CHAPTER 17

12 4 0
                                    

(Ang istoryang ito ay hango lamang sa malawak na imahinasyon ng may akda. Anumang pagkakatulad sa ibang istorya ay nagkataon lamang at hindi sinasadya . Maraming salamat po ♡)

STEVEN KAIZER POINT OF VIEW

“Sir? Ayos napo ba talaga kayo?” pinasadahan ko ng tingin si Clarissa na abala sa pag aayos ng bed sheet ko at walang alinlangang tumango.

I just got discharged three days ago kaya walang tigil sa pag aalala ang isang 'to.  Two days ago , inalis na 'rin ang cast sa paa ko kaya wala na 'ring sagabal.

Naghahanda ako ngayon bago pumunta sa bahay ng mokong kong kaibigan na si Jake. Birthday niya 'raw kasi ngayon. Last birthday na niya siguro kaya pinagbigyan kona. Besides , maayos na 'rin naman ang kondisyon ko at tingin ko naman ay nakapagpahinga na 'rin ako.

Ang sabi ni Jake ay iba ang party na ito sa party na maraming invited. Sa hinanda niya 'raw na ito ay circle of friends niya lang ang kasama. Ewan koba , ang bakla talaga ng mokong na iyon. Ang taba ng utak. Tss

“Hindi kapa ba sasabay sa akin?” tanong ko kay Clarissa habang inaayos ang buhok ko. Saglit naman siyang tumigil sa ginagawa atsaka hinarap ako. Kasama 'rin kasi si Clarissa sa mga taong inimbita ni Jake para sa private party niya. Kahit na isa sa mga maid namin si Clarissa ay hindi naman maikakaila na malapit 'rin siya sa aming dalawa ni Jake.

“Ah , e hindi po. Susunod nalang siguro ako. May aasikasuhin pa po kasi ako e” nakangiti nitong sambit kaya tumango na lamang ako.

“Magpahatid ka na lang kay Mang Kanor. Alam mo naman siguro ang bahay nina Jake” sabi ko atsaka umalis na sa harap ng human size mirror ko sa kwarto.

“Opo sir” rinig ko namang sabi nito.

Kinuha ko ang susi ng sasakyan sa drawer ko , “I'll go” sabi ko ng hindi siya tinitignan. Hindi kona hinintay pa ang sinabi niya at dumiretso na sa aking kotse.

Ilang minuto lang ang itinagal ng aking pagmamaneho ay nakarating agad ako sa bahay nina Jake. Pagkapark ko palang ng sasakyan ay rinig na rinig kona ang malakas na music na nanggagaling sa loob kaya hindi ko maiwasan ang magmadali. Pagbukas ko palang ng main door ay tumambad sa akin ang halos maghubad ng si Jake sa harapan ng isang babae na bago na naman sa paningin ko. Tang ina ang landi talaga ng gago.

Napansin ata ako ng babae kaya mabilis nitong tinuro ang direksyon ko. Nakatalikod kasi si Jake sa direksyon ko kaya kailangan niya pang lumingon para makita ako. Malakas ang music pero rinig na rinig ko pa 'rin ang sigaw ng mokong kong kaibigan. Hindi ko maiwasan ang mapa-iling.

“Woah! M-Mabuti na lang at nakarating ka! Haha! Akala ko talaga h-hindi ka m-makakarating!” Hindi ko maiwasan ang mag iwas ng tingin ng sabihin yan mismo ni Jake pagharap sa akin. Damn it. Naghalo halo na ang amoy ng alak sa bibig niya.

“Tang ina , mag ayos ka nga. Nakakahiya ka dude , damn it” hindi ko mapigilang magmura nang magsimula siyang gumiling at sumayaw sa harapan ko. Gusot gusot ang kulay maroon niyang polo at mali mali ang pagkakabutones nito. Hindi na rin nakalagay ng maayos ang kanyang tie at tanging boxer shorts lang ang suot niya! The hell! He is really drunk. Big time.

Pumunta ako sa couch at prenteng humilig doon. Kumuha rin ako ng beer na nakalagay sa mesa at direkta ko itong tinungga. Noon ko lang napansin na kami lang nina Jake at yung babae ang narito pero napakaraming alak at pulutan ang nasa mesa.

Ilang minuto pa ang lumipas nang biglang bumukas na naman ang pinto. Ang akala ko ay si Clarissa ang dumating pero laking gulat ko nang tumambad ang mukha ni Jenny!

Connected HeartsWhere stories live. Discover now