YCMH 30

305 17 3
                                    


Kamusta guys? Happy new year sa lahat.
Medyo na tagalan ud ko ngayon. Tintatamad ako nitong mga nakaraang araw eh. 😂😂
Pero heto na ulit me 😊 sana magustuhan niyo chapter na to. 😀😀
Enjoy reading guys.

Maris PoV

"Ituloy natin yong kagabi. Yong hindi natin na tapos. Matipid na ngiting pag-ulit ni Iñigo naging kakaiba din ang kislap ng kanyang mga mata.

Ibig ba niyang sabihin ay ang dapat sanang paghalik niya sa akin kung hindi lang ako naduwag at nagtalukbong ng kumot?

looks like Iñigo becoming wild for making me fall in love to him? Paano kung malaman niya na mahal ko na talaga siya at nag-e-enjoy ako sa ginagawa niya?

A-anong... Ano'ng hindi natin n-atapos?

Tumawa siya. Yong celebration natin kahapon. Sa sobrang pagod natin, hindi na natin na celebrate ang
pangunahing dahilan kung bakit tayo nandito.

Hindi ko mapaliwanag kung bakit parang nanghihinayang ako sa sinagot ni Iñigo.
Nandoon na eh. Nawala pa. Tanga mo kasi maris! Pinalagpas mo pa yong kagabi! Pagsisi ng isip ko

Sure! Why not? Sabi ko na pinasigla ang boses.

why are you so upset? Nagtatakang tanong niya.

Huh?! Anong upset? Nagtatalon ako at nagsusuntok sa hangin. Ang saya ko nga eh, o! Whooooo!
Ang saya-saya diba?

Agad akong tumakbo palayo sa kanya na parang bata.
Mahirap na, baka matukso pa ako at masabi ko sa kanya ang totoong iniisip at nilalaman ng puso ko.

Nang magutom na kami ay nagpasya kami na kumain na sa isang restaurant.

Kaya dito namin napag pasyahan na kumain e dahil favorite ko ang strawberry. Special dishes ang strawberry sa restaurant na ito kaya nagustuhan ko agad.

Di naman na siya umangal pa sa gusto ko. Noong maka upo na kami ay nagpa linga-linga ako.
Halatang patok ang restaurant na ito.


because there are many patrons and most are teenagers.
At sa sobrang dami ay Rinig na rinig ko na ang pinag-uusapan ng mga estudyante sa aming likuran.

Student 1
Naku, aminin mo na kasi, best. Wala namang mawawala kung magtatapat kana.

Student 2
Madali lang sabihin para sayo kasi hindi mo pa nararamdaman to. Hindi kapa na in-love.

Student 1
Aba! Idinamay pa ako sa katangahan niya.
Hindi ko kailangan ma in-love para malaman kung ano ang tama kung gawin!.

Student 2
Nakakahiya kaya. Babae ako, tapos ako magtatapat?.

Student 1
Gaga ano ka si Kathryn bernardo? Bahala ka, pagsisihan mo din yan sa huli.

Student 2
Magsisisi agad?
Paano kung hindi naman kami pareho ng nararamdaman?
Mas magsisisi ako noon.

Student 1
At least, sinubukan mo.
Wala kang regrets kapag gorang at kupas na ang beauty mo!
Masasabi mo sa sarili mo na naging matapang ka minsan sa buhay mo.

Hindi ko mapigilang mapailing-iling sa usapan ng mga babaing nasa likuran namin.
Hindi dahil sa mga bata pa sila ay iyon na ang pinag-uusapan.
Kundi dahil naka-relate ako sa kanila.

Minsan na din akong naging problemado gaya nila dahil sa pag-ibig dati.

Tumawa si Iñigo ng makita niya ata akong umiling-iling.
"Kids". Sabi niya.

"Y-yeah... Kids"
Pag-ulit ko naman.

Bumuntong hininga siya. Hindi mo pa siguro pinroblema ang problema nila ano?

H-huh? Inosenting Tanong ko

Ang ma-in love. Kasi hindi mo naman ako kakailanganin kung na-in love ka na. Diba?

Bakit ko nga ba kinailangan ng magpapaibig sa akin gayong alam ko sa sarili na nagmamahal na ako?
Kung magpapakatotoo ako, aaminin kong ginagawa ko rin naman ito para sa sarili ko.
Para muling mag-mahal at makalimot sa unang pag-ibig ko.
Pero kung ganoon, bakit pa ako pumayag na si Iñigo ang magpapaibig sa akin?

Oo na! Umaasa parin ako! Umaasa parin ako na mapansin niya ako sa paraang gusto ko. Yong kahit walang isang milyong piso. Papahalagahan niya ako pag-amin ko sa sarili. Kung ano ang ikinatalino ko ganoon naman ang ikinatanga pagdating sa pag-ibig.

You're wrong. Na in-love na rin ako.

You have? Tanong ni Iñigo.

Nanlaki ang mga mata ko nang ma realize kong nabigkas ko pala ang nasa isip ko.

I-I mean....

With whom? When? How? Sunod-sunod na tanong ni Iñigo.

Hindi ako tumingin sa kanya. Siguro mas maiging wag na lang natin pag-usapan pa.

Bakit? Ano bang ginawa niya?

You mean, anong ginawa mo?
Tanong ng isip ko.

Ngumiti ako ng mapait. Malinaw na malinaw sa aking isip ang nangyaring iyon.

"Just when I was about to fall, he wasn't there to catch me...

Hanggang dito na muna po.
Bakit parang gusto malaman ni Iñigo kung sino ang tinutukoy ni Maris. Alam niya kayang siya iyon.
Ano kayang mangyayari sa usapang iyon nila.
Abangannnnn. 😊😊😊

Hope you like it guys.
Vomet na lang 😊😉
Again Happy new year
Hope you enjoy it.

You Change My Heart 💙Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon