( Ang istoryang ito ay tanging imahinasyon lamang ng may akda. Ang bawat pangyayari na naisusulat sa bawat kabanata ng istoryang ito ay galing lamang sa malawak na imahinasyon ng may akda. Kung mayroong pagkakahawig o pagkakapareha sa ibang istorya ay hindi sinasadya.Maraming Salamat ♥)
"Tara Leah! Taguan naman tayo!" Masayang wika ng isang batang lalaki habang hila hila ang isang batang babae na halatang pagod na pagod na.
"Kanina pa tayo naglalaro eh! Pagod nako Steven!" Reklamo ng batang babae. "Magbarbie-barbiehan nalang tayo?!" Masayang wika nito habang winawagayway sa harap ni Steven ang barbie na pinakapaborito niya sa lahat ng kanyang koleksyon.
Mabilis namang hinawi ito ni Steven. "Anong akala mo sa akin? Bakla? Magbisikleta nalang tayo! Tara!!" Hindi na nakapalag pa si Leah dahil hinila na naman agad siya ni Steven.
Sumakay na sila sa kanya kanya nilang bisikleta at akmang papadyakin na ang pedal nito ng may magsalita sa bandang likuran nila.
"Steven" ma awtoridad na usal ng isang lalaki na nasa likuran nila.
Agad namang humarap si Steven na nababakas ang takot sa kanyang mukha dahil kilala na niya kung sino ang lalaking ito.
"D-Dad""Let's go home"
"B-but" kinakabahang tutol ni Steven at saka hinarap ang batang si Leah na nababakas na rin sa mukha ang takot.
"No buts. Let's go" tuluyan ng tumalikod ang kanyang ama at saka sumakay sa kanilang kotse.
Agad na sumilay ang lungkot sa mukha ni Steven atsaka bumaba sa kanyang bisikleta. "Hmm pano ba 'yan? Kailangan ko ng umuwi."
"Okay lang 'yon!" Nakangiting wika ni Leah sabay thumbs up.
"Sama kana lang kaya sa bahay!?" Biglang nagliwanag ang mukha ni Steven sa naisip na ideya.
"Ah? K-kasi..."
"Leah. Pinapasundo kana ni Mr. Ramos" usal ng isang lalaki na nakapang body guard suit na nasa likod ni Leah.
"Next time nalang siguro Steven!" Wika ni Leah at saka tuluyan ng tinalikuran si Steven na ngayo'y nakabusangot na.
"Steven! Let's go!"
"Yes Dad!" Agad na tumakbo si Steven papunta sa kanilang kotse.
Buong byahe ay naging tahimik lamang siya hanggang sa nakarating na sila sa kanilang bahay. Agad na bumaba ang kanyang ama kaya wala siyang nagawa kundi ang bumaba na rin at dumiretso sa kanyang kwarto. Kung kanina ay napakasigla at napakasaya niya, ngayon naman ay nangingibabaw ang lungkot sa kanya. Mabilis siyang magdamdam at mabilis siyang magpalit ng emosyon na maaring epekto na rin ng sakit niya. May sakit sa puso si Steven na nakuha na niya mula pagkabata at dinala niya hanggang sa walong taon niyang pamamalagi sa mundong ibabaw. Bagaman mayaman sila at isang makapangyarihang tao ang ama niya, wala pa rin itong magawa hinggil sa sakit ng anak niya.
Tanging ang ama na lamang ni Steven ang natira sa kanya. Namatay ang kanyang ina matapos niya itong ipanganak kaya naman hanggang ngayon ay sinisisi niya pa rin ang kanyang sarili dahil sa kinahinatnan ng ina. Wala 'ring kapatid si Steven kaya itinuring niyang kapatid si Leah na anak ng matalik na kaibigan ng kanyang ama na si Mr. Leandro Ramos.
Hindi namamalayan ni Steven na nababasa na pala ng kanyang sariling luha ang kabuuan ng kanyang mukha. Naging malalim pa ang kanyang pag iyak at nang pumasok na naman sa kanyang isipan ang kanyang ina. Napakaraming sana ang umikot sa kanyang isipan sa mga oras na ito na pakiramdam niya na mag isa lamang siya. Naging mas malalim pa ang kanyang paghikbi at humantong sa puntong nahirapan na siyang huminga.
YOU ARE READING
Connected Hearts
Mystery / ThrillerMeet Steven Kaizer Lopez, ang lalaking walang ginawa kung hindi ang sulitin ang oras na walang pakialam sa kanya ang lahat. Minsan mabait, madalas makulit. Meet Leah Ramos, ang multong kaibigan ni Steven na bigla na lang bumalik mula sa past. Paano...