CHAPTER 16

23 4 0
                                    

(Ang istoryang ito ay tanging kathang isip lamang ng may akda. May mga pangyayaring hindi kapani-paniwala at kahit anong pagkakapareho nito sa ibang istorya ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Malawak na pag-unawa ang kailangan. Maraming salamat po! ♥)

STEVEN KAIZER POINT OF VIEW 

Madilim ang buong paligid. Tanging ang patay sinding ilaw di kalayuan ang nagbibigay ng kaunting liwanag sa kalat na kadiliman. Nasaan ako? Iginala ko ang aking paningin pero wala akong makita bukod sa mga poste ng mga sirang ilaw at ang mga tuyong dahon na nililipad ng hangin. 

Bagaman nagtataka ay sinubukan kong igalaw ang aking mga paa ngunit agad ding natigil dahil sa pakiramdam na nakaapak ng isang malagkit na bagay. What the hell was that? Sinubukan kong tignan kung ano ang aking naapakan at halos tumalon ako sa aking kinatatayuan nang makita kong sa mismong kinatatayuan ko pala ay nagkalat ang pulang likido na sa tingin ko ay dugo. Kaninong dugo ito? At nasaan ba talaga ako? 

Kahit nag aalangan ay sinubukan kong magpatuloy habang iginagala ang aking paningin. Napakaraming pumapasok na tanong sa aking isipan pero ni isa ay wala akong masagot dahil ako mismo ay hindi ko alam kung bakit ako nandito at kung paano ba ako napunta rito. 

Sa aking paglalakad ay nakakita ako ng isang pigura ng babae di kalayuan na nakahiga at parang nangangailangan ng tulong kaya walang pag aalinlangang tumakbo ako papunta sa kanyang direksyon. Shit! Hindi lang pala ako ang tao rito! 

“Miss?” tawag ko sa kanya para makuha ang kanyang atensyon. Nakahiga kasi siya ng patagilid at patalikod sa aking direksyon kaya hindi ko makita ang mukha niya. Siguro'y narinig ay agad siyang lumingon sa direksyon ko at halos malaglag ang panga ko nang makita kung sino ito! “L-Leah” tawag ko, hindi maiwasan ang pangamba. “Leah, a-anong---” Hindi ko makapaniwalang sambit at halos walang masambit na salita nang makitang ang kanyang damit ay halos mabalutan na ng kanyang sariling dugo. “Leah , anong nangyari!?” Hindi kona napigilan ang sarili ko na sumigaw nang makitang tulala lamang siya at hindi nagsasalita na lalong nagpadagdag ng kaba sa dibdib ko. “Answer me please!” nanginginig ang kamay kong hinaplos ang magkabilang pisngi niya. “W-What happened?” tanong kong muli at halos mabuhayan ako ng makitang tumitig siya sa akin! 

“S-Steven” hirap na hirap niyang sambit at halos hangin na lamang ang lumabas sa bibig niya dala ng labis na panghihina. 

“Sshh--don't force yourself. I'll sent you to the hospital, okay?” Sinubukan kong ngumiti para ipakita sa kanya na magpakatatag siya. Tumango naman siya kaya tumayo ako at iginala ang paningin ko para sana makahingi ng tulong pero nabigo ako nang makitang kami lang pala ang tao rito. Damn! 

Nanlulumong humarap ulit ako sa kanya ngunit saktong pagharap ko ay isang matulis na bagay ang biglang bumaon sa dibdib ko! And there I saw Leah , nakatayo na sa harapan ko at nakangiting malademonyo habang hawak hawak ang kutsilyo na ngayo'y nakatarak sa aking puso. 

“A-Anong---” hindi kona naituloy ang sasabihin ko nang mas lalo niya pang diinan ang pagkakatarak ng kutsilyo kaya agad kong naitukod ang aking tuhod at isang kamay sa sahig. “L-Leah---bakit?” bagaman hinang hina ay nagawa kopang matapos ang sinabi kong iyan bago bumulwak ang napakaraming dugo mula sa bibig ko. Damn! I never saw myself in this kind of situation ever! 

Bagaman hinang hina ay nagawa kopang tingalain si Leah na ngayo'y parang nag aalab ang mga matang nakatitig sa akin. “Idiot” matapos sabihin yan ay agad niyang binawi ang kutsilyo mula sa pagkakatarak sa dibdib ko kaya hindi ko maiwasang mapasigaw! Tuluyan kong naramdaman ang panghihina kaya agad akong bumagsak sa sahig at ang kaninang dugong lumalabas mula sa katawan ko ay dumoble pa. Bawat segundo ay pabigat ng pabigat ang paghinga ko---“Ang akin ay akin lang , Steven. Babawiin kona ngayon” rinig kopang sabi niya bago ako lagutan ng hininga. 

