Chapter 18 (The white tower)

2.3K 56 0
                                    

KANINA pa ayaw magpaawat ni Margaux sa katatawa habang hirap na hirap naman siyang alalayan itong umupo sa kama. Nahirapan siyang kumbinsihin ito na magpalit ng pantulog.

"Margaux, kailangan mo nang magpalit ng damit. Teka kukuha lang ako ng pampalit mo ha. D'yan ka lang, huwag kang aalis!" agad niyang binulatlat ang luggage ni Margaux.

"Girl, I envy you. Do you know why?" There was a sudden bliss sound coming from her nose. Well apparently, she was laughing at herself. Hilong itinukod nito ang kanyang mga braso sa tagiliran ng kutson.

Natigilan si Kassandra nang marinig ang sinabi nito. Pumihit siya ng tingin upang pagmasdan ang pagda-drama ng kaibigan. Tulalang tinititigan lang ni Margaux ang dingding. Kapansin-pansin na kanina pa nito pinaglalabanan ang antok pero sa estado ng kanyang mga mata parang kanina pa nito gusto pumikit.

"Lucas... He's a good guy." Napahinto ito tapos ngumiti. "And sometimes he's funny too. Marami s'yang gustong gawin sa buhay. But sometimes- I pity him. Why? Kasi parati s'yang least priority ng Papa nila. Hmm... I saw it- Kassandra." Hinarap nito ang kasamang nakaupo sa sahig. "Nakita ko kung paano s'ya minaliit ni tito Ricardo. Huh! Pero you know what?"

Margaux pointed her finger, just to get her attention.

"Sa aming tatlo... He's the only one who has guts to stand against his own father." She paused again and slightly tilted her head. "Hindi katulad namin ni Nathaniel na kahit na nasa ganitong edad na kami, feeling ko parang hindi pa rin kami malaya. Kino-control at dinidiktahan pa rin kami ng pamilya namin. DAMN IT!" Rinding pagsigaw nito.

Tumayo siya at umupo agad sa tabi ni Margaux. Hindi n'ya alam kung papaano pakakalmahin ang kasama kaya dahan-dahang hinagod niya ang likuran nito.

"Tama na! Dapat masaya tayo 'di ba? Kaya nga tayo nandito para makalimutan kahit sandali yung mga problema natin." Natigilan siya upang pakitaan s'ya ng isang ngiti. "Saka naniniwala ako sa kakayahan ni Lucas. Kaya nga, nandito ako para sa kanya at para na rin sa inyo. Ang totoo," humugot ito ng malalim na hininga. "Nagpapasalamat nga ako kasi tinanggap n'yo ko kahit ganito lang ako. Salamat talaga..."

And then she smiled after hearing those fine words from her.

"Thank you Kassandra, you're such a nice-," she closed her eyes then leaned next to Kassandra. Tinanggap naman ito ng balikat niya.

"Friend..." Huling sinabi ni Margaux at hindi na 'to nakaimik dahil nakatulog na.

Hinagod niya ang ulo nito. Ngumiti siya at nagpasalamat sa pagkakaibigang ibinahagi sa kanya ni Margaux.

-----

Matapos masigurong nagpapahinga na sa loob si Margaux, pinihit niya ng marahan yung doornob upang maisara. Kanina sinubukan niyang matulog ngunit nakaramdam siya ng pagkauhaw. Nagdesisyon s'yang bumaba ng kusina upang uminom.

Dahan-dahan... Kailangan na maging maingat ang bawat hakbang niya upang walang makapansin. Hindi man maiwasan ngunit dinig pa rin ang mahinang langitngit ng sahig na yari sa kahoy. Alam n'yang dis-oras na ng gabi at marami ng nagpapahinga.

Binaybay niya ang pababang hagdan tungo sa kusina. Kamot ilong itong naglakad papalapit sa malaking refrigerator nang may mapansin ito. Bakit kaya nila iniwang bukas yon? Sambit niya sa sarili habang papalapit mula sa gilid. Tahimik s'yang kumuha ng baso sa istante. Hahawakan na sana n'ya yung handle ng refrigerator nang biglang kusang magsara ito. Nagulat siya ng may kung anong tumambad sa harapan.

"AY KABAYO!" Sabay napatakip ito ng bibig.

Nalingat siya... Kailangan pala niyang tumahimik.

Kassandra's Chant (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon