YCMH 9

322 11 0
                                    

Flashback highschool days

Maris PoV

"Maris Stella Racal!"

Diyos ko po, ' eto na naman siya, sa loob-loob ko ng marinig ko ang pagtawag sa akin ni Iñigo.

Mula ng maghalo ang balat sa tinalupa-----este,
Ang 2A at 1B sa iisang English 4 class, naging miserable na ang buhay ko.

Bagamat hindi sa lahat ng oras ay sumasabad itong magaling na si Iñigo sa mga pagsagot ko,

Madalas parin itong mamuna ng mga kakarampot na mali ko na dati ay gawain ko. Tuloy, nahihiya nako sumagot sa recitation tuwing English 4 ang class namin.

Madalas na din siyang pumupunta dito sa secret hiding place ko. Wala naman siyang ginagawa dito kundi ang buwisitin ako.

Hindi ko nga alam kung anong ligaya ang nakukuha nang kumag na toh tuwing naiinis ako.

Madilim ang mukha ko na nilingon ito, " Ano na naman yon, Iñigo dominic Pascual Jr.?"

" Grabe ka naman, Maris stella Racal!
OA ka namang makatawag sa buong pangalan ko! May itatanong lang naman ako sayo regarding doon sa play natin," nakangising sagot niya sakin

Na naging dahilan ng pagsilabasan ng pangil ko.

Wala naman talaga akong balak i-entertain kung ano man ang pakay nito sakin, pero dahil tungkol sa English 4 nagpakahinahon na lang ako.
"Ano yon?"
Mahinahong tanong ko.

"Anong roles ang gaganapin natin sa play?"



Kumunot ang noo ko. Sa pagkakatanda ko ay hindi maaring gumanap sa play ang class leaders dahil awtomatiko kaming nagiging director ng dula.

"Roles?"
"diba, direktor tayo?"

Nagkamot siya ng ulo, Bago sumagot sa akin.

"Yon din ang akala ko. Pero kinausap ako ni Miss lim kanina, sabi niya, umarte na lang daw tayo. Siya na raw ang tatayong direktor dahil two classes tayo."
Paliwanag niya.

'Eto na naman si "akala." pa bulong ko.

"Okay. May fifteen role pa namang natitira, 'di ba?"

"Actually...." ngumisi ito sa akin.
"Dalwa na lang ang natitira."

"What?
Gulat kung sagot
Ang bilis naman ata? Tanong ko sa sarili ko.

Ano-ano naman 'yong mga yon?"
Tanong ko sa kanya
Agad naman niyang kinuha ang notebook niya at nagbasa dito.

At noong nabasa na niya ay parang gusto ko mag protesta, pero mas pinili ko na maging kalma at tanggapin kung ano ang magiging role ko.

Iñigo PoV


Ano-ano naman 'yong mga yon?
Tanong niya sakin mula sa pagka gulat niya noong sabihin ko na dalwang role na lang ang natira.

Agad ko namang kinuha ang notebook ko at binasa ito.
"taken na yung princess, ang bestfriend ng princess, ang fairies, ang mga puno, ang mga bato, ang aso, at ang mga ahas.
Ang role na lang na hero at tsaka yong sa........

Tiningnan ko siya ng may pilyong ningning sa mga mata.

Alam kong di niya nagustoan ang nakita niya. Hahaha pano
Ang role na natira ay
"witch."

Pinta sa mukha niya na parang gusto niya magprotesta, Pero nagulat ako sa sinabi niya.


"Okay . Yon lang ba?"
Malamang sayo yung hero diba?"

"Okay'? Ganoon lang? Hindi ka magagalit?
Tanong ko sa kanya.


"Bakit naman ako magagalit, eh yon ang napunta sa akin?"
Kalmadong sagot niya

"pero mangkukulam ka," anito kung nagpipigil ng tawa.

Nginitian niya lang ako ng nakakaloko.
"Alam mo masamang magpigil ng tawa. Nakakadagdag ng polusyon."paalis na sana siya nang bigla na lang siya tinawag ng bibig ko.

"Maris stella!"

"Ano na naman?" iritabling sagot niya sakin.

Hindi ko alam pero mas gusto talaga ng puso ko na siya ang maka tambal ko.

Someryoso ako na tumingin sa kanya. At walang ano-ano na binitawan ang mga salitang
"Pero kung ako ang papipiliin, Maris stella, I'd choose you over Sofia to be the princess.
you're much more Beautiful than her."


Napansin kung namula siya di yatat kinilig siya sa sinabi ko😊

Ngumiti siya ng matamis. "Syempre naman. Nakakaganda kasi ang katalinuhan." proud na sagot niya sa akin.



Na tila pisngi ko naman ngayon ang namumula.

Sayang naman at hindi si Maris ang Prinsesa sa play nila,
Gusto pa naman ni Iñigo na siya ang maka paris..
Pero malay natin diba?
May mangyari na maging dahiln upang maging siya ang princess.
Pero guy's may napapansin ba kayo kay Iñigo? Hmmmm
Nako Iñigo huh. 😂💙💎

Vote and comment
If you like this chap guys
Thanks for reading

You Change My Heart 💙Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon