Chapter 13 (Fate reveals itself)

2.1K 50 0
                                    

       HUMAKBANG patungong sala si Joyce bitbit ang isang wooden tray, dala nito ang mga tasa ng mainit na kape at ilang bagong lutong tinapay ni Nana Lena.

       "Magkape muna kayo, sir." Naiilang na pagbati naman nito sa mga bisita.

        Tumugon naman ng matandang Don sa kanya. "Hindi ka na sana nag-abala pa hija pero maraming salamat."

       Agad namang nanibago si Nana Lena sa kanyang narinig dahil sa pagkakakilala niya sa matanda hindi ito yung tipo na nagpapasalamat. Ngunit kakaiba ang naging dating ng matanda sa kanya mula pa nuong dumating ito kanina. Wala na ang masungit nitong mukha, pati na ang bahid ng mga alahas nito sa katawan. Kapuna-puna rin dahil wala na ang nakakatakot nitong tindig na nabibigay ng respetong pagtingin sa kanya ng mga tao.

         Alam niyang may pakay sa kanya ang matanda at may kutob siyang tungkol ito sa kinaroroonan ni Sandra. "Ano po ang maipaglilingkod ko, Don Arsemio?" Pinilit niyang patigasin ang nanginginig niyang mga kamay. Iginayak nito agad yung simpleng handog sa katapat na lamesitang kawayan.

      Napuna naman ng matanda ang pagkabalisa ng dating kusinera. Inaasahan na niya ito, lalo na't naging mahigpit at matapobre siya noon. Sana lang ay hindi pangunahan ng takot si Elena, iba na ang panahon para sa kanya, marami nang pagbabagong dumaan sa kanyang pagkatao gayunpaman gusto niyang diretsahin ito.

     "Tungkol ito kay Sandra Castillio, maaaring naaalala mo siya, Elena." Malumay ang pagpapahiwatig ng matanda.

       Naputol ang tingin ni Nana Lena sa kanya, nakaramdam ito ng kabang nagpatuyo sa kanyang lalamunan. Hindi nito tuloy malaman kung sasagutin yung matanda ukol sa katotohanang ikinukubli niya. Pero hindi, nangako siya kay Sandra na hindi niya ipamimigay sa mga Santillian ang naiwang anak nito.

        Ninais ni Sandra na makaramdam ng kalayaan ang kanyang anak na si Kassandra, isang inosenteng buhay na kayang manipulahin ng matandang si Arsemio. Nakita nito kung paano pinahirapan ng matandang Don ang buhay ni Sandra noon, mailayo lang ito sa tagapagmanang si Ruphert. Nandiyan na ang puwersang pagpapatapon nito sa kanya sa ibang bansa, na napilitan sanang gawin ni Sandra dahil sa masamang banta nito sa mga taong nag-alaga sa kanya. Kung hindi lang siya nahabag kay Sandra at pinatakas ito sa mansyon ng mga Santillian ay baka napalayo pa ito ng husto kay Ruphert.

        Hindi siya makakapayag na danasin din ni Kassandra ang mga masamang  balakin ng matanda kahit alam niyang apo at kadugo n'ya pa ito ngunit kung magiging masalimuot naman ang buhay ni Kassandra sa likod ng kayamanan nito't kapangyarihan mas pipiliin niya pang maging normal at malaya ang buhay ng dalagang halos itinuring na rin niyang parang anak.

       "Kung maaari sana Don Arsemio, huwag mo nang guluhin pa si Sandra, Matagal na siyang namamayapa." Nagbago bigla ang maamong mukha nito.

        Agad namang napatitig sa kanya ang matandang Don, hindi ito makapaniwala sa narinig na balita mula sa kanya ngunit totoo ang mga narinig niya, na namayapa na si Sandra.

       "Si S-Sandra, hindi maaari! Totoo ba ang mga sinasabi mo, Elena?"

          "Halos mag-iisang  taon na mula ng pumanaw s'ya. Malubha ang naging komplikasyon niya sa baga noon." Natigilan itong sandali nang biglang pumatak ang namumugto nitong mga luha, "Namatay siyang hindi man lang nakita si Ruphert. Ang pinakamamahal niyang si Ruphert, ni hindi man lang kayo nahabag sa kanya hanggang sa huling hininga, ni minsan ma'y hindi niya nagawang ipagpalit ang anak mo!" Sambit nito na tila hindi na nito maikubli ang namumuong sama ng loob sa matanda.

       Napadiin  ang pagkakahawak ni Don Arsemio sa baston, "Patawarin mo ako, Elena naging labis na ang panghihimasok ko noon sa relasyon nila ni Ruphert. Unti-unti ko nang pinagbabayaran ang mga naging kasalanan ko sa kanila." Bahagyang napayuko ito nang biglang dinalaw s'ya ng ilang alaala ng anak.

Kassandra's Chant (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon