YCMH 31

436 14 8
                                    

Maris PoV

Plano ko nang magtatapat sa kanya noong araw na iyon.
Halo-halo na ang nararamdaman ko at diko na mapigilan ang kaba.

Pinag hahandaan ko kung papano ko sasabihin sa kanya.
Kahit na wala akong ka seguraduhan noon ay gusto ko padin ituloy.

Pero lahat nang lakas ng loob ko ay nawala.
Nang makita ko siya na may kayakap na iba.
Halatang mahal niya yung babae dahil
Pinaghandaan nang husto ang lugar.

Akala ko ba ako?....
bakit ganun?..
Perfect na perfect yung
Moment na iyon
pero
Hindi naman ako ang nasa eksena.

Bakit hindi ako?
Bakit niya pa pinaparamdam sa akin na gusto niya rin ako.

Na special ako para sa kanya.
Gayung may mahal naman pala siyang iba...
Pinaasa niya lang pala ako.

Hinding-hindi ko makakalimutan
Ang lahat ng mga kaganapan sa araw na iyon.

"Iniwan ka niya?"

Napabalik ako sa realidad nang marinig ko ang boses ni Iñigo.

Nasa restaurant pa rin kami ngayon na mas dumami pa ang tao.

Tsaka ko lang din na-realize na
Umiiyak na pala ako.
Taranta ko namang pinunasan ang mga pisngi ko.

Bumuntong hininga ako
At humarap Sa kanya.
Parang ganun na nga, Sagot ko
At tumingin sa ibang dereksyon

Yumuko siya.
Baka naman kasi pinaalis mo na siya agad.
Hindi mo man lang siya hinayaang magpaliwanag.

Gulat naman akong napalingon sa kanya.
Alam ba niyang siya ang tinutukoy ko.
"What did you say?"

"Baka kaya siya umalis ay dahil sinunod niya lang ang gusto mo, " pag patuloy niya.

"Baka gustong-gusto ka niyang yakapin noon, Makasama, pero dahil naniwala ka agad sa kong anong nakita mo, nawalan siya ng lakas ng loob na ipaglaban ka.

Kung ganun, duwag siya!"
Napasigaw pa ako sa
Pagkasabi ko noon.

Kung duwag siya, siguro mas duwag ka, Maris stella!
Kung hindi mo lang siguro pinairal ang pride mo at tinanggap mo
kung ano ang nararamdaman mo, baka matagal na kayong masaya.

Tumingin sa akin si Iñigo.
Doon ko napagtanto na namamasa na pala ang mga mata niya.

Pweding pinaghandaan niya ang araw na iyon para sa iyo.
Nirentaha niya mismo ang eskwelahan para lang makapag tapat na sayo.

Nag tutor siya para lang may maipangbili ng balloons, cake at flower dahil ayaw niyang humingi sa daddy niya.

Maaring ang saya niya noong nakasama ka niya sa stage.
Kahit alam niyang dapat ay kabahan siya dahil yon din ang araw na sasabihin niya sayo ang tatlong words sayo.

Baka kaya siya nagpaalam sayo noon ay dahil dipa dumadating ang cake at kinakabahan siyang di maging perfect ang araw na iyon.

Baka kaya mo nakita ang isang babae doon na kasama niya ay dahil bigla na lang itong lumapit sa kanya at umiiyak.
At kahit gusto niya itong paalisin doon, e wala din siyang nagawa kundi patahanin ang babae.
Baka iyon ang nakita mo.

Baka kaya siya pumayag na magpakasal sa wedding both noon ay dahil akala niya nakabalik kana galing sa seminar at taga photography club ang nag blindfold sa kanya papunta sa altar.
baka akala niya ikaw ang hinahalikan niya.

Baka gustong-gusto niya magpaliwanga sayo, pero nagsara ka kaagad ng pinto sa kanya.
At sinabihan mong hindi mo siya kailangan.
Baka nasaktan siya ng sobra, lalo pa at ikaw.....
Ang pinaka-kailangan niya....

Pareho na kaming umiiyak ni Iñigo.
Alam kung sarili niya ang tinutukoy niya.

Pwede ko naman sabihing nagkakamali siya.
Na ibang lalaki ang tinutukoy ko.
Pero hindi nagsisinungaling ang mga mata ko.

Kusang tumulo ang mga luha ko sa mata sa mga narinig mula sa kanya.

K-kung kailangan talaga niya ako, kahit ano pang sabihin ko, kahit ipagtabuyan ko pa siya ng husto.
Hindi siya susuko.
Giit ko.

Paanong hindi siya susuko kung alam niyang isinuko mo na siya?
Ngumiti siya ng mapait.
"He Love's you so much,
Maris stella!.
Mahal na mahal kita.

Nagulat ako ng biglang maghiyawan ang mga tao sa restaurant.
Biglang tumayo ang estudyating problemado sa lovelife niya.
" magtatapat na ako sa kanya. Hindi na ako magiging duwag!" Malakas na sabi nito.

Muling naghiyawan ang mga tao samantalang naka tulala lang kaming dalawa ni Iñigo.

Tahimik kaming lumisan sa lugar..
Hysssst this is awkward,
bulong ko sa isip nang tahimik na lang kaming naglalakad ni Iñigo pabalik sa hotel na tinutuloyan namin.
Paano nga ba kami magsisimula na mag-usap mula sa diskusyon namin kanina na napanood ng napaka raming tao?.

"So....." Simula ni Iñigo

"Y-yes?

" Um... Siguro narinig mo naman na iyong sinabi ko sayo kanina. Aniya na naka tingin sa ibang dereksyon.

Sa dami ng makahabag-damdaming sinabi niya alin ba dun ang tinutukoy niya?.

He said....

He.......

He said he love me...

He did????

He actually did!

Tsaka lang nag sink-in sa isip ko ang sinabi ni Iñigo kasi hindi ko gaano narinig iyon dahil sa hiyawan ng mga tao...

Totoo kaya iyong sinabi niya? Tanong ng isip ko...

Itutuloy...


Yan po muna.
Hahaha... Kaya sa mga may
Lihim na minamahal jan. Wag nang magpaka duwag. Magtapat na kayo. 😂😂

Dapat po talaga na simulan niyong basahin ang kwento nila para maintindiha niyo ang bawat chapter. 😊

Medyo tahimik ang marnigo ngayon pero okay lang
Kasi madami namang aabangan
Sa kanila.
So marnigo kapit lang
Ang bumitaw aanurin ng baha. 😂😂
Anyway don't forget to click the ⭐ and wright a comments if nagustuhan niyo ang chap ngayo .
Thanks and hope you enjoy reading.

You Change My Heart 💙Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon