YCMH 12

342 12 0
                                    


Flashback highschool days

Maris PoV

"Maris stella. Magpapakilala na," pukaw ni Iñigo na nagpabalik sakin sa realidad.

May itinatago itong ngiti sa mga labi kayat sobra ang pag-iinit ng aking mga pisngi.

Nang muli kaming tawagin sa stage, ay sobra nang ingay ng mga audience.
Naghihiyawan, nagpalakpakan at pag
sipol ng iba.

Ito ang unang pagkakataon sa buhay ko, ngayon ko lang naranasan ang matanggap ng mga tao ng ganoon.

Kahit ilang beses na akong nanalo sa mga champion ng quiz bee, tanging palakpak lang ang natatanggap ko.

Dahil sa labis na tuwa ko ay hindi ko mapigilang tumawa.

"You're laughing," puna sakin ni Iñigo ng pabalik na kami sa backstage.
Kakatwa ang reaksiyon ng mukha mo. Dag-dag niya na Serioso ang mukha.

Mas lalo akong natawa,"Bakit? Pati ba pagtawa ngayon, kailangan na rin ng permit? Masyado ka ring possessive, Iñigo dominic Pascual, Jr."
And again, for the first time of my life, I'm laughing at my most-hated enemies.

"CONGRATS, Maris! You were awesome in that play!"

Ngiti lang ang isinagot ko sa papuri ng ka-member ko sa photography club.

Kahit madami ang tumatawag sakin na "ogre"
Karamihan ay tinatawag na akong
the S,A Princess." means Starmagic Academy Princess.

"Hindi ko akalain na ganoon kalaki ang naging dating ng play namin sa buong
Starmagic Academy.

Ngunit sa sobrang saya ko noong araw na yon, nakalimutan kung komprontahin ang magaling na Iñigo tungkol sa ginawa niyang paghalik sa kin.

Akala tuloy ng karamihan ay may namumuong pagtitinginan sa aming dalawa kahit pa nga ipinaliwanag ko na sa kanila na hindi totoo ang halik.

Ang sabi naman nang mga ito, kitang-kita daw nila ang pangyayari at wag na raw ako magkaila pa.

Hindi na lang ako nagsasalita tuwing nababanggit ulit ang tungkol don.

"Hi, everyone! Nagulat kayo na nandito ako ngayon ano?
Bungad sa amin ni Miss Gomez, ang adviser ng photography club.
Nandito kami sa aming Office.

Dahil adviser din siya sa Journalism team ng academy, madalang lang siyang bumisita sa amin.

"May mahalaga kasi akong announcement. May bago tayong recruit, akalain niyo yon?"

Sukat sa sinabi ng aming guro ay nagtawanan kaming lahat, bilang presidente ng organisasyon ay tumayo ako upang salubungin ang bagong miyembrong tinutukoy ni Miss Gomez.
"Then let's welcome that person now."
Nakangiting saad ko kay Miss gomez

Binigyan ako ng malisyosang tingin ni Miss Gomez.
"naku, Maris, ha. Akala ko pa naman, honest ka. Bakit
Hindi mo agad sinabi sa amin ang
Balak ng boyfriend mong sumali dito sa club natin?"

You Change My Heart 💙Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon