Chapter 21 (The heiress)

2.2K 63 3
                                    

       LAKI sa isla si Kassandra kaya sanay ito sa dagat. Iwinagay-way niya ang kanyang kamay upang ipakita na okay s'ya.

        Natigilan naman itong si Lucas. May problema— may kung anong takot na biglang nagpatigil sa kanya.

        Ang phobia nito… Yung takot nito sa dagat mula pa pagkabata. Pero hindi! Kailangan nitong iligtas si Kassandra. Lakas loob itong umakyat sa railing at inihanda muli ang kanyang sarili sa pagtalon.

       “F*ck! I can do t-this. Hindi ako— natatakot!”

      Isang tao naman ang nagmamadaling tumakbo mula sa kanyang likuran, walang pag-aalinlangan itong tumalon sa dagat.

       At pamilyar ang eksena yon para kay Lucas. Ganitong-ganito rin ang ginawa ng kanyang kapatid nang sagipin siya nito mula sa pagkalunod noong bata pa sila.

    “N-NATHANIEL, hurry!”  Sigaw ni Margaux, kasama nito kanina yung binata. Papunta sana sila sa deck nang makita nila ang mga pangyayari.

    Tumigil sa pag-andar yung yate habang nilalangoy ni Nathaniel ang kinalalagyan ni Kassandra.

    “Are you, okay?” Alalang tanong agad ni Nathaniel nang makalapit na sa kanya. “Hold on.”

    Wala ng sabi-sabi pa’y iniyapos nito ang kanyang bisig at lumangoy sila pabalik sa yate.

-----

    Nang makaakyat ay dali-daling binalutan ni Margaux ng robe ang basang katawan ni Kassandra.

    “Are you okay? Oh my god, natakot talaga ako!” Pag-aalala rin nito sa kanya.

   “Ah, ayos lang ako. H-huwag na kayong mag-alala saka marunong naman akong lumangoy e.” Paliwanag naman niya.

      Basado ang mga namumuong pag-aalala sa mga mata ng kasama.

      Lumapit ang nag-aalalang si Lucas. He’s barely trembling with such fear that he never felt before. Dinampian nito ng dalawang nanlalamig na palad ang mukha ni Kassandra. He was staring at her damp face.

     “A-are you sure you're okay?” May takot sa pananalita nito.

    “Mmm… Mmm…” Tumango na siya upang sagutin ito.

     Mahigpit siyang niyapos ni Lucas.

     “Don't you ever do that to me. Please don’t scare me like that!” Nanghihinang sambit ni Lucas. Pakiramdam niya mawawala na sa kanya si Kassandra noong mga oras na yon.

         Lucas felt so helpless and that sudden guilty feeling inside, makes him want to despise himself more.

     Nabigla si Kassandra sa labis na ipinakitang pag-aalala nito sa kanya. Naramdaman niya ang takot na nagmumula kay Lucas. Tulalang napatitig nalang siya sa kawalan habang nakakulong pa rin sa yapos ng binata.

       Makailang sandali pa’y nakita niya ang malamlam na tingin sa kanila ni Nathaniel. Gusto sana niyang magpasalamat sa kanya ngunit nang makita nito yung ginawa ng kanyang kapatid ay umiwas ito.

    “Lucas, lets take her inside. Baka nilalamig na siya.” Utos naman ni Margaux sa binata habang inaalalayan nila si Kassandra, papasok sa quarters.

-----

      She watched the calm sea from a circular window. In her mind, she was thinking of something else. Hanggang sa mga oras na yon ay patuloy pa rin na nagbabalik sa kanyang alaala ang mukha ng taong sumagip sa kanya.

Kassandra's Chant (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon