( Ang istoryang ito ay tanging imahinasyon lamang ng may akda. Ang bawat pangyayari na naisusulat sa bawat kabanata ng istoryang ito ay galing lamang sa malawak na imahinasyon ng may akda. Kung mayroong pagkakahawig o pagkakapareha sa ibang istorya ay hindi sinasadya.Maraming Salamat ♥)
STEVEN'S POINT OF VIEW
“Hala! Napano yung mukha ni Steven?!”
“OMG! Oo nga! Gosh! Sino kaya ang walang hiyang gumawa ‘non sa kanya!?”
“Omy!”
“Pero kahit ganon, gwapo pa ‘rin siya right?!”
I gritted my teeth dahil sa inis nang marinig ko ang mga sinasabi ng mga tao sa paligid ko! Hindi ba nila alam na may tainga ‘rin ako at naririnig ko sila? Tss. Mula pa kasing pagpasok ko ay ‘yan na ang naririnig ko mula sa mga taong nadadaanan ko! Hindi ba sila nagsasawa na pag usapan ako?! Tang ina!
Inis na kinuha ko ang oversized shades ko sa aking bulsa at inis na isinuot ‘yon para matakpan ang kulay ubeng pasa sa may gilid ng mata ko! Napailing na lamang ako sa aking ginawa dahil kahit takpan ko pa ang aking mga mata ay lantad na lantad naman ang katamtamang laking gasa na nasa noo ko at ang maliit na sugat sa may gilid ng aking labi. Damn those assholes! Sugatan ba naman ang gwapo kong mukha?! Dammit!
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad nang biglang nag-vibrate ang cellphone ko na nasa bulsa ng pants ko. Huminto ako saglit at sandaling sinilip ‘yon.
/1 message received/
From: 09177+
- Good morning Steven! It is I , Jenny ♥Out of the blue, I smiled. Pinindot ko ang number niya para i-dial ‘yon.
[H-Hello?] Bungad niya sa kabilang linya. Pft. Nahihiya ba siya? HAHA
“Hmm” tipid naman na sagot ko at nagpatuloy na sa paglalakad.
[B-Bakit ka napatawag? How are you na nga pala? ‘Yung mga sugat mo? Nakatulog kaba ng maayos------]
“Pft. Yeah” pagpuputol ko sa mga tanong niya.
[Bakit ka tumatawa? May nakakatawa ba? Nga pala, pasensya na dahil kinuha ko ‘yung number mo sa phone mo kagabi] pahina ng pahinang usal niya.
Hindi ko maiwasan ang mapangisi . “It's okay. It doesn't matter at all”
[You sure?] Pagkukumpirma niya.
“Yeah”
[I see----I'll hang up. Parating na ‘raw yung lecturer. So, bye for now?]
“Yeah. Bye” I said then she hang up.
Inilagay kong muli ang aking cellphone sa aking bulsa nang------ “Dre!” rinig kong tawag ng isang pamilyar na boses mula sa likuran ko! Hindi kona kailangan ‘pang lumingon dahil sa boses pa lang niya ay alam ko ng ang gago kong bestfriend na si Jake ‘yon! Napa-iling na lamang ako at naglakad na halos takbuhin kona ang daan makalayo lang kay Jake dahil paniguradong aasarin na naman ako ng gago! “Dre!” tawag niyang muli pero hindi pa ‘rin ako humihinto para harapin siya. Ramdam ko naman ang kanyang pagtakbo papalapit sa akin! Fvck! “Dre!” tawag niyang muli! “Dre! You know what?! Dumating na si Mommy at Daddy kagabi! Damn! Ang astig ng binigay niyang sapatos sa‘kin! Fvck! Pinapabigay niya ‘rin nga ‘to sa’yo oh! Tignan mo! -----------” napahinto siya sa pagsasalita ng hinila niya ako at tumambad sa kanya ang sugatan kong mukha! Damn! Hindi naman nakalagpas sa akin ang biglaang pangungunot ng noo niya nang makita ako!
YOU ARE READING
Connected Hearts
Mystery / ThrillerMeet Steven Kaizer Lopez, ang lalaking walang ginawa kung hindi ang sulitin ang oras na walang pakialam sa kanya ang lahat. Minsan mabait, madalas makulit. Meet Leah Ramos, ang multong kaibigan ni Steven na bigla na lang bumalik mula sa past. Paano...