PAUWI NA si Kassandra mula sa restaurant. Nananakit na ang kanyang kamay sa maghapong paghuhugas ng pinggan. Mabuti na lamang at naiintindihan ng matandang landlord ang sitwasyon ng dalaga, hinayaan siya nitong manatili pa sa bahay ni Rosie.
Mabigat ang kanyang mga hakbang sa konkretong daan. Napansin niyang tila nagmamadali yata ang mga tao sa siyudad at alam niyang maging siya'y ganuon na rin na tila nahahawa na sa bilis ng takbo ng buhay nila. Sandaling binagalan niya ang kanyang paglalakad, siguro'y nga, ninais niyang huwag munang makisabay sa agos ng mga taong de numero ang bawat galaw. Napaisip tuloy siya, ito ba ang buhay na ipinagpalit niya sa probinsiya?
Napayuko siya at napabuntong-hininga sa panibagong buhay na kanyang nararanasan.
Kung hindi sana namatay si Mama baka masaya pa rin ang buhay sa Calmares.
Ngunit bakit nakararamdam siya ng pangangailangan na lisanin ang lugar na yon?
Napakagat labi ito ng muling maalala ang nawalang kuwintas. Hay, makikita ko pa kaya iyon? Minsa'y napapasilip siya sa mga sanglaan, nakakatawa man ngunit nagbabakasakali kasi s'ya na baka makita niya roon ang hinahanap ngunit sadyang napakalaki ng Hermanos upang galugurin niya.
“ARAY!” Hiyaw niya ng makabanggaan ang isang matipunong lalake. Muntik na siyang matapilok sa ginawa nito.
“HEY! Ano ba, tumitingin ka ba sa dinadaanan mo?” Iritang sambit ni Lucas. “Ah sh*t! ANG INIT! Tingnan mo nga, natapunan ng kape 'tong shirt ko.”
Hindi mapakali si Kassandra ng makita ang basang damit ng binata. Kumuha siya ng panyo at agad na pinunasan ang damit nito.
"Naku, s-sorry talaga!” Sige lang ang pagpupunas niya pero mukhang hindi ito maaalis ng ganun-ganun na lang.
“Tss! Hayaan mo na,” at kung mamalasin nga naman siya. Napasulyap ito ng tingin sa kanya. Binasa ang aligagang hitsura ni Kassandra. Alam naman niyang hindi ito sadya kaya tinanggap nalang nito ang paumanhin.
“Miss, pahawak...” Inabot niya ang styro cup at agad namang hinawakan ni Kassandra.
“Sorry talaga, sir.”
Akmang huhubarin na ni Lucas ang kanyang shirt.
Nagulat siya. Dali-daling siyang tumalikod ng makaramdam ng hiya sa kanya. Grabeng lalake 'to, bahay ba niya ang kalsadang ito at dito siya naghuhubad. Bulong ng isipan niya.
Maganda ang pangangatawan nito, na talaga nga namang kaakit-akit sa mga babaeng dumadaan.
“Buti nalang kulay itim 'tong sando ko, atleast---hindi halata. Hoy miss! Bakit natitigilan ka d'yan?”
“Ah, puwede na ba akong humarap?” Alanganin niyang sagot. Kung bakit ba naman kasi trip nitong maghubad kung saan-saan?
Nagtaka naman si Lucas kung bakit nasabi niya yon. Napasinghap nalang ito ng makuha.
“May pang-ilalim ako kaya kung puwede— kape ko.” Sinamahan pa nito ng ngiti. Humarap naman si Kassandra upang ibigay sa kanya ang styro cup. Ang kaso, may napansin siya, isang pamilyar na bagay na kasalukuyang suot-suot ni Lucas.
“Sige miss, okay lang. Pasensiya na nagmamadali lang talaga ako.” Sabay talikod nito paalis.
Napatungangang bigla si Kassandra. Tama ba ang nakita niya? Suot ng lalaking iyon ang kanyang pinakamamahal na kuwintas. “SIR, sandali!” Sigaw niya agad ngunit nakatawid na ito ng kalsada. Hindi rin naman siya makatawid dahil naka-stop pa ang pedestrian sign. Kumaway-kaway siya upang kunin ang atensiyon nito ngunit patuloy lang sa paglalakad si Lucas.
BINABASA MO ANG
Kassandra's Chant (COMPLETED)
RomantikNAGING mahirap ang unang pakikisalamuha ni Kassandra sa siyudad ng Hermanos ngunit ni minsan ma'y hindi siya pinanghinaan ng loob at sa pagtahak niya sa panibagong buhay ay makakadaupang palad niya ang ilang taong magpapabago sa kanyang kapalaran. I...