SINABI ng kapitan na kaunting panahon pa'y makakadaong na rin sila sa isla. Nagpalipas muna ng oras ang grupo sa upper deck ng yate. Nagpapahinga lang si Margaux habang katabi nito si Nathaniel sa upuan. Pinagmamasdan lang ng dalawa yung tanawin sa mga karatig isla.
Paminsan-minsan, kinakalabit tuloy siya ni Lucas upang kulitin na magsalita.
"Magkuwento ka na naman, puro na lang kami." Kanina pa kasi nito napapansin na walang imik ang dalaga.
"Tama huwag ka ng mahiya sa amin. Hindi kami nangangagat. Well except for Lucas of course." Pigil ang ngiti ni Margaux.
Napangiti rin siya ngunit nahihiya talaga itong magkuwento. Sapat na siguro na maaliw s'ya sa mga nagiging usapan ng tatlo.
"Ah ganun! Gusto mong ikuwento ko yung nakakahiyang ginawa mo noong Prom night." Nagbanta naman ni Lucas.
"MY GOSH! Nakakainis ka talaga!" Lumapad ang mukha nito nang maalala ang nakakahiyang istoryang yon. " Lucas, don't you even dare to— Aahh! H'wag mo nga 'kong ipahiya rito kundi ihuhulog kita d'yan sa dagat. I swear talaga!"
"Ano yun?" Takang naintriga naman siya nabaling ang tingin niya sa binata.
"Kassandra naman, akala ko ba magkakampi tayo?" si Margaux.
Napatingin naman siya sa kanya at nginitian na lang ito. Wala na siyang balak pang alamin ang sikretong yon, baka kasi magtampo pa ito.
Nang bumaling sa ibang direksiyon si Margaux ay kinuha na ni Lucas ang pagkakataon. Inilapit nito ang mukha niya upang bulungan ang tenga ni Kassandra. At sa paglingon ulit ni Margaux ay naging kapansin-pansin na ang mga kubling ngiti ng kaibigan halata na kasing naipasa na 'to ni Lucas.
"How could you! Nakakainis ka talaga!" Ang sama ng tingin nito kay Lucas.
Tahimik lang si Nathaniel habang nagre-relax sa resting chair, paminsan-minsan ay humihigop ito ng ice tea. Dinadaan na lang n'ya sa ngiti ang kulitan ng dalawa.
May natanaw si Kassandra, humakbang siya sa kabilang bahagi upang tanawin pa lalo ang islang pinupuntahan nila.
"Lucas, tingnan mo dali! Sobrang ganda!" Nagagalak na pag-anyaya nito.
Humakbang naman si Lucas tungo sa tabi ng dalaga hanggang sa ito'y mamangha rin sa ganda ng isla.
"Yeah! Maganda nga..." anito.
"Guys, welcome to Isla Del Juego!" Nangingiting bigkas ni Margaux sa kanila.
-----
Ang 'Isla Del Juego' ay isang munting paraiso na pina-develop ng Buena Flora Realty. Tuluyang na itong nawasak noong World War II. Dati itong base ng mga amerikano noong panahon ng giyera. Isa ito sa mga islang pumoprotekta noon sa kanlurang bahagi ng bansa.
Sa ngayon isa na 'tong full blown luxury resort, na pinagsikapan na ipatayo ng mga Buenaflor. May world class hotel rin na Mediterranean inspired ang tema, pribado at exclusively for members only ang accommodations nito.
Isang lumang istraktura ang takaw pansin sa isla, ang Juego Centro Lighthouse, isang matayog na puting toreng nagpapaalala sa nakaraan ng isla. Naghanda ng bumaba ang grupo matapos makadaong ng yate sa pantalan. Masayang sinalubong naman sila ng mga staffs ng Villa.
"Welcome 'po sa Isla Del Juego! Hi I'm Christine, guest officer po ng Villa." Tuwang pagbati nito sa apat, lumapit naman ang ilang kasama nito upang sabitan sila ng mga kuwintas na yari sa bulaklak.
BINABASA MO ANG
Kassandra's Chant (COMPLETED)
RomanceNAGING mahirap ang unang pakikisalamuha ni Kassandra sa siyudad ng Hermanos ngunit ni minsan ma'y hindi siya pinanghinaan ng loob at sa pagtahak niya sa panibagong buhay ay makakadaupang palad niya ang ilang taong magpapabago sa kanyang kapalaran. I...