YCMH 16

292 17 3
                                    


Highschool Day's

Flashback

Maris PoV

Halo-halo ang nararamdaman ko ngayong araw nato. Bukod sa birthday ko ay, araw din ng prom namin.

Kakanta kami ni Iñigo sa entablado at hindi ko maiwasang ma-excite dahil sa iisang dahilan.

I can do this. Magtatapat na ako kay Iñigo, sa loob-loob ko

I've fallen for the bastard, all right. But i didn't care.
Hindi ko alam kung tatanggapin niya ba o makakakuha ako ng sagot mula sa kanya, pero susubokan ko pa rin.

Para saan pa at ako ang naging ''ogre'' ng Starmagic Academy kung duwag naman ako.

"Are you ready, birthday girl?"

Wala sa sarili kong nilingon ang lalaking itinitibok ng aking puso. Napakaguwapo ni Iñigo sa suot niya tuxedo. Para talaga siyang prinsipe na nabuhay mula sa isang fairy tale book.

Ngumiti siya. " Natulala ka na jan. Ready ka na ba? Tanong niya ulit sakin.

Sa pagtatapat ng damdamin ko sayo? Kanina pa. Bulong nang isip ko.
"Yes, absolutely."

Nang umakyat na kami ni Iñigo sa stage ay nakita ko na nagsitigil ang mga ka miyembro namin sa pagkuha ng mga pictures at nagsibalikan sa kani-kanilang upuan. Napangiti ako sa suporta ng mga ito sa aming dalwa ni Iñigo.

My boo ang kinanta namin by Usher,Alicia keys
Hindi ko mapigilang ngumiti pagkatapos namin kumanta. Kinikilig ako na kinakabahan na hindi ko maintindihan.

Nang bumaba na kami ni Iñigo sa stage ay hinarap ko siya. "Iñigo, I have to tell you some----"

"Uhm, Maris, puwedeng mamaya na lang muna?
M-may pupuntahan lang ako saglit. Babalikan kita, promise."
Pagpaalam niya.

Nadismaya naman ako dahil matatagalan ang pagtatapat ko. Pero mahihintay ko pa naman eh, kinuha ko ang camera ko. Bawat sulok na yata ng Academy ay kinuhanan ko ng litrato.

Ilang minuto na ay hindi parin bumabalik si Iñigo kaya napag-pasyahan ko na magbanyo muna.

"Sina Niggy at Sofia na pala?"

Awtomatikong tumaas ang radar ko ng marinig ang sinabi ng isa sa dalawang babae na pumasok sa cr.

Sa katunayan ay tapos nako gumamit ng banyo pero nagpasya ako na manatili muna rito para makinig.

"Oo nga, eh. Ang suwerte nga ni Sofia. Guwapo na matalino at mayaman pa ang naging boyfriend niya."

" eh, paano si 'ogre' diba, nababalitang pinopormahan yon ni Niggy?"

You Change My Heart 💙Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon