Chapter 14 (The gift)

2.1K 51 1
                                    

         "NO! Actually I find it cute." Sabay pigil itong tumawa.

         Mukhang hindi na niya mapipigilan ang pagkikita nila.

        "Ikaw talaga… Nang-iinis ka na naman wala ka bang ibang puwedeng pagdiskitihan kundi ako. Nakita mo namang nagtatrabaho ako rito." Depensa niya at halatang namumula na.

        "I was just walking by then suddenly, you showed up." then afterwards, he smiled.

        Parang lalo yatang namula s’ya ng magtama ang kanilang paningin. Tinalikuran n'ya ito at patay malisyang nagpatuloy lang sa pag-aabot ng mga flyers.

        Napailing tuloy si Nathaniel ba’t ba lagi nalang nagtatagpo yung landas nila. Nagpatuloy ito sa paglalakad hanggang sa tuluyuang malagpasan na si Kassandra.

        Hay, talagang nakakahiya. Ba’t ba kasi kailangang suotin ko pa 'to. Inis na wika niya sa sarili, nakapikit pa itong kinamot yung nuo niya.

       "K-kumain po kayo sa Happy chicken restaurant!" Sabay umang naman niya sa isang flyer na kadalasan nama'y hindi binibigyang pansin ng mga inaalukan.

       Mag-iilang minuto na rin s'yang nakatayo sa kasagsagan ng init ng araw. Naisipan niyang umupo muna sa tabi ng fountain. Hinubad ang nakakatawang sumbrero at pinunasan ang kanyang pawisang nuo. Hawak pa rin niya ang ilang bungkos ng flyers na kailangan niya pang ipamigay.

       "Here!"

       "Ha?" Umangat yung mukha niya upang alamin kung sino yung nagsalita.

       "Here… This will cool you down," sabay alok nito ng soda can sa kanya.

        Dumaan ito sa isang vending machine kanina. He was suppose to buy one for himself but when he saw her, Nathaniel felt that, she needed it more than he does.

        Nakakapagtaka tuloy ang kabaitan nito sa kanya pero wala namang mali sa ginagawa ng binata.

         "Salamat, N-Nathaniel!" Kinuha niya yung soda can at idinikit sa kanyang pisngi. Napapapikit tuloy s'ya. "Ha, lamig!"

         He suddenly felt like sitting too. Nakadekuwartro pa itong umupo sa tabi n'ya.
        "Huh, it's freaking hot! Paano mo natatagalan ang ganitong init." Anito. Napalingon ito sa kanya pero bigla siyang natawa. Halos pagulong-gulungin ba naman ni Kassandra sa mukha yung malamig na soda can.

        "Ha! Ang lamig!"

         Pagak na natawa tuloy yung binata, tinitigan nito yung hawak niyang soda can at akmang idinikit din ito sa kanyang pisngi.

        "Tama ka malamig nga." Napangiti tuloy ito ng 'di oras.

         Para namang may dumaang anghel sa pagitan nila ngunit nabasag ang katahimikang iyon ng magsalita na si Kassandra.

        "Mukhang uulan mamaya!"

        Napatingala naman sa langit yung binata. Hindi naman siya sigurado pero may konting nangingitim na mga ulap.

       "How can you tell?"

       "Hmm... Hula ko lang, mukha lang kasi. Tingnan mo yung malaking ulap na yon medyo grey ang kulay." Palusot niya.

       Natawa si Nathaniel.

      "Hmm, I don’t think so."

      Tumango nalang si Kassandra, hindi kasi niya alam kung papaano sisimulang yung kuwento kaya kung anu-ano nalang tuloy yung mga pinagsasabi niya.

Kassandra's Chant (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon