YCMH 14

286 20 0
                                    

Highschool days

Flashback

Maris PoV

"Maris, may naghahanap sayo sa ibaba.
Babain mo ba o paakyatin ko na lang dito?"

Napakunot-noo ako dahil sa sinabi ng mommy ko.
Biyernes ngayon at isang linggo na akong di punapasok dahil nagkasakit ako.
Hindi ako sanay na ganito dahil hindi pa ako kailan man lumiban ng klase.
Kahit maayos na ang kalagayan ko, pinagbawalan pa rin ako ni mommy na pumasok sa school.

" May naghahanap sa akin?" pag ulit ko.

Paano nangyari yon? Bukod sa school Administration,wala na akong iba pang pinagsabihan ng address ko.

At kung mayroon mang nakakaalam, hindi ito kailanman mangangahas na pumunta dito sa bahay ko.

Paano ay kilalang terror ang buong pamilya namin sa aming lugar, lalong-lalo na ang daddy noong siya ay nabubuhay pa.

My dad died of heart failure when i was five.

Kilalang abogado at negosyate ang aking ama samantalang propesora naman ang aking ina.

Parehong walang kinakatakotan ang aking mga magulang.

Walang nakakaligtas sa mga mapanuring mga mata. Maski simpleng dumi sa kuko ay napupuna ng aking ina.

Ang aking ama naman ay laging napapansin ang ugali at achievements ng isang tao. Bago makapangutang o makahingi ng tulong ang iba sa kanila, katakot-takot na panlalait muna ang gagawin niya sa mga ito.
May pinagmanahan nga talaga ako.

"Yes, my dear. At napakaguwapong binata,"
Nasisiyahang sagot ni mommy.

Lalo akong nagtaka sa sinabi niya.
Napatayo tuloy ako nang wala sa oras.
"Maris, huwag ka masyadong kumilos. Baka mabinat ka."
Hindi kona pinansin ang sinabi ni mommy,
I was continually go in our living room where I saw Iñigo sitting on the sofa.
Nasisiguro ko na hindi na maipinta ang mukha ko sa mga oras na yon.

"Iñigo?"

"Maris stella?" balik niya na hindi rin maipinta ang mukha.
"Isang linggo ka lang na hindi pumasok, mukha ka nang bangkay,"

Umupo ako sa isang one-seater sofa. "Ano'ng ginagawa mo dito?"
Tanong ko sa kanya.

"Nakikiupo," sarkastikong sagot niya "Malamang Binibisita ka, Isang linggo ka nang walang paramdam. Mula ng umuwi tayo galing baguio, hindi na kita nakita."

Hindi ko alam kung bakit pero tila tumaba ang puso ko sa nararamdamang concern mula kay Iñigo.

Ngayon lang kasi may nag-aalala sakin ng totoo. At talagang pinuntahan pa ako sa bahay namin.

"Nagkasakit ako kaya hindi ako nakapasok nang isang linggo."
Paliwanag ko

"Nagkasakit ka?"
Gulat na tanong nito.

Sumimangot ako. "kahit ganito ako, nagkakasakit din ako."

Umiling-iling siya. "No, I mean,ang lakas-lakas mo panga noong nasa bus tayo. H-hindi mo panga rin ako pinapansin no'n."
Saad niya.

Bigla kong naalala ang alitan namin noong nasa Baguio kami. Mula ng magsagutan kami habang nagla-lunch kasama ang mga photography club ay hindi na kami nagpansinan.

Ngayon na lang uli. " Eh, hindi mo rin naman ako pinapansin nu'n bakit kita kakausapin?"
Pagtataray ko.

"Akala ko kasi, galit ka pa rin sa akin, nakayukong sagot niya. "Sorry."

"Sorry din."
Balik ko.

Ngumiti siya na para bang wala ng bukas. May ini-abot siyang notebook sa akin.

"Oo nga pala, since hindi ka nakapasok nang isang linggo, sigurado akong urat ka na dahil hindi mo na nasusundan ang pinakamamahal mong lessons. Kaya kinopya ko kay Sofia yong mga lesson at assignment n'yo para dalhin dito."

Muli, nadama kona naman ang patabang yon sa puso ko.
Hindi ko alam kung epekto yon ng sakit ko o dahil yon kay Iñigo. "Kay Sofia mo kinopya?"

"Oo," tumango-tango pa ito. "bakit, masama ba?"
Tanong ni Iñigo sa akin

Wala akong mahagilap na isasagot.
Ang dahilan kung bakit ko itinanong yon ay dahil ayaw ko na kay Sofia siya kumopya nang lessons dahil ang babaeng yon ang nangunguna sa lahat ng mga babae na may gusto sa kanya.
Pero siyempre hindi ko pwede sabihin yon.
"W-wala lang. B-baka lang kulang-kulang ang notes no'n. Alam mo na." alibi ko.

Tumawa si Iñigo. "eh, siya yong unang umentertain sa akin noong pumunta ako sa room niyo."

"Maris! Nagkakasarapan na kayo ng usapan ng bisita mo pero hindi mo man lang ako naalala
Won't you even Introduce me to this Handsome young man here?" sabad ni mommy na galing sa kwarto ko.

Biglang nag-init ang mga pisngi ko. Lingid sa kaalaman ng marami, sabik ang mommy ko na makatanggap ng lalaking bisita para sa akin.
Hindi ko nga siya maintindihan. Parang siya pa ang mas excited na magka-love life ako. Samantalang ako diring-diri doon.

"Mommy, this is Iñigo Dominic Pascual, Jr., may classmate in English," pakilala ko kay Iñigo sa aking ina.
"Iñigo, this is my Mom."

"oh, I've heard of Pascuals! You're the son of the Bench Clothing, Iñigo?."

Tumango lang si Iñigo bilang sagot.
Kinamayan niya si mommy.
"Pleased to meet you, Ma'am."

"Oh, please, hijo, just call me "Tita Leony."

"Tita Leony it is," nakangiting sabi ni Iñigo.

Bumaling siya sa akin at nanlaki ang mga mata.
"Teka nga lang, namumula ka ba? Nagpa-check up ka na ba? Mukhang masama parin ang lagay mo?"
Tanong ni Iñigo.

Lalo tuloy nag-init ang mga pisngi ko.
Alam kong na mumula ako dahil kay Iñigo. Mukhang matutulad na rin ako sa iba na hibang sa kanya.

Aba!." may pag dalaw si Niggy..
Mukhang kunti na lang din bibigay na itong si Maris sa habulin ng mga babae na si Iñigo huh..
Ano sa tingin niyo ang susunod na magyayari guys.
comment niyo. At paki vote na din if nagustohan niyo ang chap na ito. Thank you.

You Change My Heart 💙Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon