YCMH 21

316 18 4
                                    

Maris PoV

Kawalong araw na namin na magkasintahan ni Iñigo. Hindi ko nga akalain na makakatagal ako ng isang linggo na binubuwisit ni Iñigo eh!"

Sa katunayan, imbis na kagaya ng ginagawa ng mga ibang lalaki sa pagpapaibig ng babae, hindi siya malambing o maging sweet kahit magpakita man lang siya ng kunting kabaitan para mapaibig ako

Puro lang kalokohan ang ginagawa niya. Meron pang dinalhan ako ng Chocolate, diko pa nga nauuwe sa bahay ay naubos na niya.

Tapos may time pang nag-aya siyang mag-date pero wala daw siyang pera kaya ako muna ang sumagot.

Nagreklamo nako kay Loisa at dumating pa sa point na inutusan ko siya na hanapan na lang ako ng bago.

Tinatawanan lang ako ni loisa, maytiwala daw siya sa kayang gawin ni Iñigo.

"Surprise, Maris stella!"

Kahit hindi ko na tingnan kung sino ang pumasok sa opisina ko, alam ko na agad na si Iñigo na yon.

Araw-araw na lang siyang pumupunta dito at araw-araw na lang rin itong walang paalam na pumapasok sa opisina ko.

Gusto ko man na i-lock ay hindi pwede.
"Hoy, Maris stella! Surprise nga sabi, eh," pangungulit niya ngunit hindi ako nagpatinag.

Patuloy lang ako sa pag t-type sa laptop ko.
"I'm not surprised."
Sa araw-araw mo ba naman na pag punta dito magtataka paba ako na nandito ka na naman ngayon. Bulong ko sa isip ko.

"Hindi mo pa nga tinitingnan, eh."

Napabuntong-hininga na lang ako. Tama nga ako nang sabihin kong tumanda lang ito perp hindi nag-mature. Napaka-childish pa rin niya.

Pinaikot ko muna ang mga mata ko bago siya tiningnan.

"tyaran!" sabi niya.

Muntik na akong matawa sa mukha niya parang nanalo sa lotto ang ekspresyon. May hawak-hawak siyang cake na hugis ewan.

"I baked this cake especially for you!
Happy weeksary, Maris stella!"

Napa kunot-noo naman ako agad. "Weeksary?"

"Uh-huh. Nag- start ang usapan natin Tuesday last week. And it's tuesday today so it means, one week na tayong mag-on. Kaya weeksary natin ngayon."
Paliwanag niya.

You Change My Heart 💙Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon