( Ang istoryang ito ay tanging imahinasyon lamang ng may akda. Ang bawat pangyayari na naisusulat sa bawat kabanata ng istoryang ito ay galing lamang sa malawak na imahinasyon ng may akda. Kung mayroong pagkakahawig o pagkakapareha sa ibang istorya ay hindi sinasadya. Maraming Salamat ♥)
LEAH'S POINT OF VIEW
“Bakit ako naiiyak? ‘Eh hindi naman ako malungkot” wala sa sariling sabi ko habang naghihiwa ng sibuyas. Nandito kaming dalawa ni Clarissa sa kusina. Nagpapatulong kasi akong magluto sa kanya? Diba? Pagluluto ko kasi si Steven. Hehe. Pagluluto ha? As in pagluluto. Kanina kasi sabi ko kay Steven, pinagluto ko siya pero ang totoo naman ay pinanood ko si lang Clarissa na magluto. Hehe
Nakakalahati ko palang ang sibuyas pero kanina pa ako naluluha. “Malungkot nga ba ako?” dagdag kopa atsaka pinahid ang mga luhang pumatak sa mata ko. Hays ang hapdi na huhu.
“May problema ‘ba Leah?” narinig ko naman si Clarissa na nasa gilid ko.
Nakangusong ibinaling ko ang tingin sa kanya. “‘Eh kasi naman Clarissa, hindi naman ako malungkot pero naiiyak na lang ako basta-basta”
Natatawa naman siyang napa-iling. “Baka namimiss mo lang si Sir! HEHE” sabi nito atsaka bahagyang pinalo ako sa braso.
Yumuko muna ako atsaka bahagyang napa-isip. Namimiss? Si Steven namimiss ko? Bakit ko naman siya namimiss? Nakabusangot na ibinalik ko ang tingin kay Clarissa na ngayo‘y nakangiting nakatingin sa akin. Nang-aasar. “Hindi naman siguro hehe” Nakangiting sabi ko at itinuon muli ang sarili sa panghihiwa. Si Clarissa naman ay abala ngayon sa paghihiwa ng mga gulay. “Kare-Kare ba talaga ang paborito ni Steven?” tanong ko sa kanya nang hindi ibinabaling ang tingin. Tutok lang ako sa paghihiwa ng sibuyas.
“Oo. Paboritong paborito niya ang kare-kare” Sagot naman niya.
“Hmm” napapatango kong sabi. “Nakakapagtaka lang, dati kasi adik na adik ‘yon sa caldereta” halos pabulong ko nalang sambit.
Nang matapos kong hiwain ang sibuyas ay kumuha naman ako ng bawang. “Hindi naman siguro ako maiiyak dito diba?” Pinaningkitan ko ng mata si Clarissa. Umaasang ‘hindi’ ang isasagot niya.
“Haha! Syempre hindi! Nakakatawa ka talaga Leah. Napaka-inosente mo” nakahinga naman ako ng maluwag ng ‘yon ang sinabi niya.
Pinagpatuloy kona ang paghihiwa at hindi na nagsalita pa. “Clarissa--oh” sabi ko sabay abot ng hiniwa kong sibuyas at bawang sa kanya.
“Salamat. Ilagay mo nalang diyan” nakangiti nitong sambit habang nagpapainit ng mantika sa kawali. Agad ko naman sinunod ang sinabi niya “Bakit kaya wala pa si Sir? Dati, maaga naman siyang umuuwi” dagdag pa nito atsaka iginisa ang sibuyas at bawang.
Dahil sa sinabi niya ay iginala ko ang tingin ko sa kusina at naghanap ng wall clock. “Maaga pa naman” sambit ko ng makitang alas-singko pa lamang ng hapon. “Ang sabi niya kasi ay ililibre niya ‘raw yung Jake. Magbe-birthday na ‘raw kasi ‘yon”
“Ah? Si Sir Jake pala yung kasama niya. Malamang nag-bar na ang mga ‘yon HAHA!” Wika nito atsaka inihalo ang pork stock sa ginigisa niyang bawang, sibuyas, atsaka yung red na liquid na galing sa pinigang red na maliliit na bilog. Hindi ko alam ang tawag.
“Tch. Nambabae lang ‘yong Jake niyan panigurado. Sabi sa akin ni Steven, babaero ‘raw ‘yon”
“HAHA! Kung makapagsalita naman pala si Sir parang siya ay hindi, ” sabi naman nito at saka hinayaang kumulo ang niluluto.
YOU ARE READING
Connected Hearts
Mystery / ThrillerMeet Steven Kaizer Lopez, ang lalaking walang ginawa kung hindi ang sulitin ang oras na walang pakialam sa kanya ang lahat. Minsan mabait, madalas makulit. Meet Leah Ramos, ang multong kaibigan ni Steven na bigla na lang bumalik mula sa past. Paano...