YCMH 18

241 16 1
                                    

Iñigo PoV

Naiinis na inihagis ko ang susi ng kotse ko sa kung saan-saan pagkapasok ko sa condo unit ko at agad tumungo sa refrigerator ko at kumuha ng mineral water.

Nang mahimasmasan ako, muli na namang uminit ang mga mata ko.

"Hrr! I hate you, Dad! I hate you!" sigaw ko at inihagis ang mineral water sa pader.
Hapong-hapo ako na humiga sa sofa.

Kagagaling ko lang sa opisina ng dad ko. Kahit ayaw ko talaga pumunta doon ay pumunta parin ako dahil sabi niya maymahalaga daw siyang sasabihin sakin.

Akala ko ibibigay na niya ang mana ko, tiniis ko ang galit at sinunod ang gusto niya na pumunta ako sa opisina niya.
Pero mas lalo pa akong naiinis sa sinabi niya.

Tatanggalan niya ako ng mana. Dahil daw hindi ako tumotulong sa kompanya niya.

Kahit kailan di ko gusto ang maging isang businessman. At kahit kailan di ko hinanggad na maging parte ng kompanya niya.

Okay lang naman sakin na mawala ang mana. Nakaya ko nga sarili ko mula ng mawala si Mommy walong taon na ang nakararaan.

Pero ang manang matagal ko ng hinihintay ay galing pa sa lolo ko napaka laking halaga noon.

Ang bilin ng lolo ko ay ibigay yon sakin kapag nasa hustong edad na ako.

Kung hindi ko lang pangarap na makapagpatayo ng sariling Gallery, hindi ko kailanman nanaisin ang mana.

Pero ngayong tinanggal na sakin ang karapatang makuha yon, mukhang mawawala na nang tuloyan ang pangarap kung iyon.

Twelve years....twelve years kong inasam na mabuo yon.

Tahimik akong umiiyak ng biglang tumunog ang telepono. At dahil wala akong gana na makipag-usap sa kahit na sino ay hinayaan ko na ang answering machine ang sumagot.

"Please check your e-mail, Mister Pascual. Thank you," sabi ng caller.

Nagtataka man at wala sa sarili, mabagal kung sinunod ang sinabi ng tumawag. I opened my e-mail and found a message from an unknown sender.

Nang mabasa ko ang nilalaman noon ay agad akong nabuhayan ng loob. Dali-dali kong hinanap ang inihagis ko na susi kanina at mabilis akong lumabas sa condo unit ko.

This could be it, may pag-asang bulong ko sa isip ko.

Maris PoV

Pilit kung kinakalma ang sarili. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito samantalang hindi naman ito ang unang pagkakataon na nakipag-date ako.

Ma'am Maris, steady ka nga lang! Nahihilo ako sayo," saway ni Loisa sakin nang makita niya akong palakad-lakad sa opisina ko.

Bumuntong-hininga ako at umupo. "Anong sabi ng lalaki? Is he going to fetch me here? Or are we just gonna meet there at the resturant?"

"Well, what do you want? You're the boss."
Balik tanong ni Loisa sa akin.

"Right. Ako nga pala ang maglalabas ng one million."
Bumuntong-hininga ulit ako. "Anyway, just tell him to meet me there. Eight PM sharp."

"Hindi mo man lang ba hihingin ang portfolio niya o alamin man lang ang pangalan?"
Tanong ulit ni loisa.

Umiling ako. "Hindi. Ayokong ngayon pa lang ay may mahanap nakong hindi ka aya-aya sa kanya.
Sagot ko naman.

Tumango naman si loisa. "well, it's only five PM why don't we go to salon and get your hair done? Maghanap na din tayo ng dress mo!"
Pag-aya niya sakin.

"Isn't this enought?" tanong ko kay loisa
Naka office attire ako. Sleeveless blouse, topped with a beige blazer, cream pencil-cut skirt at stilettos.

"Well.... "tiningnan ako ni Loisa mula ulo hanggang paa. "You're Attire's good enough...for a business meeting. Ma'am Maris, date ang pupuntahan mo."

"But this date is business-related!"
Dahilan ko.

Huminga ng malalim si Loisa. "Please, Ma'am Maris, listen to me. Hindinmo naman babagohin ang pagkatao mo rito. Magbibihis ka lang."

Wala nakong nagawa kundi pumayag. Hindi ko magawang hindian si Loisa dahil siya ang nagpakahirap para hanapan ako ng ide-date.

Pagkalipas ng dalawa at kalahating oras ay nasa tapat na kami ng restaurant kung saan ko ime-meet ang date ko at ang suot ko naman ay pink dress at White heels

Yung photo po sa taas kunyari ang suot niya. 😂

"Ma'am Maris, Ang ganda mo!" papuri ni loisa sakin. "kaso parang ang aga mo naman ata? Baka ma bura ang ganda mo niyan!"

"Kilala mo ako Loisa. O always come to meetings thirty minutes early."

"Pero hindi naman ito meeting." bumontong hininga siya. "Gusto mo samahan na muna kita habang nag-iintay sa ka date mo Ma'am Maris?"

"No, loisa, go home and rest. I can handle myself."

Nangmakaupo nako sa table na naka-reserve para sa amin ng ka-date ko, hindi ko mapigilang kabahan. Hindi ko maunawaan ang sarili ko.

Parang may hindi magandang mangyayari na nagbabadya.

"Oh, you're too early! It's only a quarter to eight!
Hope I didn't keep you waiting."

Agad akong napatayo pagkarinig ng boses na yon mula sa aking likuran. Nakaka-siguro ako na siya ang ka-date ko.

"It's okay. Actually you're early, too...." kulang ang salitang gulat para i-describe ang reaksiyon ko nang mapagtanto ko kung sino ang lalaking ka-date ko.

"Hello, Maris stella," bati niya na hinalikan pa ang mga kamay ko. "God, you're still sinfully beautiful."

It was none other than Iñigo😮


Ayan na naman si Iñigo
Ano kaya gagawin ni Maris?
Itutuloy niya pa kaya ang date nila ni Iñigo?? Ammmm

Muling ibalik ang nakaraan na kaya?
Kilig din ako huh.
Pls guys vote and comment if na gustohan niyo ang chap na ito.
Thank you. And keep reading.😊😊😊





You Change My Heart 💙Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon