BINUKSAN niya ang pinto. Naabutan ni Nathaniel ang doktor na tumingin kay Lucas. Lumakad siya malapit sa kamang hinihigaan ng kanyang kapatid. Nanlumo siya ng makita ang mga sugat at gasgas sa braso't nuo ni Lucas. Mukhang mas malala pa ang nangyari sa balikat at kaliwang paa nito.
"How is he doctor?" May lungkot sa pagtatanong ni Nathaniel.
"Stable na rin ang lagay n'ya. Bruises, sprained foot and contusions. Medyo suffocated lang siya nuong una pero ginawa naman namin ang lahat. Daplis lang iyong tama niya sa balikat, malalim pero gagaling din. Yet, I'm confident to say that he will be fine, so don't you worry!" Ibinalita naman ng doktor. Agad nitong tinapik ang balikat niya. "I think you need to rest. Ilang oras ka ng nagbabantay sa kanya. Go home, he'll be fine."
"Thanks Jiggs. I owe you one."
"Huh! Same old Lucas. Sugod pa rin ng sugod! Umuwi ka na muna at ako ng bahala sa kanya. Saka— maghilamos ka nga pare! Puro uling pa iyang mukha mo." Ani ni Dr. Jiggs.
Natawa na rin si Nathaniel ngunit bumalik din ang seryoso nitong pagmumukha at nang lumabas siya'y nakasalubong nito si Yaya Pacita.
"Anong nangyari sa kanya, Nathaniel?"
"Okay na po s'ya, Yaya. Kailangan lang po niyang magpahinga."
"Diyosko'ng bata ito. Aatakihin ako sa kaba. Sige na, ako na muna ang magbabantay sa kanya."
"Sige po. Kailangan ko nang ipaalam ito kay Dad! Babalik po 'ko ulit."
Tumango ang matanda at agad na pumasok sa loob ng kuwarto upang samahan ang kanyang alaga.
Natigilan siya sa tapat ng isang pribadong kuwarto matapos nilang maghiwalay ng kaibigang si Jiggs. Napabumuntong-hininga siya. Gusto niyang kamustahin ito. Sinabi naman ni Jiggs na minor injuries lang ang natamo ng dalaga. He was rest assured that she's safe.
Lalapit na sana siya ngunit napaiwas nang makita na pumihit yung doorknob. Pasimple siyang umilag at dumiretso ng paglalakad. Nagtangka siyang lumingon at nakita niyang may lumabas na matandang babae at doktor mula roon.
Nagpatuloy nalang siya sa paglalakad. Mukhang okay na si Kassandra kaya nagdesisyon nalang siyang dadalawin ito sa kanyang pagbalik.
------
SAMANTALA, kapiling naman ni Chairman Arseo si Rosie at ang kanyang mga bodyguards.
"Chairman!" Ang mayordoma.
"Nagising na ba siya Saima?"
"Opo! Pinagpapahinga ko nga po pero mapilit bumangon. Maiba po ako kamusta na po si Grisham?"
Sa kanyang tabi, nagmamadaling pumasok naman sa loob si Rosie.
"Nasa O.R. Ino-operahan pa siya sa ngayon. Tinawagan ko na ang kanyang anak."
"Ano po ba itong nangyari sa'tin Chairman?"
"Salamat na lang sa diyos at ligtas na sila. Ayoko na munang isipin yan Saima. Gusto kong tingnan ang kalagayan ng aking apo."
Pumasok siya ng may bahid ng kalungkutan sa mukha. Muntik ng manganib ang kanilang buhay dahil sa kasakiman ng kanyang isang anak.
"Kamusta ang lagay mo hija?" Hinubad niya ang kanyang sumbrero at umupo sa isang silya. Kita niya ang dextrose at oxygen na nakakabit sa dalaga.
BINABASA MO ANG
Kassandra's Chant (COMPLETED)
RomanceNAGING mahirap ang unang pakikisalamuha ni Kassandra sa siyudad ng Hermanos ngunit ni minsan ma'y hindi siya pinanghinaan ng loob at sa pagtahak niya sa panibagong buhay ay makakadaupang palad niya ang ilang taong magpapabago sa kanyang kapalaran. I...