CHAPTER 2

103 20 6
                                    

( Ang istoryang ito ay tanging imahinasyon lamang ng may akda. Ang bawat pangyayari na naisusulat sa bawat kabanata ng istoryang ito ay galing lamang sa malawak na imahinasyon ng may akda. Kung mayroong pagkakahawig o pagkakapareha sa ibang istorya ay hindi sinasadya.Maraming Salamat ♥)

Steven's Point of View

10 years later...

"Yow steven! Is that you?!" Tss that's Jake , my best friend.

I smirked. "May iba pa bang gwapo dito bukod sa akin dre?"

Tawa lang ang isinukli niya sa sinabi ko. Tss I'm just telling the fvcking truth! Dumiretso na kami sa aming classroom na nasa 4th floor nitong building kaya pahirapan sa pag akyat. Isama mopa ang nakakarinding hiyawan ng mga babae na nasa daanan namin. Hindi ba sila nagsasawa? Simula nung first year ganiyan na sila. Hanggang ngayon ba naman? Tss.

"Steven!" Mabilis na nakarating sa gawi ko si Jane at agad akong sinalubong ng yakap pagkadating na pagkadating ko sa tapat ng classroom. "I miss you" usal nito.

Agad ko naman siyang hinawi dahil mabilis na nakuha ang pansin ng iba sa kanyang ginawa. "You missed me? Well, I don't feel the same way"

"Arghh!" Padabog nitong wika at saka pumasok na ng classroom

She's Jane Allegre. Maganda, matalino, sexy at talented pa. Maraming nagkakagusto sa kanya. Campus chic ika nga. Isa na 'don ay ako. Simula first year college ay nagustuhan ko na siya. Noong araw na iyon ay hindi pa ako kilala dito sa Campus kaya hindi maiwasan ang mapagtripan ng mga seniors. She's 2nd year college that time at isa siya sa mga student leader dito sa Campus. Pinagtanggol niya ako sa mga nagtangkang mambully sa akin at dahil 'don naging malapit kami sa isa't- isa. Simula noong araw na iyon ay hinangaan kona siya at habang tumatagal ay nahulog na ang aking loob sa kanya. Simula 'rin noong araw na iyon ay ipinangako ko sa sarili ko na ako naman ang magtatangol sa kanya.

Everything was fine that time and I was about to court her until ng malaman ko na she's just fooling around. That all of her acts on the first place was all fake! Na pinagpustahan lang pala ako kasama ang mga kaibigan niya na dapat akong mahulog sa kanya and then boom!! The bet is over.

Yes. Nasaktan ako but I'm not that kind of emotional guy that would cry and beg for what I want. Mas sanay akong ibinibigay ang gusto ko kahit hindi ko hinihingi. Kaya naman hinayaan kona lamang siya. I live my life and do what I want but last vacation she confessed with me na gusto niya rin daw ako at napilitan lang siyang makisama sa laro ng kaibigan niya. But fvck! I just ignore her and let her look like a stupid rat in front of me.

Sometimes she begged to go out with me. Yes! We hang out. We watch movies and we travel together but damn! I didn't know na bibigyan niya ng meaning lahat ng iyon!

Buong oras ng klase ay lutang lang ang isip ko at wala akong interes makinig. I'm taking Bachelor of Science in Business Administration pero hindi naman talaga iyon ang gusto ko. It's Dad's choice. Sino naman ako para umalma? Pinag aaral niya ako gamit ang sarili niyang pera. Kung may pera lang sana ako mas pipiliin kong magpakasasa sa bar gabi gabi. Pero lahat ng pera ko ay galing din sa kanya kaya no choice nalang ako kundi ang gawin ang hindi ko gusto.

Pagkatapos ng klase ay agad akong dumiretso sa bahay. As usual, wala si Dad. Buong araw ata ay nasa opisina lang siya at minsan ay hindi na rin siya umuuwi. Simula pa noong bata ako ay ganyan na si Dad. After the operation, nawalan na rin siya ng oras sa akin. Minsan naiisip ko tuloy na dahil gumaling na ako, wala na siyang responsibilidad sa akin. I'm all grown up. I am already 18 years old pero pakiramdam ko walang nagpalaki sa akin. Pakiramdam ko ay mag isa lang ako at wala akong kasama sa buhay.

Connected HeartsWhere stories live. Discover now