CHAPTER 19

16 3 0
                                    

( Ang istoryang ito ay tanging imahinasyon lamang ng may akda. Ang bawat pangyayari na naisusulat sa bawat kabanata ng istoryang ito ay galing lamang sa malawak na imahinasyon ng may akda. Kung mayroong pagkakahawig o pagkakapareha sa ibang istorya ay hindi sinasadya.Maraming Salamat ♥)

STEVEN KAIZER POINT OF VIEW

Mag aala-una na nang mapagpasyahan naming umuwi. Si Mariel ay napagpasyahang matulog na muna kina Jake dahil na ‘rin sa kalasingan. Si Jenny naman ay may dalang sariling sasakyan kaya kami na lang nina Clarissa at Leah ang magkakasabay umuwi.

Mabuti na lang at mabilis ding nawala ang hilo at sakit ng ulo ko dala na rin ng alak kaya makakapagmaneho pa ako pauwi.

Nang makauwi kami ay agad na dumiretso si Clarissa sa kwarto niya. 

“Gagamitin ko nalang ang guestroom. Sa kwarto ko kanalang matulog...” sabi ko kay Leah habang magkasabay kaming naglalakad sa hagdan. Naalala ko naman tuloy ang narinig ko kanina. Sino ba kasing kausap niya? Eh...,wala naman akong nakitang tao ‘ron bukod sa kanya.

“Ha?” bagaman hindi nakatingin ay rinig ko ang pagtataka sa kanyang boses. “Bakit sa guestroom pa? Kwarto mo ‘yon , Steven”

“Babae ka pa ‘rin , Leah. Nowadays , may ibang kahulugan kapag nagtatabi ang lalaki at babae” paliwanag ko.

Nanatili lang siyang tahimik hanggang sa makarating kami sa kwarto ko. “Wala namang malisya ah?” may pagka-inosente niyang sabi atsaka umupo sa kama ko.

Inalis ko naman ang polo ko sa harapan ng human size mirror dito sa kwarto ko at nakita ko pa siyang nag iwas ng tingin. Dumiretso ako sa banyo at doon naligo. Ilang minuto lang ang itinagal ko at nakapagpalit na ng damit pantulog. Paglabas ko ng banyo ay nakita ko si Leah na nakahiga na sa kama ko pero ang paningin niya ay nakatuon sa akin.

“Kahit na walang malisya , Leah. Babae ka at nasa visible state ka ngayon. Lalake pa ‘rin ako , malay mo ‘bang pagsamantalahan kita” may pagkapilyo kong sabi atsaka ngumisi.

Agad naman na nanlaki ang mata niya at inihagis ang unan na nasa tabi niya sa direksyon ko , “Bastos!” natawa na lang ako sa reaksyon niya.

“Iba ang bastos sa nag aalala , Leah” nakangisi kong sambit atsaka umupo sa tabi niya.

Nangunot naman ang noo niya , “Akala ko sa guestroom ka?”

“Nagbago na ang isip ko” hindi mawala ang ngisi sa mukha ko. Nanlaki naman ang mata niya at lumayo ng bahagya sa akin.

“H-Ha? Anong i-ibig mong sabihin?”

Tumingala ako na animong nag iisip. “Bakit hindi dito? May gusto kasi akong abutin ng ikaw ang kasama..” mas lumawak ang ngisi sa mukha ko nang makitang nanlaki ang mata niya matapos mapagtanto ang sinabi ko.

“Ano?! Bastos ka talaga!”

Natawa ako.., “Bastos?! Haha. Anong bastos? Ang ibig sabihin ko ay gusto kong abutin ng umaga , kasama ka. Anong iniisip mo?”

“Walang hiya ka! Umalis ka nga dito!” sigaw niya pero hindi maitago ang kaba. Hindi ko maiwasan ang matawa sa ipinapakita niyang reaksyon. “Umalis kana dito!” naghuhuramentado niyang sigaw atsaka pinagpapalo ako. Hindi ko maiwasang mapangiwi kapag natatamaan niya ang parteng may sugat ako pero napapalitan din ito kaagad ng tawa habang nakikita ang reaksyong ipinapakita niya.

“Pinapaalis mo na ako? Kwarto ko ‘to” sabi ko , sinisikap na mapigilang matawa. Tumigil na siya sa pagpalo sa akin atsaka nakayukong ngumuso. Ang cute niya haha...

“Mm.., sige. Ako nalang sa guest room” nakangusong aniya atsaka umambang tatayo pero mabilis ko siyang napigilan gamit lamang ang isa kong braso.

