"ARE YOU OKAY?" Alalang tanong ni Nathaniel sa babaeng nakabanggaan niya. Napatitig bigla sa kanya si Kassandra. Those hazel eyes, she remembered those brown hazel eyes. He was holding her tightly, na parang ikinulong siya nito sa kanyang mga bisig.
"N-Nathaniel?" Nauutal niyang sambit ng makilala ito. Agad siyang tinulungang makatayo nito. Hindi mapakaling turan tuloy ni Kassandra, bakit s'ya biglang na-conscious sa kanya marahil dahil sa mga nalaman niya sa party.
"Oh 'no! It's you again." Napapangiting wika naman ni Nathaniel. Nasupresa ito sa presensya ni Kassandra.
Why is she here?
"Hindi ko alam na invited ka pala rito?" Pahabol pa ng binata.
Nahihiyang humarap ito sa kanya. She was trembling. Hindi niya tuloy alam kung papaano mag-re-react, lalo't alam na ni Nathaniel na narito s'ya sa party. Kaya naman, bukod tanging pagtango nalang ang naisagot niya. Dinaan niya sa pagdampot ng cell phone ang nararamdaman niyang pagkailang sa binata. Nahihiwagaan naman tuloy itong si Nathaniel, kung bakit s'ya naririto sa party ngunit ginusto muna niyang siguruhin ang kalagayan ng dalaga.
"Nasaktan ka ba?" Anito. Iniabot ng binata ang kanyang kamay upang dampian ang braso niya.
"Hindi naman." Hinawi niya ang nagulong buhok. Iniangat niya ang kanyang tingin at nagtagpo ang kanilang mga mata. Pansin niyang seryoso ang mukha nito, talagang bibihira lang ang mga pagkakataon na nakikita niyang ngumingiti ang binata.
"Kassandra?" Napalingon din si Nathaniel ng marinig ang tumawag sa likuran. Si Margaux na agad rin namang lumapit sa kinatatayuan nila. "Akala ko susunod ka? Teka, may nangyari ba?" Takang tanong nito ng makita ang dalawa.
Mukhang magkakilala pala sila ni Margaux ngunit papaanong? Sinariling sambit ni Nathaniel. He tried to answer her. "Oh 'no, its really nothing. So— Magkakilala pala kayo?" He faked his smile. Gusto niyang malaman kung paano sila nagkakilala.
"Uhm, k-kasi..." Parang hindi naman matuloy-tuloy ni Kassandra ang sasabihin, kanina pa siya gulong-gulo sa pagkabuhol-buhol ng sitwasyon. "Ah yeah, we just met a while a ago. May gagawin lang kami sa room. Looks like, y-you two seem to know eachother?" Nagtatakang napatanong tuloy si Margaux, napansin kasi nito ang kaswal na ikinikilos ng binata, lalo na kay Kassandra. Kilala niya ang kababata, bihira lang ito magpakita ng interest sa babae.
Tumingin sa kanya ang binata, kapuna-puna naman ang pagiging balisa ni Kassandra at dahil sa mga narinig niya kay Margaux ay may namuong hinala s'ya. Na maaaring isang gate crasher si Kassandra. Napangiti ito, pilit pinigilan ang sarili. Humarap siya kay Margaux upang sagutin ito.
"You mean us? A-Ah somehow? Geesh! I really don’t know but this is interesting. So—," muling humarap ito sa kanya. "Sinong kasama mo rito, K-Kassandra— right?" Napatitig tuloy ang dalawa sa kanya. Nagkainteres na rin si Margaux na alamin ito.
Tulalang hindi siya makasagot. Naku! Paano na 'to?
"SHE'S WITH ME!" Sambit ni Lucas ng marinig ang tanong ng kapatid. Pakiramdam nito'y pinag-iinitan nila si Kassandra. Dahan-dahan na napalingon sa likuran ang dalaga. Nanlaki ang mata nito ng makita niyang papalapit na si Lucas.
"Nasaktan ka ba, Kassandra?" Alalang turan din nito. Kanina'y kabang-kaba na ito na baka napahamak ang dalaga. Hinawakan nito ang balikat niya. Tiningnan siyang mabuti.
BINABASA MO ANG
Kassandra's Chant (COMPLETED)
RomanceNAGING mahirap ang unang pakikisalamuha ni Kassandra sa siyudad ng Hermanos ngunit ni minsan ma'y hindi siya pinanghinaan ng loob at sa pagtahak niya sa panibagong buhay ay makakadaupang palad niya ang ilang taong magpapabago sa kanyang kapalaran. I...