TINITIGAN siya ng matanda. Mukhang nai-impress naman ito sa kanya.
Lucas is in his best attire.
Alam n'ya kasi kung gaano kaimportante ang taong kakaharapin niya ngayon. Sadyang ipinahanap at kinilala siya ni Chairman upang pasalamatan. Agad nitong inimbitahan ang binata sa mansyon at nasurpresa ito ng malaman na mula siya sa angkan ng mga Vergara.
“I heard a lot of good things about you.” Seryosong bungad nito.
Tinatansya nito ang pagkatao ni Lucas. Ang totoo pamilyar din ang hitsura ng binata at kung hindi ito nagkakamali. Siya rin ang binatang nakasama ni Kassandra sa Cathedral noong unang beses n'yang makita ang apo.
Napapalunok si Lucas, para siyang manok na hindi mapirmi sa kanyang kinauupuan. Tumatakbo tuloy sa isipan niya ang mga bagay-bagay ukol sa nalalaman nito tungkol sa kanya. Dinaan niya sa pagkapit sa tasa ng t’sa sa harapan. Dahan-dahang ini-angat iyon upang padaanan ang kanyang nanuyong lalamunan.
“And also the not so good things,” salubong ang kilay nito. Pasimpleng napabumuga ito ng hangin. Parang naniniguro...
“There are things that I regret doing sir, but I assure you that I’m a respectful and determine man,” confident niyang sagot. Parang nagagamay naman niya ang sitwasyon. Mukhang tama nga ang kanyang naging kutob, binabasa nito ang pagkatao niya.
“Hindi kita inimbita rito upang husgahan. Well, don’t get me wrong Mr. Vergara. Nais ko lang na pasalamatan ka sa mga nagawa mo sa aking apo. Utang ko sa’yo ang kaligtasan niya.” Tipid ngiting wika ng matanda.
Napansin naman iyon ni Lucas, mukhang nagugustuhan naman siya ngunit sa puntong ito, hindi pa s'ya dapat maging kampante.
“Maiba ako, nalaman ko na magbubukas kayo ng bagong Hotel sa Singapore.” Lihis naman sa usapan ng matanda.
“Yes sir. Actually, my dad wants me to manage it but I’m still having second thoughts about that.”
Napangiti niya ang matanda.
“Sa mundo ng negosyo kailangang may puso at dedikasyon ka. Marami kang mako-compromise kung wala sa puso mo ang iyong ginagawa. Well, I can see that you’re very optimistic. I’m sure you can handle it, hijo.” Saad nito.
“Thank you, Sir!” Magalang niyang pagsagot sa matandang napasandal matapos sabihin ang mga salitang iyon.
“Inimbita kita dahil mayroon sana akong ipapaki-usap sa iyo.”
“Anything Chairman, I'll be happy to oblige.”
Isang imbitasyon ang kinuha nito at inilapag sa kanyang harapan.
“Nalalapit na ang kaarawan ni Kassandra. Pormal na siyang ipakikilala sa madla bilang lihitimong tagapagmana ng aming pamilya. Marahil ay hindi naman lingid sa’yo na very low profile ang pamilya ko. Isa ito sa mga bibihirang pagkakataon na magpapasimuno ako ng isang engrandeng party para sa kanya.”
Nabigla si Lucas, bakit hindi niya alam na malapit na pala ang kaarawan ni Kassandra? Sa kinatagal-tagal ng panahon niyang nakilala ang dalaga, hindi pa pala niya naitatanong ang tungkol sa importanteng araw na yon. Kinuha n'ya ang berdeng sobre at hinugot mula sa loob ang isang imbitasyon. May simbolong nakatatak sa likurang bahagi ng makinis na papel at base na rin sa pagkakaalam niya, bibihira lang ang mga pamilyang nagtataglay ng simbolo. Ito’y nangangahulugan lamang na ilang henerasyon na rin ang pamilya nito katulad ng pamilyang kinabibilangan din niya.
BINABASA MO ANG
Kassandra's Chant (COMPLETED)
RomanceNAGING mahirap ang unang pakikisalamuha ni Kassandra sa siyudad ng Hermanos ngunit ni minsan ma'y hindi siya pinanghinaan ng loob at sa pagtahak niya sa panibagong buhay ay makakadaupang palad niya ang ilang taong magpapabago sa kanyang kapalaran. I...