(Ang istoryang ito ay naglalaman ng mga hindi kapani paniwalang pangyayari na maaring ma kwestyon sa bawat mambabasa ngunit ngayon pa lamang ay pinapaalahanan kona kayo na lahat ng pangyayari sa aking istorya ay kathang isip ko lamang. Salamat po ♥ )
Steven's POINT OF VIEW
The next day, I woke up early because I am fvcking obligated to go to a fvcking hell none other than the school. Sumaglit ako ng tingin sa tabi ko umaasang nandito si Leah pero nagkamali ako. Tanging ang unan lamang ang nasa tabi ko at wala si Leah. Napailing na lamang ako atsaka nagpunta sa banyo para maligo.
Pagkatapos kong maligo, I decided to go to the dining area to eat my breakfast because I am fvcking hungry and I need to feed my fvcking empty stomach dahil hindi na ako nakapagdinner kagabi. Matapos kasi naming mag usap ni Leah ay hindi na ako lumabas pa ng kwarto ko at yakap yakap ko lamang siya hanggang sa tuluyan na siyang maglaho. Pero ang ipinagtaka ko lang is I can still see her kahit wala na siya sa visible state niya. Ang ibig sabihin lang 'non ay I have a fvcking third eye! Shit!!
Pagkadating ko sa dining area ay agad na nangunot ang noo ko day wala akong nakita ni isa mang maid na naghahapag na dapat ng aking almusal. Usually , ganitong oras ay naghahapag na sila , where the fvck are they?!
Tss. No choice. Bibili nalang ako sa cafeteria. "'Hoy! May narinig ba kayong babae sa kwarto ni Sir kahapon?!"Hahakbang na sana ako pero agad 'rin akong napahinto sa narinig kong boses ng babae sa kusina. Taka 'kong nilingon ang direksyon nito at dahil na 'rin sa kuryosidad ay dahan dahan akong lumapit dito. Bahagya akong sumilip sa pinto at nakita ang tatlong maid na kasalukuyang nagkukwentuhan!
"Ah! 'Yon bang babae 'nung naghatid tayo ng pagkain?! Oo! Narinig ko 'rin 'yon! Akala ko ako lang ang nakarinig!" Wika naman ng isa.
"Teka lang! Hindi ko narinig e! Paano naman kayo nakasigurado?! Eh 'nung pagpasok natin ay wala namang babae sa loob ng kwarto ni Sir?" Sabi naman ng isa.
Agad naman siyang nakatanggap ng batok sa kasama niya. "Tss! Ang tanga mo naman Clarissa! Malamang! Tinago ni Sir! Hindi naman siya tanga katulad mo! Sino ba namang gustong mahuli diba?" Wika naman ng isa! Kilala ko 'to eh! Siya yung napag initan ko kamakailan lang dahil natapon niya sa akin ang kape na pinatimpla ko sa kanya na halata namang sinadya niya! "Ano kaya ang magiging reaksyon ni Boss kapag nalaman niyang nag uuwi ng babae ang kanyang anak habang wala ito?" Dagdag pa nito atsaka humalaklak!
"Isusumbong mo?" Tanong naman ng isa!
"Psh, oo! Kailangang maturuan ng leksyon ang batang 'yon! Muntik na akong mapatalsik dito ng dahil sa kanya! Walang respeto!"
Nang hindi na ako nakapagpigil ay agad na akong pumasok nang hindi nila namamalayan! Nakatalikod kasi sila sa direksyon ng pinto kaya agad akong nakapasok. I crossed my arms at nanatili pa ako sa likuran nila at naghintay ng tyempo para magsalita.
"Paano kung malaman ni Sir yung plano mo? Baka mapatalsik ka na ng tuluyan" kinakabahang sambit naman ni Clarissa.
"Malalaman? Masusumbong ko na siya bago pa niya malaman! Tss! Haha! Baka nga nasa kwarto pa siya ngayon at nagpapakasarap pa sa babae niya 'eh!"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya! Huminga muna ako ng malalim at sinubukang pakalmahin ang sarili ko baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya! "Talaga? Ano 'rin kayang magiging rekasyon ni Daddy kapag nalaman niyang ang maid sa bahay ay nagkukwentuhan lang sa oras ng trabaho??!" Pigil sigaw kong sambit! Halata naman ang pagkagulat nila dahil sa pagtaas bigla ng kani-kanilang balikat!
Dahan dahan silang lumingon at halos matumba sila sa kanilang kinatatayuan nang makita nila ako! "S-Sir" sabay sabay nilang sambit atsaka yumuko.
YOU ARE READING
Connected Hearts
Mystery / ThrillerMeet Steven Kaizer Lopez, ang lalaking walang ginawa kung hindi ang sulitin ang oras na walang pakialam sa kanya ang lahat. Minsan mabait, madalas makulit. Meet Leah Ramos, ang multong kaibigan ni Steven na bigla na lang bumalik mula sa past. Paano...