A YOUNG GIRL named Aireen took a sip of tonic from her glass.
"My gosh, is that Lucas Vergara?" may matinis na boses ito.
"Yeah! You’re right, Aireen. I know him, gusto mo ipakilala kita." Said Danielle. Ang kaibigan nito, nasa isang small circular table sila ng mga kaibigan niya.
Dinig ang funky club music sa buong Crescent Moon, isang sikat at sosyal na club sa Hermanos.
Some of the guys greeted Lucas as he walks in, umupo s'ya sa isang stool malapit sa bartender. Itinaas niya ang isang daliri upang kunin ang attention nito.
"Same old thing?" Tanong naman ng bartender na siya naman pagsagot ni Lucas. "Yes, please!" Agad itong kumuha ng bote sa chiller at pinagbuksan ito.
"Thanks Reggie!"
Lumagok siya ng light cold beer at pinihit ang upuan upang tingnan ang mga babae sa kabilang table. One of the girls wearing tight skirts quickly noticed him. Binigyan ito ni Lucas ng isang malagkit na tingin at nginitian nito. Alam niya ang mga paramdam na ganito. He's been in so many situations, na kung saan kabisado na niya ang mga dapat niyang ikilos.
Parang basado na niya ang mga galaw, hahawiin ng babae ang buhok at gagantihan siya ng tingin. Same gestures, same old principles. Ganun lang naman ang mga basic movements para malaman mo kung intresado ang isang tao s'yo. Now it's his time to make a move, lalapit s'ya at makikipag-chat dito. Tatayo na sana si Lucas ngunit may boses na pumigil sa kanya.
"I wouldn’t go near her, if I were you." May slang ang pagkakabigkas but surprisingly familiar ang tonong yon para sa kanya.
"At bakit naman?" Pinihit niya ang silya upang harapin ang katabi.
"Dahil anak s'ya ng isang general. Ngayon, nasa s'yo na kung gusto mong mapahamak. You shouldn’t cling to such immature spoiled brats na wala nang ginawa kundi pasakitin ang ulo ng parents nila."
Mukhang tama nga ang hula ni Lucas. It's Margaux and as usual, strikingly seductive, ang appearance nito.
"Parang ikaw?" Tumawa s'ya ng mahina at lumagok ng beer.
"Pareho lang naman tayo, Lucas. Ang kaibahan lang natin sa kanila. We do it— with class."
Napaismid naman ang binata, after hearing those vague words from her. "Is there an easier way to say, hi Lucas or how are you? Tss! Akala ko busy ka." Pagtawa pa ni Lucas.
"Shut up ka nga, ikaw 'tong maarte!" Hinampas nito ang shoulder niya. Lucas felt a pinch pero sanay na siya sa ugaling ganun ni Margaux, halos hindi naman kasi nagkakalayo ang edad nila at very comfortable na sila sa isa't isa.
"Hey! I talked to your brother at sabi niya, sabihan kita na um-attend ng anniversary party," dagdag pa nito.
Nagpatay-malisya si Lucas, na parang dumaan lang ito sa tenga niya. Hindi naman sa hindi niya kasundo ang mama ni Nathaniel pero nagiging awkward ang pakiramdam niya sa tuwing nagkakasama sila. He knows that she's the legal wife. Pero sa pagtira sa isang mansyon na ang pakiramdam mo'y may karatulang nakakabit sa nuo mo na nagsasabing "anak ako sa labas," alam niya na may distansya sila sa isa't isa.
"Bakit pa ako pupunta? E sila naman 'tong mag-ce-celebrate saka they can still go on, even without me." Halatang dumilim ang ekspresyon nito.
Umiling-iling si Margaux, "Look, I'm sure they want you there. You're family after all saka please kung puwede lang, magbati na kayo ni Nathaniel. Hindi ko na rin maalala kung ano ang pinag-awayan n'yo. You two are acting like kids." Titig ang tingin nito sa mata ni Lucas, mga sulyap na mahirap ng tanggihan.
BINABASA MO ANG
Kassandra's Chant (COMPLETED)
RomansaNAGING mahirap ang unang pakikisalamuha ni Kassandra sa siyudad ng Hermanos ngunit ni minsan ma'y hindi siya pinanghinaan ng loob at sa pagtahak niya sa panibagong buhay ay makakadaupang palad niya ang ilang taong magpapabago sa kanyang kapalaran. I...