YCMH 26

272 15 0
                                    

Maris Pov

"Surprise!" Awtomatikong kumunot ang noo ko nang iluwa ng pinto ang ngiting-ngiti na sa Iñigo.

Hindi ko alam kung talagang wala itong magawa at ako ang laging binubuwisit o seryoso lang talaga siya na mapaibig ako.

Araw-araw kasi siya kung magpakita sa akin.

Aaminin ko na hindi minsan sumagi sa isip ko na may posibilidad na masanay ako sa presensiya niya.

Pero yun naman talaga ang gusto ko diba? Ang masanay sa presensiya niya at hanap-hanapin siya ng aking puso?

"Ano na naman ang ginagawa mo dito?" pagtataray ko.

Sumimangot naman siya. " Sa isang buwan na relasyon natin, yan at yan na lang ang bungad mo sa akin.
Hindi ba talaga pwede dalawin ng boyfriend ang girlfriend niya?"

Araw-araw?" ganting tanong ko sa kanya na hindi ko tinitingnan.
Seryoso akong nag pipindot sa aking loptop.
"Marami kang puwedeng gawin kaysa sa pag-pupunta dito."

I was right. You forgot."
Malamya na boses niyang tugon.

Nilingon ko naman siya. "what? Weeksary na naman?"

"wala. Sige, tuloy mo lang yang ginagawa mo. Hihintayin na lang kita dito," nakangusong sabi niya, sabay upo sa sofa.

Hindi ko naman maisip kung ano ang tinutukoy niya na nakalimutan ko. Imposible namang kaarawan niya dahil alam kung pitong buwan pa bago ang araw na yon.

Siguro wala na kami kapag nangyari iyon...

Dahil hindi ko talaga maisip kung ano ang tinutukoy ni Iñigo, pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko.

Sa sobrang pagka-absorded ko sa trabaho ay nakalimutan ko na nandito pala si Iñigo at hinihintay ako.

Alas-tres na ng hapon.
Dalawang oras na siyang naghihintay sa akin!

Agad ko siyang sinilip.
Napangiti ako ng makitang tulog na tulog siya.

Lumapit ako sa kanya.
"Iñigo..." tawag ko sa kanya, saka siya tinapik-tapik sa pisngi.

Kung noon ay mukha siyang kerubin, ngayon ay mukha na siyang anghel.
" Iñigo, wake up."

Bahagya siyang dumilat.
"Mom...?"

"Huh? Iñigo, I'm not your mom----" natigilan ako nang bigla niya akong hilahin pahiga at niyakap.

Nang tingnan ko siya, nakita kong umiiyak ito.

"Mom, I've missed you so much. Please come back.."

Wala sa loob ko na hinaplos ang pisngi niya. " It's okay, Iñigo. It's okay."

"No, it's not." umiling-iling siya. "Please come back. I need you."

"Iñigo---"
Tawag ko sa kanya ng mahina.

"I love you.."

Nanigas ako nang marinig yon mula kay Iñigo.

Kahit alam ko na hindi para sa akin ang mga salitang iyon, natameme pa rin ako.

Iba ang epekto ng tatlong salitang iyon sa akin kapag galing sa kanya.

Nang silipin ko ang mukha niya ay payapa na ulit itong natulog.

Naroon parin ang bakas ng mga luha sa pisngi niya.

"I love you, too, Iñigo."
Maski ako ay nagulat sa nasabi ko.


Yan na po muna. Ilang chap na lang guys matatapos na ito. Sana po supportahan niyo pa din ito. At ang isang story ko po, The Princess marnigo din po iyon.

Pa com and vote na lng guys. 😊
Sana po nagustuhan niyo chap na ito.

You Change My Heart 💙Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon