YCMH 10

290 10 0
                                    

Flashback highschool days

Maris PoV

"GUYS, this is it.
Tandaan niyong manonood sa atin si Mister principal kaya hindi dapat tayo magkamali.
I believe in all of you," madamdaming sabi ni Miss lim sa buong klase namin.

Ito na ang araw ng play namin at lahat kami ay kabado sa magiging resulta nito.

Confindent naman ako na hindi ako magkakamali dahil walang bagay na hindi ko kina-career.

Kahit apat na linya lang ang sasabihin ko sa dula, pinag-igihan ko parin ang pag-eensayo.

"Good morning, everyone! Sorry I'm late. Nag beauty rest pa kasi ako. Kompleto na ba tayong lahat?" bungad ni Sofia sa aming lahat.
Ni hindi man lang nahiya na late siyang dumating.

Alam ko na judgemental ako pero kung si Sofia lang din naman ang pag-uusapan, hindi ako basta-basta lang nanghuhusga, sa katunayan ay nagsasabi lang ako ng totoo.

Diskumpiyado siyang magampanan nang maayos ang role na Prinsesa. Sa ilang beses na pag i-insayo namin, anim lamang yata sa dalawampu't siyam na linya niya ang kaya niyang sabihin.

Mas kabisado ko pa nga ang mga linya kaysa sa kanya.

Mahusay naman itong umarte pero napakapurol ng memorya nito.

Tuwing makakalimotan niya ang linya niya nagkukunwari na lang siyang umiiyak.
Hindi naman lahat ng linya niya ay madrama.

Kaya siya ang dahilan ng kaba ko ngayon ayaw kung mapahiya ang klase namin dahil sa kanya.
Gusto ko man itong palitan ng iba, ayaw naman ni Miss lim dahil kulang na kami sa oras.

Nanalangin na lang ako na sana ang makalimutang linya nito ay ang parte na kailangan niyang umiyak.

"No! No!"

Napasugod lahat ng English 4 class sa dressing room ng mga babae dahil sa tili ni Sofia.

Natigilan tuloy ako sa paglalagay ng uling sa mukha ko.

Napasugod din si Miss lim. "Sofia, what's wrong?"

"sinong gumawa nito sa kimono ko na halos mapatid na ni Sofia ang table niya sa lakas ng tanong niya sa amin.
"who?"

inatake na ng topak si Sofia, ngunit nanatiling kalamado si Miss lim. "why, sofia? What happened to Your kimono?"

"Nasunog ng plantsa!" tili ulit ni Sofia

Dinig kong
Nagtawanan naman ang mga kaklase ko alam kung maging ang mga ito ay inis din kay Sofia dahil sa ugali niyang maarte.

naiinis din ako sa kanya, pero hindi ko magawang matawa sa nangyari sa kimono niya.

Dahil ibig sabihin nito ay nagbabadya ng masamang pangyayari.
Hindi maaaring wala maisuot na kimono ang princess.

"Sino?" Sumagot kayo! Sino?"
Pagta-tantrum ni Sofia.

Malalaki ang habang nito na lumapit sa akin at pinalisikan pa ako ng mata.

You Change My Heart 💙Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon