CHAPTER 20

15 2 0
                                    

( Ang istoryang ito ay tanging imahinasyon lamang ng may akda. Ang bawat pangyayari na naisusulat sa bawat kabanata ng istoryang ito ay galing lamang sa malawak na imahinasyon ng may akda. Kung mayroong pagkakahawig o pagkakapareha sa ibang istorya ay hindi sinasadya.Maraming Salamat ♥)

STEVEN KAIZER POINT OF VIEW

KINABUKASAN , pagmulat ng mga mata ko ay agad na sumalubong sa mukha ko ang maliwanag na sinag ng araw na tumatagos mula sa mga bintana. Itinaas ko ang aking kamay para maharangan ang liwanag na pilit tumatama sa mukha ko.

“Oh , buti nagising kana” nalipat ang tingin ko kay Leah na ngayo’y inaayos ang mga kurtina sa kwarto. “Pasensya na pumasok ako , nagtataka kasi ako kung bakit hanggang ngayon ay hindi kapa gising..”

Hindi muna ako nagsalita at agad siyang sinenyasan na takpan ng mga kurtina ang liwanag na pilit tumatagos sa mga bintana. Agad naman niya itong sinunod.

Inalis ko ang kamay sa aking mukha ngunit agad naman itong nalipat sa ulo ko nang may maramdaman akong sakit , “A-Aww” mahinang daing ko at minamasahe ng bahagya ang sentido ko para bahagyang mawala ang sakit.

“Marahil tinanghali ka ng tulog kaya masakit ang ulo mo ngayon..” Nagulat ako nang pumuwesto siya sa likod ko at minasahe niya ang ulo ko. Hindi agad ako nakasagot dahil parang nagugustuhan ko ‘rin ang ginagawa niya. Para bang gumaan bigla ang pakiramdam ko..

Pumikit ako at hinayaan siya sa ginagawa niya. “Anong oras na ba?”

“Alas dose na Steven...”

Awtomatikong nagmulat ang mga mata ko nang sabihin niya ‘yon! “Ano?!” Hindi makapaniwala kong sambit at agad na inilipat ang tingin sa side table ng kama at nakitang alas dose na nga! “Damn!” Hindi ko maiwasang mapamura at agad na tumakbo papunta sa banyo.

Hindi ko alam kung anong klaseng pagligo ang aking ginawa at agad akong natapos. Nakabathrobe akong lumabas at agad na tumambad sa akin ang nagtatakang mukha ni Leah.

“Anong ginagawa mo?” bakas ang pagtataka sa boses niya.

Dumiretso ako sa closet , “I am fucking late , nakalimutan kong may pasok pala ako ngayon. Damn it” hindi ko maiwasang magmura habang naghahanap ng damit.

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya , “Anong late? Haha. Late na late na late kana kaya” Natigil ako nang sabihin niya ‘yon. “Tsk..tsk..tsk , sa susunod kasi maaga kang matulog. Yan tuloy..” Hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga. She’s right. Kahit naman pumasok ako ay late pa ‘rin ako , baka nga mag-dismiss nila niyan ‘eh. Bandang huli ay nagsuot na lamang ako ng komportableng damit pambahay at nakangusong umupo sa tabi niya.

“Sa totoo lang ay ayokong lumiliban ka sa klase mo , Steven. Pero ano pa bang magagawa natin kung late kana? Diba?” Nalipat ang tingin ko sa kanya nang magsalita siya.

Hindi ko maiwasang matawa sa sinabi niya , “Kung magsalita ka para kitang nanay haha”

Natatawa naman siyang inakbayan ako , “Bakit? Bawal mo ba akong maging mommy , ha? Haha! Bawal ba baby Steven?”

“Oh c’mon” nakangisi kong sambit. “Feed me mom” ngumuso ako na parang bata at sinabayan ang trip niya.  Natawa naman kami sa kabaliwang inaasta naming pareho.

“Oh..well--Let’s go baby. Mommy will feed you” aniya at inalis ang pagkakaakbay sakin at agad siyang tumayo. Tulad niya ay tumayo na ‘rin ako para makakain nang tumunog ang cellphone ko.

“Mauna kana mommy” nakangiti kong sambit , pinaninindigan ang aming kabaliwang akto. “Sasagutin ko lang ‘to” turo ko sa telepono ko na hindi pa ‘rin tumitigil sa pagtunog.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 05, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Connected HeartsWhere stories live. Discover now