YCMH 15

291 17 0
                                    

Highschool Day's

Flashback

Maris PoV

"Welcome back, miss President!"
Labis akong nagulat sa nakita ko pagbukas ng pinto sa photography club office.

Nagkukumpulan at may hawak pang mga lobo ang ilang members ng aming organisasyon.

Kumukuha naman ng pictures at nagpaputok ng poppers ang ilan.

"Ano'ng ibig sabihin nito?" tanong ko.

"Malamang, Maris, welcome bash namin to para sayo. Isang linggo ka na kayang di namin nadadatnan dito."

"Miss Gomez!" wala sa loob na napayakap ako sa aming guro nang makita kong kasali rin pala siya sa mga sumurpresa sa akin.

Masyado akong na-touch, parang gusto kong umiyak.

"Naku, iyakin pala si Miss president!"
"Maris, I never thought you can cry!"
"Pusong-mamon din pala ang 'ogre' ng Starmagic Academy!"

Sa halip na mainis ako sa mga sinasabi ng mga kamiyembro ko ay natawa na lang ako. "At sino na namang may pakana nito?"

agad na nahawi ang kumpulan ng mga ito at nakita ko si Iñigo na matipid na nakangiti. May hawak siyang bulaklak at lobo.

"Surprise!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Surprise!"

Nang magsalita siya ay tila may kabayong biglang sumipa sa aking dibdib.

Tila nag-iba rin ang paningin ko sa kanya. Parang...parang mas gumuwapo?
Ano ba yan, Maris! Nagka trangkaso ka lang lumandi kana. Bulyaw ng isip ko.

Sa buong buhay ko, ngayon ko lang naramdaman ang ganoon. Parang may kung anong pumipitik sa aking dibdib. Hindi ko alam pero nagsimula kong maramdaman yong ganoong nakakatawang damdamin ay mula nang dumalaw si Iñigo sa aming bahay.

Dahil sa kakaiba kong nararamdaman, hindi ako nakapag-react.

Iñigo PoV

"Surprise!"

Nakatulala si Maris nang makita niya ako, hindi siya nakapag-react.
Siguro dahil di niya eni- expect na susurpresahin namin siya.

Agad namang nagkantiyawan ang mga kamiyembro namin,

"Kinikilig ako, shit!"
"Ang love team ng photography club!"
"Manonood talaga ako kapag nagkapelikula ang dalawang yan!"

You Change My Heart 💙Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon