NATANAW niya ang binatang lapat ang likod sa isang mamahaling sasakyan. Nasupresa siya sa kakisigan nito— na bihis sa marangyang kasuotan. She was not sure if its greyish, in colour.
Nakasandal lang ito sa white sports car, halukipkip ang braso at tahimik lang na naghihintay sa kanya. Kabadong linapitan niya ito.
"Lucas, handa na 'ko."
Para bang kuryente na dumampi sa tenga ni Lucas ang malambing niyang boses. It was just like instant, that eagerness inside, makes him want to turn his back. Pumihit ito upang lingunin si Kassandra at hindi nito inasahan ang mararamdamang supresa nang makita siya. Bigla namang napako ang paningin nito sa kanya.
Nagbigay ng bahagyang liwanag ang lamp post sa tabi at tila ba kumikinang ang light emerald dress niyang suot na hanggang tuhod ang laylayan, naging kakaiba ang kanyang pakiramdam, lalo na't nakita nitong bahagyang nakalitaw sa neckline area ang maputing dibdib ng dalaga. It was descent and not so revealing.
Ngayon lang nakita ni Lucas ang balikat ni Kassandra, it's lean yet firm. Litaw na litaw ang maputi at makinis niyang kutis. Ang nakakapagtaka, simple lang ang kasuotan ngunit kaya ni Kassandra palutangin ang natatagong ganda nito.
"My God! You’re so beautiful!"
Hindi nito sinasadyang masambit na para ba'ng kusa nalang lumabas ang mga salitang iyon sa kanyang bibig marahil isang mahikang gumayuma sa kanya. Umangat ang dalawang pisngi niya upang ngitian si Lucas, napaghahalatang kinakabahan naman ang kamay ni Kassandra habang hawak ang isang maliit na silver purse.
Dinampian niya ang kanyang pisngi upang siguruhing hindi siya pinagpapawisan.
"Okay lang ba itong make-up ko?" Tanong niya sa binatang nakatayo sa harapan. Naisipan niyang maglagay ng light make-up kanina upang mas maging presentable.
Natagalan naman bago nakasagot si Lucas. "It's fine, h-huwag kang mag-alala." Hindi yata ito makapag-isip ng tuwid dahil sa umiibabaw na pagkamangha. Kaya bago pa man siya mahalata ng dalaga ay agad nitong binuksan ang passenger seat. Umupo si Kassandra roon. Inayos ni Lucas ang sariling coat at sumakay na rin sa sasakyan.
"Seat belt?" Agad itong nagpresintang abutin yon ngunit nang maunahan ito ni Kassandra ay parang tuod itong umatras upang hindi maaktuhan ang kasabikan niyang mapalapit sa kanya.
Masayang binati siya ni Kassandra. "Bagay sa'yo ang suot mo, Lucas. Ang guwapo mo ngayon."
Tinitigan s'ya ni Lucas. "Hindi... Ikaw ang mas babagay sa'kin."
"H-Ha?" Nagtataka siya. Pabulong kasi ang pagkakasabi ni Lucas.
"Ooh-- I mean, b-bagay sayo yang s-suot mo, Kassandra!" Napapangiwing sabi ni Lucas ngunit hindi ito nagpahalata. "So, shall we go?"
"Sige, pero huwag lang tayo magpa-gabi masyado ha."
Tumango naman si Lucas upang sumang-ayon. Pinaandar nito ang sasakyan at umalis.
-----
ANG 'La Victorino Hotel' ang naging venue ng party, pangalawa ito sa mga bagong hotel na naipatayo ng La Vergara Corporation. Ipinangalan ito sa Hacienderong si Don Victorino Vergara: ang lolo ni Nathaniel at Lucas. Isang engrandeng handaan ang nagaganap para sa lahat ng mga bisita. There are bouquets of fresh roses and tulips gathered in each table. Ang mga caterers na naka-uniporme ay naghahain ng first class wines and champagnes. Dinig naman ang musika ng isang classical band na tumutugtog sa tabi ng fountain.
BINABASA MO ANG
Kassandra's Chant (COMPLETED)
RomanceNAGING mahirap ang unang pakikisalamuha ni Kassandra sa siyudad ng Hermanos ngunit ni minsan ma'y hindi siya pinanghinaan ng loob at sa pagtahak niya sa panibagong buhay ay makakadaupang palad niya ang ilang taong magpapabago sa kanyang kapalaran. I...