YCMH 11

307 10 0
                                    


Flashback highschool days

Maris PoV

"Sa kabilang dressing room ay dinig ko ang panenermon ni Miss lim kay sofia at dinig ko din na pumayag na siyang maging witch.

Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko ngayon.
Ang confident ko kanina habang naglalagay ng uling sa mukha ay biglang nawala, I've been practiced playing a witch, not a princess!

Hindi naman ito katulad ng mga sinasalihan kong quiz bee na intellect ang labanan.

Alam kung hindi ako magkakamali at makakalimot sa linya pero kinakabahan ako sa isang bagay.

Kailangan kung halikan ang prinsipe. Kailangan kung halikan si Iñigo.

Kahit hindi naman totoo ang halik, hindi pa rin ako mapakali.

Kung ibang lalaki siguro yon ay hindi ako kakabahan ng ganito.

Pero si Iñigo dominic Pascual, Jr. Ang makaka tambal ko.

So what kung si Iñigo ang kapareha mo? Crush mo ba siya kaya ka affected? Bulong ng kontrabida kung isip.

Umiling-iling ako.
Never kung magiging crush ang lalaking yon. Salot nga yon sa buhay ko eh."

Ilang minuto na lang ay magsimula na ang palabas namin.
Nakapag-ensayo na uli kami na ako na ang prinsesa sa dula.

Mas maayos ang naging resulta dahil wala akong nakalimutang linya, maging si Sofia ay hindi nakalimot ng linya niya dahil aapat lang ang lines ng witch.

Pakiramdam ko ay pinagpapawisan ako nang sobra kahit ang lakas naman ng aircon sa theater backstage.

Nagulat naman ako nang biglang may nagsalita sa likuran ko.

Iñigo PoV

"Naisipan kong puntahan si Maris sa dressing room nila bago magsilmula ang aming palabas.
Nang makarating ako sa pinto ay nakita ko siyang pawis na pawis at di mapakali.

"Are you nervous?" tanong ko sa kanya

Agad naman siyang lumingon sa akin.
Halatang hindi siya mapakali sa kaba.

Sa mantalang ako ay nanatili na cool lang.
Hindi naman sa pagmamayabang ay, napakaguwapo ko lalo ngayon sa suot ko na panlalaking kimono.

Mukha talaga akong japanese prince. Hahaha

"N-nervous? Hah! Ako pa?" utal na saad niya.

"You are nervous," nakangiting pahayag ko.

"Butil-butil ang pawis sa noo mo."

Pinunasan ko ito sa sleeve ng kimono ko. Napansin kung nagulat siya sa ginawa ko.

Nginitian ko lang siya at umalis na para pumunta sa puwesto ko sa stage.

You Change My Heart 💙Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon