YCMH 27

236 15 5
                                    

Maris PoV

Natapik ko ang bibig ko at dali-daling bumalik sa table ko. I loved Iñigo? Matagal kona siyang mahal? Iyon ang mga katanungan at realisasyon na sumampal sa akin.

Ibig sabihin, nagtagumapay si Iñigo sa misyon niya? Ibig sabihin, tapos na ang usapan niyo?Tanong ng isang bahagi ng isip ko.

Bigla akong nalungkot. Ngayong inamin kona sa sarili ko na mahal ko talaga si Iñigo, paano ko ngayon iyon sasabihin sa kanya? At paano ko tatanggapin kapag nawala na siya sa buhay ko? Mga tanong ko sa sarili ko.

Pero hindi naman siya mawawala hangga't Hindi niya alam na napaibig ka na niya, hindi ba? Sabat ulit ng kabilang isip ko.

Natigilan ako sa naisip ko. Hangga't hindi pa alam ni Iñigo na mahal ko na siya, patuloy lang siya na mananatili sa tabi ko. Alam kung kasakiman iyon at wala sa napag-usapan namin pero gusto kong hayaan ang sarili ko na maging masaya kahit sandali lang.

Hindi nga ba at iyon naman talaga ang ipinayo ni Miss Charo sa akin? Ang maging masaya?

Ayaw ko nang pagurin pa ang sarili ko sa pag-iisip kaya isinubsob ko na lang ang sarili sa trabaho. Susundin ko na lang ang sinasabi ng puso ko.

Maya-maya pa ay nagulat naman ako ng biglang magsalita si Iñigo.

At dahil doon ay pinag dasal ko na sana di na muna siya nagising.
Mukhang may lakad kasi siya.
Ibig sabihin iiwanan na niya ako.

Baka may lakad ka, umalis kana kaya." Pag tataray ko. Pero sa loob-loob ko
Huwag ka umalis, please.

Inigo PoV

"Shit! Bulalas ko. Napa bangon ako agad sa sofa at tumayo.
Anong oras na?"
Wala sa sariling tanong ko.

Napabaling ako agad kay Maris sa table niya na halatang nagulat sakin.

"Five PM? Maris stella bakit hindi mo ako ginising?" Inis na tanong ko sa kanya.

"Ginising kita kanina, " sagot niya na biglang nagpapula sa mga pisngi niya. "P-pero sadyang tulog mantika ka."

Ngumoso ako at umupo. "Tapos ka na ba jan sa ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya.

Tumango siya. "Medyo. Baka may lakad ka, umalis kana kaya."
Nagtataray na naman to, bulong ng kabilang isip ko.

Lumapit ako sa kanya at ibinaba ko ang LID ng kanyang laptop na ikinagulat naman niya.

Binuhat ko iyon sa isang kamay at hinila naman ng isang kamay ko ang kamay niya.

She's blushing now. Haha

"S-sandali! Saan mo ako dadalhin?' Pagpupumiglas niya.

Hindi ko siya nilingon. "Mamaya mo na tapusin tong trabaho mo. May kailangan tayong puntahan."
Tumigil naman siya sa pagpipiglas at nagpatianod sa paghila ko sa kanya.

Pinilit ko siya na yung kotse ko na lang ang gagamitin namin. Sayang ang gasolina ng sasakyan ko eh, "
Mabuti naman at hindi na rin siya kumuntra pa.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong niya habang nagmaneho ako. We are now crossing the stretch of NLEX.

"Naalala mo na ba kung ano'ng meron ngayong araw na to?" Tanong ko sa kanya.

Nagkamot siya ng ulo at halatang pinipilit niyang alalahanin kung ano nga iyong tinutukoy ko. "H-hindi pa rin."

"Eh, di mamaya mo na din alamin kung saan tayo pupunta pag naalala muna at malayo-layo pa ang lalakbayin natin."

Nakatulog si maris sa gitna ng byahe namin at dahil sa paliko-likong daan na ang tinatahak namin ay nagising siya. Medyo madilim na din.

Pagkamulat niya ay nagpalinga-linga siya sa paligid at bakas sa mukha niya ang pagtataka

"BAGUIO?" gulat na tanong niya sakin. "Pupunta tayong baguio?"

"Hindi pupunta tayong langit, " nakangising sagot ko sa kanya.
"Alam mo naman pala, nagtatanong kapa. Dapat nga kanina pa tayo nandoon eh."

'Hindi pa ako nakapagpaalam kay Mommy! "
"Don't worry, pinagpaalam na kita kay Tita leony."
Aba't ipinamimigay na talaga niya ako e nho? At nag cross arms pa siya.

Natawa na lang ako dahil sa sinabi noya.

Tumahimik naman na siya hanggang sa makarating kami sa hotel.

"One executive room, please, " sabi ko sa hotel receptionist.

Pinanlakihan naman ako ng mata nitong katabi ko. "What do you mean 'one'?"

"One executive room." Tiningnan ko siya nang nakakatawa. "Ano naman? It's not as if gagapangin kita, no."

Natawa naman ang receptionist. Kaya't umuosok na ang ilong ni Maris ngayon. "Bakit kaba nagtitipid? Marami akong pera, maghihiwalay tayo ng room."

"Wala nang available rooms, " sabi ko at binalingan ang receptionist. "Di ba, Miss?"

Nagpalipat-lipat pa ang tingin ng receptionist sa aming dalawa bago sumagot. "W-wala na po, Ma'am. Sorry."

"Eh, di lumipat tayo ng hotel."

"Ano ba, Maris stella? Pagod na ako sa pagmamaneho, gusto ko nang matulog! Kung gusto mo na maghiwalay tayo ng kwarto, bukas na. Magpahinga muna tayo."

Wala na rin siyang nagawa kundi sumimangot at nauna na sakin papunta sa elevators. Noong ibinigay na sa amin ang room number at key card. Pasimple ko namang nilingon ang receptionist habang sinusundan si maris at nag thank you.

Buti na lang na gets niya agad yung tingin ko sa kanya at sinabi niya na wala na ngang available na room.

Ano kaya yung tinutukoy ni Iñigo na okasyon sa araw na iyon na hindi maala-alala ni Maris.
Kakaiba din to si Iñigo e. Haha
Pati receptionist kinunchaba.
Ano kaya mangyayari sa kanila sa iisang kwarto😅🤔🙈🙊
Abangan

Pa com and like na lang kung nagustoan niyo po ang chap ngayon.
Godbless all.
Thank you for reading

You Change My Heart 💙Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon