YCMH 13

337 13 1
                                    

Highschool Day's
Flashback

Maris PoV

Hindi ko na alam kung naka ilang buntong-hininga na ako sa araw nato.
Nasa baguio kami ng buong photography club para mag-cover ng palarong pambansa na kailangan para sa sasalihan naming competition.

Dapat ay masaya ako pero hindi ko man lang magawang ngumiti.

Kasalanan to ng bagong recruit ng photography club eh,"

Hindi ko nga alam kung paano siya nakasama gayong baguhan pa lang naman siya.

Kailangan ko tuloy na tiisin at huwag gumanti sa bawat pambubuwisit niya sa akin, dahil bilang presidente ng organisasyon ay dapat na responsible ako.

"Maris stella!"

Speaking of the devil. "hindi ba't sinabi ko sayo na doon ka mag-cover sa game ng chess?" naiiritang bungad ko sa kanya.

Hindi ko alam kung anong nakukuha nito sa pag sunod-sunod sakin.

"At pwede ba? Huwag mo nga akong sundan!" may ginagawa ako!"

Sumimangot siya. "pwede ba?" hindi kita sinusundan tapos na ang game ng chess at napa print ko na rin yong mga kuha ko.

Ang sabi ni Miss Gomez, ipa-consult ko daw yong pictures sayo kaya ako nandito," sagot niya na dinugtungan pa ng bulong
"feeling naman masyado."

Kahit narinig ko naman
"Ano'ng sabi mo?"

"wala!" malakas niyang sagot.

Parang natunaw ata lahat ng luga ko sa tainga.
Inabot niya sa akin ang envelope na naglalaman ng mga kuha niya.

"O, ' ayan. Aalis nako."
Paalam niya

Totoo nga ang sinabi niya. Iniwan na talaga ako nito.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong na guilty.

Nawala tuloy ang concentration ko sa pagkuha ng mga naglalaro ng Sepak Takraw.

Tiningnan ko ang mga kuha niya.
Hindi ko mapigilang mamangha sa bilis ng pagkatuto ni Iñigo.

Kahit may-pagkamakulit ito, mabilis niyang nakuha ang mga itinuro ko.

Ayaw ko man aminin, nalagpasan pa nga niya ang mga itinuro ko.

Kitang-kita sa mga kuha niya ang mga emosyon ng mga manlalaro.

May mga ngiting tagumpay, may tagong ngiti, at ngiting nababagot.

Sa sobrang pagka-absorbed sa mga litrato, hindi ko namalayang na tapos na pala ang larong kina-cover ko kanina.

Napamura ako at dali-daling kumuha ng ilang magandang gawing subject.

"Hi! Kanina pa kita napapansin. Tagasaang school ka?"

Nakakunot ang noo kong bumaling sa nagsasalita.

You Change My Heart 💙Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon