NANG magkita sila, una siyang kinamusta ni Lucas. Basado ang matinding pag-aalala nito sa kanya.
"You were next to me. Tapos--- bigla ka nalang nawala."
"Pasensiya ka na." Walang ganang sagot ni Kassandra. "Marami kasing tao kanina kaya nakalingat ako, saka hindi naman ako maliligaw sa maliit na islang 'to."
Nakita niyang bumaling ito ng ibang dereksyon tila may gustong sasabihin yata sa kanya.
"Hindi ko puwedeng iwan si Margaux. Mas malaki kasi ang tiyansang maligaw siya rito." Ngumiti na ito at kesyo nagawa pa nitong magbiro sa sitwasyon iyon.
Mabuti nalang at gumaan na ang kanyang pakiramdam dahil sa mga sinabi ni Lucas.
"Uhm... Don't tell her I said that." Dagdag pa ng binata.
Nakangiti na rin siya. Napalingon siya at nahuli niyang nakatingin sa kanya si Nathaniel. Pakiramdam niya parang may nais ipahiwatig ito sa mga tinging iyon.
"Maybe we should go back to the Villa. Mas private pa doon kasya rito." Si Margaux na iyong nagsalita. Napaupo ito sa stone bench at pasimpleng minamasahe na ang kanyang binti.
"Lucas, ano sa tingin mo? It's your call." Sabi ni Nathaniel.
Gumawi muna ang tingin ni Lucas kay Margaux, inayos nito ang bag pack saka hinarap muli ang kanyang kuya.
"No, we're staying. Hindi pa nakikita ni Kassandra iyong mga historical sites dito. It's best, if we split up then we meet again in the afternoon." Bumaling na ito sa kanya sabay tanong na, "gusto mo bang makita iyong mga lugar dito?"
Napatingin siya kay Margaux. Napapakapit na ito sa braso ni Nathaniel. Halatang nangangalay na sa paglalakad.
"E kung— bumalik nalang tayo, Lu—"
"Sige, sasamahan ko na si Margaux. Mag-enjoy na lang muna kayo." Madaling sabi ni Nathaniel, bumaling na ang atensiyon nito sa katabi.
Dahil sa mga sinabi ng binata, pakiramdam niya gusto lang s'yang iwasan nito.
"Hmm... Okay na!" Si Lucas na ang humarap sa kanya.
Parang may biglang kumirot sa kanyang dibdib. Sumang-ayon nalang siya kay Lucas sabay pasikretong bumato ng tingin kay Nathaniel.
-----
SUMAKAY sila sa kalesa. Ito raw ang sinaunang transportasyon noon ng isla. Inuna nilang puntahan ang Balwarte ang isa sa mga ni-restore na tourist attraction sa dulong bahagi ng isla.
"Kunan mo 'ko, Kassandra." Ibinigay ni Lucas iyong camera sabay kalabit nito sa kutsero. "Manong, puwede ko bang sakyan itong kabayo n'yo."
"Ay sir, baka po manibago si Stallone." Napakamot ito ng ulo.
"Ganun ba... Trained naman yan 'di ba?"
"Ay maarte po 'tong kabayo ko."
"Huwag mo ng istorbohin si Manong. Nakita mo namang minamaneobra pa 'tong kalesa."
"Hindi pa ko nakasakay ng kabayo," halatang nangungulit ito. "Ikaw rin naman di ba?"
"Maraming kabayo sa isla namin saka mga kalabaw."
"Ganun ba?"
"Puwede n'yo hong imaneho." Inabot nito iyong tali sa kanya. "Tapik-tapik lang po ang pagmaneobra."
BINABASA MO ANG
Kassandra's Chant (COMPLETED)
عاطفيةNAGING mahirap ang unang pakikisalamuha ni Kassandra sa siyudad ng Hermanos ngunit ni minsan ma'y hindi siya pinanghinaan ng loob at sa pagtahak niya sa panibagong buhay ay makakadaupang palad niya ang ilang taong magpapabago sa kanyang kapalaran. I...