Chapter 7 (Vergara mansions)

2.5K 54 0
                                    

NAGLALAKAD si Nathaniel sa wide open grassy field malapit sa Vergara Mansions. Naabutan niya roon ang kanyang ama at ninong.

"Nathaniel, how are you?" Bati agad ni Sergio Buenaflor, best friend at golf buddy ng papa niya. Tinapik nito ang kanyang inaanak.

"I'm good Ninong. So how's your trip?"

"Fine... Fine!" He repetitively answered.

Bumaling siya sa kanyang ama na nakapuwesto lang sa harapan. Kasalukuyan itong naghahanda upang pumalo ng golf ball.
"Dad how are you?"

"I'm doing great, so how is the company?"

"It's doing well. I already arranged our meeting with Cassius Tech." Pag-imporma naman niya.

"I trust you on this, Nathaniel. Malaki ang magiging epekto nito sa kumpanya sa oras na makuha natin yung deal. Make sure you treat them well."

"I know, Dad. Uhm, where's Mom?"

His Dad took a deep breath before answering.

"Hmm... Malamang nasa garden. Kinakausap yung mga halaman niya." Natawa ito. Nahawa na rin si Mr. Buenaflor.

"She is with your Tita Margaret, hijo. Sa may garden," pagsalo naman ng ninong niya.

"Dad naman." Napahimas ito ng batok. Naaasiwa siya kapag nagbibiro ng ganito ang kanyang ama. Matapos ng konting pakikipagkuwentuhan ay nagpaalam na si Nathaniel. Naglakad na ito upang magtungo na sa mansyon.

There are giant pillars in front. It was all painted in white. He walked pass through a redish brick road heading towards the entrance. Nadaanan niya ang isang malaking pabilog na fountain na may dalawang malalaking horseman statues sa gitnang loob nito. One is holding a shield carrying their family emblem; ang simbolo ng pamilya Vergara. Ilang taon na rin ang nakalipas ng magpasya siyang humiwalay ng tirahan.

The mansion, sure brought up lots of good memories.

"Sir Nathaniel, welcome po!" Bungad naman ng isang matandang nakasalamin. Unipormado at puti na ang buhok, siya ang resident butler ng kanilang pamilya.

"Kamusta Manong George." Bakas ang galak sa kanyang tono. Manong George (as he calls him) ang nag-alaga sa kanya mula pa pagkabata. He's more like a father figure to him.

"Mabuti po Sir Nathaniel lalo't nakita ko na kayo ngayon." May bahid ng respeto ngunit bakas na ang katandaan sa boses nito.

Agad itong inakbayan ni Nathaniel upang sabayan sa pagpasok. May mga katulong na naka-uniform, colour coordinated depende kung saan sila naka-assign sa mansyon. Lahat sila nakalinya sa may hall at naghihintay ng kanyang pagdating.

"Si Mama nasaan?"

"Nasa Thorn garden po with Mrs. Buenaflor." Sagot naman nito. "Is there anything else you need Sir? Baka may gusto kayong kainin."

"No I'm not really hungry but can you please check my room. Dito kasi ako matutulog ngayong gabi."

"Parati naman pong malinis iyon, sir. But I'll send someone to inspect." Wika nito.

"Sige Manong George, salamat. Pupuntahan ko muna si Mama."

Huminto naman yung butler upang sumang-ayon. "Sige po. Masaya po akong makita kayo, Sir Nathaniel."

"Ako rin..." Nagpatuloy siya sa paglalakad sa isa sa mga labasan, nasa bandang likuran kasi ng Vergara Mansion ang Thorn garden.

Sa garden, sumalubong sa kanya ang isang malaking arko sa entrance at halatang matanda na ang pagkakagawa nito. Markado ang pangalang Vergara na nakaukit sa bato nito. Napapalibutan ng mga halamang gumagapang yung arkong pinaglumaan na ng panahon. Isang malawak na lugar, puno ng rosas, tulips, halaman at iba't ibang uri ng bulaklak. Napanatili nila ang kagandahan ng pagkaka-landscape nito. Nagpakahirap ng husto ang mama niya upang panatilihin ang aking ganda nito. Natanaw niya ang kanyang ina sa cottage na nagti-trim ng ilang bulaklak.

Kassandra's Chant (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon