YCMH 29

300 12 4
                                    

Maris PoV

Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ang mga sinabi niya na pangyayari. First year pa lang ako noon at bagong myembro pa lang ng photography club.

Ang assignment namin noon ay kunan ng litrato ang pinaka magandang tanawin sa loob ng academy.

Doon nga ako noon sa likod ng school kumuha ng litrato habang nakaupo sa paborito kung puno.

Y-you.. You were that guy? ikaw ang taong iyon na naniniktik sa akin? Manghang sambit ko sa kanya.

Sumimangot naman siya, "I've already told you that I wasn't spying on you. Hinahabol ako ng fourth year na malaking babae na may crush sa akin.
Kaya napaakyat ako sa puno ng wala sa oras."

Natawa ako. Naalala ko kung paano kami unang nagkita ni Iñigo.
Nahulog siya sa puno malapit sa kinauupuan ko.

Noong makita ko siya ay nginitian niya lang ako. Doon ko siya inakusahan ng pang-eespiya.

Itinanggi niya nga iyon eh, pero hindi ako naniwala.
Hindi ko naman kasi alam na may nagka-crush pala sa kanyang Fourth year na dambuhala.

"O, ano? Naalala mo na? Sigurado akong yong pagkahulog ko sa puno ang naalala mo kaya tawa ka ng tawa jan, " nakasimangot na sabi ni Iñigo.

Hindi ko na tuloy mapigilan ang pagtawa. "Naalala ko kasi yong lakad mo nong umalis ka. Iika-ika ka!"

Ang sama mo! Nasaktan na nga yong tao, tinatawanan mo pa!"

Nagpatuloy lang ako sa pagtawa. Mayamaya pa ay nakitawa na din si Iñigo. Hindi ako makapaniwala na naalala niya pa ang araw na iyon.

"I can't believe you can still remember that day, " sabi ko.

"How can I forget? Iyon ang araw na una kitang makilala."

Nang akmang bababa ang mukha niya sa mukha ko ay agad akong humiga at nagtalukbong ng kumot.
Inaantok nako. Goodnight. "

Hindi naman na nagsalita si Iñigo. Pinatay na niya ang ilaw at naramdaman ko na lang ang paghiga niya sa aking tabi gaya ng napag-usapan namin.

Kinurot ko ang sarili ko. Ang tanga-tanga ko. Hindi ba at ang sabi ko ay hahayaan kong sundin ng sarili ang sinasabi ng puso ko?


Iñigo PoV

Ang ganda ng view!" Tuwang-tuwa na sabi ni Maris nang makaakyat na kami sa isang lugar kung saan ay matatanaw mo ang kabuuan ng burnham park.

Hindi namin gaanong na-enjoy ang Baguio noong pumunta kami dito noon dahil abala kami sa pag-cover ng palarong pambansa.

Ngayon ay malaya na kaming kumukuha ng mga litrato na walang inaalalang dedline o kung ano pa man.

Ngumiti ako sa kanya habang hawak-hawak ko ang sarili kong DSLR camera. "Kuhanan nating pareho itong view na 'to, tapos pagandahan tayo. At syempre. May parusa ang matatalo."

Sus, ang dami mong satsat!" Aniya

Ngumisi ako. Natatakot ka sigurong matalo kita, ano?"

Of course not!"

So, game?"

Hindi nga siya umatras sa hamon ko at sinimulan na niya ang pagkuha ng litrato at pinaalis ko naman siya sa puwesto niya para ako naman ang kukuha.

Pagkatapos ay nagpalit kami ng camera.

Tumawa ako."Ano ito? Hindi naman to alinsunod sa rule of thirds, eh. Baka rule of fifths pwede pa."

Sumimangot naman siya. Nangtingnan niya ang kuha niya napangiwi siya. Tama ka nga, wala sa sukat ang kuha ko.

Wala naman akong maipintas sa kuha mo. Sabi niya.

Panalo ako, ano?" Pang-aasar ko sa kanya habang itinataas baba ang kilay ko.

She smirked. " madaya ka, sanay ka na sa camera mo. Naninibago pa ako sa akin."

Tumatawa ako na sinisiko-siko siya. " wala, talo ka na talaga. Ibig sabihin, may parusa ka mula sa akin."

Ano namang parusa iyan!"
Tanong niya.

Napa-ayos naman ako sa kinatatayuan ko.
"Ituloy natin yong kagabi."

"W-what?"
Utal na tanong niya.

Ituloy natin yong kagabi. 'yong hindi natin natapos, " matipid ang ngiting pag-ulit ko.

grabe si Iñigo oh..
Kasi naman si Maris e, haha
Matutuloy kaya ang hindi nila na tuloy? 😂
Ano ba kasi yong hindi na tuloy?
Alam niyo ba guys?
Comment your answer.

Thanks for reading.
Godbless all. 😇

You Change My Heart 💙Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon