Chapter 2 (The Vergara brothers)

3K 60 0
                                    

     "NAKU, s-sorry talaga!" Tarantang paliwanag niya sa katabi.

     "Baka gusto mo na kong bitiwan, Miss! Medyo nakakarami ka na kasi ng yakap."

     "Ay, s-sorry ulit!" Agad namang siyang bumitiw.

     Umirap itong binata. Pinagpag nito ang linen jacket, na parang may duming dumikit. Hindi naman makatingin sa kanya si Kassandra halatang pulang-pula na ang pisngi niya sa sobrang kahihiyan. Nang huminto sa isang istasyon ay agad ding bumaba ang binata. Nakahinga naman siya ng maluwag. Sa dinami-dami ba naman na puwede niyang makapitan ay bakit sa suplado na mestisong hilaw pa?

      "Hay, Kassandra, umayos ka nga!" Wika niya habang tinatapik-tapik ang kanyang ulo. Maya-maya'y may napansin itong isang bagay sa sahig. Pasimple niyang dinampot yon at napagalamang driver's license pala ito.

     Nathaniel Brice A. Vergara.

      Kumipot uli ang kanyang labi. Pinaalala nitong muli ang namuong inis niya kanina. Parang gusto niyang ibato yon sa sahig. Hmm, pasalamat ka't nakonsensiya akong ibabalik ang lisensya mo kahit pa saksakan ka ng sungit! Sa loob niya ngunit ang malaking tanong ay kung papaano niya ito maibabalik.

-----

       NAKABIBINGING katok ang sumalubong kay Lucas, lumabas siya ng kuwarto upang pagbuksan ang hindi inaasahang bisita.

       "Tss... Sisirain mo ba 'tong pinto ko?" Pupungas-pungas niyang bati sa nakatatandang kapatid.

      "Lucas, nasaan ang kotse ko?" Nakapamaywang nitong tanong sa kapatid.

      "Nasa parking area. Saka puwede ba masyado pang maaga para marinig ko yang sermon mo."

      "Sinong nagbigay s'yo ng permiso na itakas ang kotse ko?" Inis na wika nito habang papasok.

      "C'mon, I just borrowed it. Naubusan lang ng gas ang motorbike ko."

      "Give me the keys?"

      "O-oh! It's somewhere..." Pilit inalala kung saan niya nailapag iyon kagabi at nang hindi maalala'y pinangunahan niya ang kapatid.   

       "Have some breakfast first. I'll find it, don’t worry."

      Agad ‘tong bumalik ng kuwarto. Pumasok at kumuha ng shirt sa cabinet. Paglabas nito'y dala na ang susi. Naiwan pala sa bulsa ng pantalong hinubad niya kagabi. "Are you hungry?" Tanong niya kay Nathaniel na kasalukuyang hinahawi ang mga kurtina upang pumasok naman ang liwanag sa loob ng condo.

       "Puwede ba Lucas maglinis ka naman. Look at this, it's a mess!"

       "Oo na, heto na ang  susi mo!" Ibinato yon kay Nathaniel. Nagtungo siya sa kitchen upang maghanap ng maaagahan.

        Humakbang palabas si Nathaniel upang umalis. Natigilan nalang ito upang muling pagsabihan ang kapatid.

        "Try to fix your life, Lucas. Kahit man lang para sa sarili mo."

        "Just leave," kalmadong sagot naman ni Lucas at matapos nuo'y lumagok siya ng tubig. Binigyan naman siya ng matatalim na titig ni Nathaniel.

         Bakit ba napakahirap pagsabihan ni Lucas? Ang gusto lamang niya'y magbago ang kapatid. Matapos nuo'y tuluyan na rin itong lumisan.

         Hindi na masanay-sanay si Lucas sa mga pahaging ng kanyang kuya. Bakit ba ang hilig ng pamilya niyang makialaman sa mga gusto niyang gawin? Dahil ba, isa siyang Vergara: isa sa mga sikat at prominenteng pamilya sa bansa? Hindi ba anak lang siya sa labas ni Don Ricardo Vergara. Dati-rati nama'y tahimik ang kanyang buhay noong nabubuhay pa ang kanyang mama ngunit nagbago na lang ang lahat ng mamatay ito at kunin siya ng kanyang ama. He hates his dad more than anyone else, dahil sa ginawa nitong pagbabalewala sa kanyang ina noon. Higit sa lahat, gusto lang nilang protektahan ang pangalang Vergara na sa kasamaang palad nama’y apelyido niya.

Kassandra's Chant (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon