si Jane.


"Mauna na kayo. Susunod na lang ako" rinig kong sabi niya sa mga kasama niya dahil hindi naman kalayuan ang kinatatayuan nila sa amin.

Pagkaalis ng mga kasama niya ay agad siyang tumakbo palapit sa akin at hindi na ako nakapalag pa ng salubungin niya ako ng yakap! Nanatili lang kami sa ganoong posisyon nang halos isang minuto bago niya maisipang siya na mismo ang bumitaw! Fvck! Awkward!

"What do you want?" Walang emosyong tanong ko at inalis muna ang headphone ko habang siya naman ay nakayuko ngayon sa harap ko at pinaglalaro lamang ang kanyang mga daliri na animong walang alam na sabihin. "Spill it. I don't want to waste much time on this nonsense"

Pagkasabi ko 'non ay agad siyang nag angat ng tingin sa akin. "I-I just want to thank you for saving me 'nong isang gabi" pilit ang ngiting sabi niya.

I smirked. "Forget it."

"No. P-Para sa akin, malaking bagay 'yon. Kung hindi dahil sa'yo eh baka napahamak na ako"

"Then, fine. You're welcome. Mauna na ako" atsaka ko siya tinalikuran.

"Sandali" pigil niya.

Napapikit muna ako at malalim na napabuntong hininga bago humarap muli sa kanya! "What now?" Ano pa bang kailangan niya? Damn! I am fvcking hungry as hell

"I-I also want to apologize on what I have said that night. I am sorry" wika nito at bahagyang yumuko pa.

Napasinghal ako. "Tss. As what I'm saying, forget it. And to tell you honestly, I am not affected though" pilit na ngiti kong sabi sa kanya at saka na siya tinalikuran.

"Fvck gutom na talaga ako!" Sabi ko pagkasuot ko ulit ng headphone ko. "Tingin mo anong masarap kainin Leah?" Nakangiti kong tanong sa kanya habang patuloy pa 'rin sa paglalakad. Pero agad 'ding nawala ang mga ngiting 'yon nang wala akong matanggap na sagot mula sa kanya.

Napahinto ako sa paglalakad at iginala ang paningin ko pero hindi ko siya nakita! San naman siya pumunta?! Napailing na lamang ako at saka binalikan ang mga dinaanan namin kanina sakaling nandon pa siya!

"Leah?" Pagtawag ko sa kanya at patuloy na iginagala ang paningin ko. "Leah?  Nasaan kana ba?" May iilan na 'ring tao ang nagtataka sa inaasal ko pero hindi kona sila pinansin. "Leah?"

"OMG! Si Steven!"

"Oo nga girls!! Dalii!!"

"Hi steven!!!"

Napahinto ako nang magkumpulan sila ngayon sa harap ko. "Hi Steven!" Masayang wika ng isa na sa sobrang kapal ng make up ay nalito pa ako kung babae pa ba 'tong nasa harap ko o isang payaso. Tss. "Hi Steven" sabi pa ng isa! "Hi Steven!" Anang isa pa at paulit ulit na sabi pa nila! 

Napapikit ako nang maramdaman kong umakyat ang inis sa ulo! Fvck! Nakakarindi sila!!  "Hi Steven!!" Paulit ulit nilang sambit! 

"Stoooooooooooop!!!!!" Natigilan naman sila at halatang nagulat sa biglaang pagsigaw ko!  "All of you!! Get out of my way!!!" Muli kong sigaw at agad naman silang nagtakbuhan palayo!  Damn! They are so annoying as fvck!!

Pagkaalis nila ay kinalma ko muna ang sarili ko at nagtuloy na sa paglalakad. "Leah??" Inilinga ko ang paningin ko at nagbabakasakaling nandito lang siya pero nagkamali ako. "Leah? Nasaan kana ba?" Huminto muna ako saglit. Nasaan kana ba Leah? Bakit bigla ka nalang nawala? Umalis kana naman ba? Iniwan mo na naman ba ako?? "H-Hindi. Hindi ako makapapayag" bulong ko sa sarili ko at tinuloy na ang paghahanap.

"Leah?" Napahinto ako sa harapan ng isang kwarto na halatang tambakan lamang ng sirang mga gamit. Posible bang narito ka?  Dahan dahan kong pinihit ang doorknob ng pinto at tumambad sa akin ang patong patong na sirang upuan at makapal na alikabok pagkabukas ko nito. "Leah? Nandiyan kaba?" Ihahakbang kona sana ang paa ko papasok pero laking gulat ko nang may pumatong na kamay sa balikat ko!

Dahan dahan akong humarap at nakitang si Jake lang pala! Mabilis kong hinawi ang kamay niyang nakapatong sa balikat ko at saka ko siya hinarap! "What are you doing here?" Then I crossed my arms.

"Ikaw dapat tinatanong ko nyan 'dre!! Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong niya! "Atsaka sinong kinakausap mo sa loob?" Pumasok siya ng bahagya at sumilip dito. "'Eh wala namang tao?" Pinaningkitan niya ako ng mata!

"K-Kinakausap?! Sinong k-kinakausap ko? Are you crazy 'dre?" Tanggi ko.

"Ako pa ngayon yung baliw 'dre?  'Eh kanina pa kaya kita sinusundan! Sino si Leah 'ah?" May panunuksong tingin na sabi niya! 

"L-Leah? Ano bang pinagsasabi mo? Wala nga akong kilalang 'ganon! Tss" tanggi ko atsaka na naglakad papunta sa Cafeteria. Mabuti ng umiwas fvck! 

Ramdam ko naman na nakasunod lang siya sa akin . "Aba't kinakausap pa kita ha! May kasalanan ka pa nga sa akin 'eh!" Pagtatampo kunwari niya.

"Oh? Talaga? The hell I care" pambabara ko sa kanya kaya agad akong nakatanggap ng batok sa kanya!  "Aba talagang----ARAYY!" binatukan niya ulit ako saka siya tumakbo! "Huwag kang papahuli sa 'kin Jake!!!" Habol ko sakanya!!





----

WARNING : GRAMMATICAL ERRORS AND TYPOGRAPHICAL ERRORS EVERYWHEREEE!! 

Connected HeartsWhere stories live. Discover now