“Dre! Dre, wake up! Shit!” ----wait, is that Jake? Bakit parang niyuyugyog ako? Am I alive? “Dre!” rinig kopang sigaw niya bago ko maramdaman ang kamao niya sa mukha ko! Damn! Kaya naman napamulat ako nang wala sa oras at agad ko namang hinabol ang paghinga ko na para bang tumakbo ako ng pagkalayo layo. 

Matapos bumalik sa normal ang paghinga ko , hindi ko maiwasang igala ang paningin ko. Wait--nasaan ako? Buhay ako?! Mabilis kong kinapa at sinilip ang dibdib ko at nakitang wala namang sugat dito! What the fuck happened!? Bakit parang sa pagkakaalala ko ay nasaksak ako? Mabilis bumaba ang paningin ko sa kamay ko at nakitang naka-dextrose pala ako at doon ko lamang din napansin ang cast sa kaliwang paa ko.

“Sa Mental Hospital dapat ata kita dinala , dre! What's happening to you?! You're---you're weird” bumaling ang tingin ko kay Jake na prenteng nakaupo sa single sofa sa kwarto ko. Kumunot ang noo ko nang maalala kong sinuntok pala ako ng gago kaya agad kong kinuha ang nakita kong mansanas sa side table ko kaya walang pag aalinlangang ibinato ko iyon sa kanya. Huh! Bulls eye! 

“Aray! Tang ina naman , dre!” nakasimangot na usal niya habang hinihimas ang parteng natamaan ng mansanas pero hindi kona siya pinansin. 

Hinawakan ko ang ulo ko nang bahagyang kumirot ito at doon ko lamang napagtantong may benda pala ito. Anong nangyari? Ang pagkakaalala ko ay nasaksak ako pero bakit may benda ang ulo ko at may cast pati ang paa ko?

Ibinaling ko ulit ang atensyon kay Jake na ngayo'y may tinitignan na sa phone niya. “How many hours have I been out of it?” biglaan kong tanong kaya agad kong naagaw ang atensyon niya. Pakiramdam ko kasi napakarami kong hindi nalalaman. Ano ba kasi talaga ang totoong nangyari? Nag ayos muna siya ng upo atsaka inilapag ang phone niya bago tumitig sa akin. 

“Are you kidding me , dre? Haha! Anong hours? You slept for almost one fucking week dude! Grabe ang tindi mo! Haha” Hindi ko maisang mapaisip kung ano ba talaga ang nangyari. So 1 week akong tulog? Wth

“What exactly happened? I can't clearly remember anything. Damn it” hindi ko maiwasang mapamura dahil kahit gaano ko alalahanin ay nananatili paring malabo para sa akin ang lahat. 

Yun nga at ikinwento sa akin ni Jake ang mga nangyari 1 week ako. Taliwas sa mga nalalaman ko ang mga nikwento niya. Ano ang mga nakita ko? Bakit sa alaala ko ay nasaksak ako? Nasaksak ako ni---Leah? 

“Sigurado kabang si Jenny ang kasama ko?” hindi makapaniwalang tanong ko kay Jake dahil malinaw talaga sa alaala ko na si Leah ang kasama ko at---at--sinaksak niya ako. Teka , bakit niya ba ako sinaksak?! Damn! Nababaliw na yata talaga ako. 

“Oo naman! Gagawin mopa talaga akong sinungaling eh! Tss ewan ko sa iyo!” Halata sa boses niya ang inis kaya agad akong napalingon sa kanya. Nakatayo na siya ngayon at akmang aalis na. “Aalis muna ako , good thing na nagising kana. Siguro naman sapat na yung 1 week na pahinga mo at wala ka ng excuse para hindi makapunta sa birthday ko sa Sunday” sabi niya pa at tuluyan ng lumabas ng kwarto ko. Tang inang yon! Nagbi-birthday pa pala ang gago?! Hindi ko maiwasan ang mapa-iling. Nakangiti ako pero hindi pa rin maalis ang alaalang nasa isipan ko. Bakit? Bakit ako sinaksak ni Leah? Atsaka sa dinami dami ng tao , bakit si Leah pa? At ano ang ibig sabihin ng sinabi niyang babawiin na niya ngayon? 









-------



WARNING! TYPOS EVERYWHERE! 

KEYTSSIE'S NOTE 
- Lame update ::>_<:: . Sorry! Pambawi lang sa matagal na hindi pag a-update! Mwaa ヾ(^-^)ノ

Connected HeartsWhere stories live. Discover now