( Ang istoryang ito ay tanging imahinasyon lamang ng may akda. Ang bawat pangyayari na naisusulat sa bawat kabanata ng istoryang ito ay galing lamang sa malawak na imahinasyon ng may akda. Kung mayroong pagkakahawig o pagkakapareha sa ibang istorya ay hindi sinasadya.Maraming Salamat ♥)
STEVEN KAIZER POINT OF VIEW
Nang lumalim ang gabi ay mas lumakas ang music kaya nagwawala na ang mga kasama ko dito. Si Jake , Jenny , at yung babaeng kasama ni Jake na si Mariel ay sumasayaw sa harapan na sa tingin ko’y pare-pareho ng may tama.
Tumigil ako saglit sa pag inom at prente na lamang akong nakahiga sa couch habang tinitignan sila. Medyo hilo na ‘rin ako kaya naman mas pinili kong huminto muna dahil baka hindi ako makapag drive pauwi. Hindi ko namang maiwasang magnakaw ng tingin kay Leah na ngayo’y tawa ng tawa habang pinapanood ang tatlo. Ganoon din ang ginagawa ni Clarissa.
Nang matapos ang kanta ay sabay sabay silang umupo sa couch na animong pagod na pagod at latang lata kaya hindi ko naiwasang tumayo para may maupuan si Jenny.
“Let’s p-play a game , guys!” suhestyon ni Jenny na nasa tabi ko kaya hindi ko maiwasang hindi siya lingunin.
“I’m in! What game?” excited naman na tanong ni Mariel. They are obviously drunk , deym.
“Truth or consequence!” excited na sabi nito habang pumapalakpak pa. Hindi ko maiwasan ang mapailing. Okay , let’s deal with this fucking game. Sounds fun.
“Alright , let’s play” sabi ko.
Bumaba kaming lahat mula sa couch at mas pinili naming maglaro sa sahig. Pabilog ang pwesto namin ngayon ayon na ‘rin sa sabi ni Jenny. Kumuha siya ng isang bote ng beer na wala ng laman at bumalik sa bilog , especifically sa tabi ko.
“I’ll spin the bottle now” sabi niya atsaka sinimulang paikutin ang bote. Tumigil ito sa tapat ni Mariel.
“Truth or consequence?” tanong ni Jenny.
“Truth!” masigla namang sabi ni Mariel na animong game na game kung ano man ang itanong sa kanya.
“Ako ang m-magtatanong!” masiglang sigaw ni Jake kahit halata namang lasing na ito. “Baby , pwede mo na ba akong sagutin ?” tanong niya at agad naman na tumili ang kasama ko. Ang lakas ng tili ni Jenny na animong nanunukso. Si Leah naman ay nakangiti 'rin at nakatuon ang atensyon sa dalawa. Nakita ko namang nag iwas ng tingin si Clarissa. Someone is jealous , I think.
Biglang namula si Mariel. Hindi ko alam kung dulot ba ‘yon ng alak o kinikilig siya. Inulit pa ni Jake ang tanong niya kaya hindi ko mapigilang magmura.
“Fuck this , lumalakas ang loob kapag nakainom ang gago” bulong ko atsaka lihim na natawa.
“Yes!” nakangiting sabi ni Mariel kaya ang kaninang tili ay mas lumakas pa. Narinig ko namang nasamid si Clarissa.
“Talaga , baby?!” hindi makapaniwalang tanong ulit ni Jake. Nakangiting tumango naman si Mariel. “Yes! I love you baby!” parang nagdidiwang na sabi ni Jake atsaka niyakap si Mariel na nasa tabi niya.
Hindi ko alam kung seryoso ba talaga tong si Jake sa Mariel na ito. Sa tagal ko ng kilala si Jake ay hindi kopa siya nakitang nagseryoso. Ni wala mang babae ang tumatagal sa kanya kaya laking gulat ko nang malaman kong nililigawan pala ito ni Jake at ngayon nga ay sila na. Nalipat ang tingin ko kay Leah na ngayo’y pinapakalma si Clarissa na malapit ng umiyak. Obviously , she is jealous. Alam kong may gusto si Riss kay Jake kaya alam kong nagseselos siya sa mga oras na ito. Nilipat ko ang tingin ko kay Jenny na ngayo’y parang kinikilig sa dalawa. I thought we are fucking playing? Inis na inagaw ko ang bote kay Jenny at parang hindi niya man lang napansin iyon.
YOU ARE READING
Connected Hearts
Mystery / ThrillerMeet Steven Kaizer Lopez, ang lalaking walang ginawa kung hindi ang sulitin ang oras na walang pakialam sa kanya ang lahat. Minsan mabait, madalas makulit. Meet Leah Ramos, ang multong kaibigan ni Steven na bigla na lang bumalik mula sa past. Paano...