“Inaantok kana ba?” bigla kong tanong. Nangunot naman ang noo niya.

“H-Hindi pa” nag aalinlangan niyang sagot.

“Oh! Edi ayos!” Pinagkrus ko ang aking mga paa sa kama. “Dito munako hanggang sa antukin tayong dalawa! Okay?!” Nakangiti kong sambit. Bagaman nagtataka ay nagawa niya pa ‘ring tumango

“Okay” tipid na aniya atsaka pinagkrus din ang paa. Para bang magkaharap kami habang naka-indian sit.

Doon nga nag umpisa ang pagkukwentuhan namin sa iba’t-ibang bagay. Sa dami na ata ng napag-usapan namin ay hindi kona maalala ang iba. Inilipat ko ang tingin sa orasan na nasa side table ko at nakitang mag aalas-tres na pala ng umaga. Ang tagal na pala naming nagkukwentuhan?

“Si Jenny--” nalipat ang tingin ko kay Leah na ngayo’y nakahiga na habang ang isang kamay ay nasa ibaba ng ulo niya at ang isa nama’y nasa noo niya.

“What about Jenny?” tanong ko atsaka humiga ‘rin sa tabi niya atsaka tumingin sa kisame.

“Bagay kayo” kunot noong lumipat ang tingin ko kay Leah nang sabihin niya iyon.

“What?” sabi ko , hindi maalis ang tingin sa kanya.

Siya naman ngayon ang tumingin sa akin , “Ang sabi ko , bagay kayo ni Jenny” nakangiting aniya.

Ibinalik ko naman ang tingin sa kisame. “Really?” nakangiti ko namang sambit habang ang paningin ay wala sa kanya.

“Mm..,” tipid niyang sagot atsaka napabuntong-hininga. “Jenny is a nice girl”

“Yeah” dinaig ko ang pagkatipid ng sagot niya. “You’re right. She’s nice. I like her”  Naramdaman kong lumingon siya sa akin.

“Then , you should d-date her” Inilipat ko ‘rin ang tingin sa kanya. Nang magtama ang paningin naming dalawa ay ngumiti siya. Pero parang may mali sa ngiti niya , parang may nakatago mula roon at hindi ko iyon makita.

Nang makaramdam ako ng kakaiba ay ako na mismo ang pumutol sa pagtititigan namin. Ibinalik ko ang tingin sa kisame at doon nag isip isip.

“Satingin mo , magugustuhan niya ‘rin ako?” wala sa sarili kong sambit. Hindi naman umimik si Leah kaya inilipat ko ang tingin sa kanya. Gaya ko , nakatingin ‘rin siya sa kisame at para bang napakalalim ng iniisip. Nang hindi siya lumingon sa akin ay ibinalik kona lamang ang tingin sa kisame. “Nagdadalawang isip ako kung liligawan kopa ba siya o tatanungin kona agad siya kung pwede ko ba siyang maging girlfriend” natatawa kong sambit. Narinig ko naman ang mahinang halakhak niya na para bang may nakakatawa sa sinabi ko.

“Kung gusto mo siya ay kailangan mo pa ‘rin siyang ligawan. Ganoon ang gusto naming mga babae” makahulugan niyang sabi.

Hindi ko maiwasang lingunin siya , “Paano mo naman ‘yon nalaman? Naligawan kanaba?”

Natawa naman siya , “Hindi ko alam kung isa ba ‘yang tanong o insulto para sa’kin , Steven..” umiiling iling niyang sabi. “Tandaan mo , babae pa ‘rin ako. Alam ko kung ano ang gusto at ayaw ng bawat babae..”

Sinabayan ko naman ang pagtawa niya , “Hindi magkakapareho ang lahat ng babae , Leah. Para sa’kin? Si Jenny ang naiiba” sabi ko atsaka humalakhak. Ang inaasahan ko ay sasabayan niya ang pagtawa ko pero natigil ako ng nakitang magseryoso siya. “Bakit?” nagtatakang tanong ko.

Nag ayos naman siya ng higa , “Inantok ako bigla. Sige na pumunta kana sa guest room. Matutulog na ako” tuliro niyang sambit atsaka binalot ang katawan sa kumot. Nagtaka ako.

“Sige.” bagaman nagtataka ay tumayo ako. Kunot noo kong tinungo ang direksyon ng pinto. Bago makalabas ay nilingon ko muna si Leah na ngayo’y nakatakip sa kumot. “Good night” sabi kopa bago isara ang pinto.






-----

WARNING! TYPOS EVERYWHERE!!

Connected HeartsWhere stories live. Discover now